Kabanata 5
I Miss You
NAGISING ako ng madaling araw dahil sa pagkulo ng aking sikmura. Ngayon ko lang napagtanto na hindi pa pala ako naghahapunan.
Sino naman ang makakakain sa gano'ng sitwasyon? Para akong nakasaksi kanina ng isang blockbuster movie sa pagitan ng dalawang kapatid ko. Mas pinili ko nalang na matulog kanina kaysa sa makita pa ang isa sa kanila.
Walang alinlangan akong lumabas ng kwarto at bumaba na. Masyado akong natabunan ng takot at gulat kanina. Kuya Malach's return is a huge wave to me.
Hindi na ako nag-abalang galawin ang pagkain na itinabi sa akin ng maid dahil sa gulay ito. Not to be maarte pero hindi talaga para sa akin ang gulay.
Sobrang kumakalam na talaga ang sikmura ko kaya kahit na tinatamad ako ay kinuha ko nalang ang fries sa ref para i-prito. Okay naman na 'tong pantawid gutom.
"Ay, tite!" Mariing sigaw ko nang may biglang mahigpit na humawak sa magkabila kong braso.
"Oh, shit. Bad ka!"
Agad akong napaharap sa lalaking humawak sa akin na ngayon ay halos mamatay na sa kakahalakhak. Mabilis kong hinambalos si kuya Malach, lalo na no'ng makita kong tumilapon ang ilang fries sa mangkok ko.
"Nakakainis ka!" Singhal ko rito bago ko pa siya talikuran.
"Nakakainis ka," he even mocked my voice but in a childish tone.
"Grabe ang pinayat mo, Sui." Malumanay na nitong tugon. "But it's not that bad. Bagay parin sa'yo."
Ramdam ko ang pagtabi niya sa akin. Agad ko siyang sinamaan ng tingin nang mabilis niyang inagaw mula sa akin ang fries na nakaayos na sana para mai-prito ko.
"Oh, come on, Sui. Eat this." Muli niyang inilapit sa mangkok.
Bahagya akong lumayo sakaniya para mailuto na ang fries at para na rin makaiwas sakaniya. Shet, galit pala ako sakaniya.
Napasinghap lang ako sa hangin nang mabilis niyang hinawakan ang palapulsuhan ko saka ako mabilis na hinigit papalabas ng kusina.
Patuloy niya akong hinila hanggang sa nasa labas na kami ng bahay. Ramdam ko ang paghampas ng malakas na hangin sa aking mukha. Madaling araw na rin kasi.
"Kuya, gabi na!" Singhal ko nang makitang inilabas niya ang motorsiklo ni Kuya Zachy na pinakaiingatan niya mula sa garahe.
"Jesus," natampal ko nalang ang noo ko nang tawanan lang niya ako saka mariing pinaandar ang motorsiklo. Lumikha pa ito ng malakas na ingay kaya minadali ko siya sa balak niya dahil sa baka magising pa si kuya Zachy. Patay kami sa halimaw na 'yon.
"Dating gawi?" Ngiting-ngiti pa siya kaya lumitaw ang dalawang malalalim niyang biloy sakaniyang magkabilang pisngi.
Kahit na labag sa loob ko ay sumakay parin ako sa motorsiklo. Hinampas ko pa ang likod nito para lang ipaalala sakaniya na mag-iingat siya sa pagmamaneho.
Pero halos magulantang ang buong sistema ko nang mabilis niyang pinaharurot ang motorsiklo sabay preno ng mabilis. Ako naman na sakay niya ay nadudukdok sa likod niya.
Humalakhak lang ito pero mabilis niyang isinalikop ang braso nito sa leeg niya para salagin ang mga batok at hampas ko sakaniya.
"Kumapit ka kaya sa'kin, Sui." Tugon niya at mabilis na kinuha ang dalawang kamay ko. Mahigpit ang pagkakahawak nito kaya't hindi na ako nakapagreklamo pa nang ipalibot niya ang kamay ko sa kaniyang katawan.
Inis ko siyang inirapan at tumingin nalang sa daan. Hindi ko siya mabara dahil sa muli nanaman akong natatabunan ng gutom ko. Gusto ko rin namang kumain sa labas, iyon nga lang ay wala akong masyadong tiwala dito sa driver ko ngayon.
