Kabanata 58
Boyfie
"Careful, baby."
Hindi ko alam kung ano'ng oras na kami nakarating ni Kuya Malach sa camping site. Sobrang smooth nalang kasi ng paglalakad namin kahit na masukal na at tanging ang liwanag lang galing sa buwan ang siyang nagsisilbing ilaw namin. Baka gano'n nga talaga. Wala talaga akong hindi kayang gawin kung si Kuya Malach ang kasama ko.
"Uuwi na tayo, ha?" Hindi ko na rin alam kung papaano kami napunta ni Kuya Malach sa gano'ng usapan habang naglalakad kami. Basta ang sinabi niya sa akin ay wala na kaming rason para mag-stay pa kami dito sa Hera Celestia. Pero sa tingin ko ay ayaw niya lang talagang makita ang maski isa sa dalawang 'yon.
"Mauna na kami, Zachy," tugon pa ni Kuya Malach kay Kuya Zachy. Tumango lang naman si Kuya Zachy.
"Sige, mag-iingat kayo." Nag-fist bomb pa sila bago ako higitin ni Kuya Malach habang hila-hila niya sa isang kamay niya ang aming mga maleta. Si Kuya Zachy na raw ang bahala sa tent namin. Nagtataka nga ako kung bakit gano'n nalang kabilis na pumayag si Kuya Zachy sa pag-uwi namin, eh siya nga 'tong nagsabing isang linggo kami dito.
Ang bilis ng pangyayari. Basta ang alam ko lang ay nag-usap lang ng masinsinan sila Kuya Malach at Kuya Zachy. Ngayon ay nasa biyahe na kami pabalik sa syudad namin. Pinagamit na rin sa amin ni Kuya Zachy 'yung puting van para hindi na raw kami mahirapan.
Habang nasa byahe ay nakatulog ako dulot na siguro ng pagod sa mga nangyari ngayong araw. Nagising nalang ako nang maramdaman kong buhat-buhat nalang ako ng kung sino. Nakilala ko lang ito nang halikan niya ako sa noo ko kaya mabilis kong naamoy ang pamilyar na amoy ng isang lalaki.
Sa kwarto ko natulog si Kuya Malach at hindi na ako nakapagwelga dahil sa kinuha na niya halos ang lahat ng mga unan niya sakaniyang kwarto at inilipat niya ito sa aking kwarto. I slept on his arms and it feels really ethereal that I'm already waking up on his