Dahil nga sa madaling araw na ay malakas at malamig na ang simoy ng hangin. Nakayakap na ako ngayon sakaniya at nakapatong na rin ang ulo ko sa likuran niya dahil sa medyo nangangawit narin ako, tumatas tuloy lalo sa ilong ko ang pabango nito.
Wala paring pinagbago, masyadong matapang at lalaking-lalaki. Iyon nga lang ay hindi na siya kasing payat ng dati. Ramdam ko ang kamay kong nasa tiyan niya na mayroon itong taba. Kaya pala kumportable ang kamay ko dahil medyo chubby ang may bandang tiyan ni Malach.
"Sui, may abs parin 'yan kapag hindi ako kumakain ng lunch." Aniya bago pa humalakhak ng bahagya. Napansin niya atang bahagya kong pinipisil-pisil ang kaunti nitong bilbil.
Nang makarating kami sa isang fast food chain ay mabilis niyang sinabi ang order namin. Drive thru lang kaya hindi na ako bumaba ng motor. Pero kinurot ko lang din sa tagiliran 'tong si Kuya Malach dahil sa ang lakas niyang husgahan 'yong fries ko kanina sa bahay, eh processed food lang din naman ang binebenta dito.
"May pupuntahan tayo,"
Wala akong nagawa nang ibang ruta na ang tinahak niya. Nakatitig lang ako sa mga dinadaanan naming sasakyan buong byahe. Nabalik lang ako sa huwisyo nang tumigil kami sa kung saan.
Napangiti ako nang marinig ko ang ingay na nanggagaling sa karagatan. Napayakap ako sa sarili ko nang bumalot sa akin ang napakalakas na simoy ng hangin. Ang liwanag na nanggagaling sa buwan at anh ilang streetlights lang ang nagbibigay ilaw sa paligid. Kitang-kita ko ang makinang nitong repleksyon sa dagat.
Naupo lang kaming pareho sa may bench. Naaalala ko noon, ganitong-ganito ang ginagawa namin ni kuya Malach tuwing madaling araw. Tatakas ss bahay and it's either magdadala kami ng pagkain or bibili kami sa labas para dito kainin sa labas. Tapos pag-uwi namin, grabi kami pagalitan ni Mommy't Daddy.
Suminghap ako sa hangin nang maalala ang mga nangyari kanina. Alam ko naman may rason ang lahat pero bakit hindi man lang nila magawang sabihin sa'kin 'yon?
"Zaicho are you mad?" Tanong ni kuya Malach nang mapansin niya siguro ako.
"Honestly, yes." Matabang kong sambit sabay kuha ng fries, gutom na ako.
"Ba't ka umuwi?" Lumingon na ako sakaniya.
Sa pagkakataong ito, siya naman ang napabuntong hininga. Napalunok siya at nakita ko ang pagkakaigting ng kaniyang mga panga.
"A very long story, Zaicho. But to tell you honestly, the main reason why I came back was to uphold my promises to you." Sobang lumanay ng pagkakasambit niya.
Naaalala ko nga 'yong mga sinabi niya bago sila pumunta no'n ng Amerika. Na may rason siya kung bakit siya aalis at kailangan ko siyang pagkatiwalaan.
"Noong umalis kayo papuntang states. Ano 'yung sinasabi mong rason?" Sa mga mata niya na napako ang titig ko.
"Ikaw," mabilis niyang sagot na ikinalaki ng mga mata ko. Nag-iwas siya ng tingin sa akin.
"Ako?" Natigilan ako. Ilang sandali na ang katahimikan ang siyang namamayagpag sa pagitan naming dalawa.
"I missed you so much." Pagbasag niya sa katahimikan.
Nangunot ang noo ko nang makita ko kung papaano mahulog ang ilang butil ng luha mula sakaniyang mga mata.
"And you have no idea how happy my heart is."
Lumingon siya sa akin at nakipagsabayan naman siya sa aking titig. His eyes tells everything. Sobrang saya nga niya.
"Zaicho, I'm back."
---
A/N :
Ang basa po sa pangalan ni Malach is Ma-leyk. Random ko lang na naisip 'yong name niya no'ng naliligo ako. Stay safe. 🤍
YOU ARE READING
He's My Best Mistake | BxB
Romance"If love is dangerous then I'm willing to take the risk." Hindi inaasahan ni Zaicho Eldhin Fortalejo na darating din siya sa puntong kukwestyunin niya ang takbo ng tadhana. Simula palang, inakala niyang wala siyang magiging laban kung sakali mang s...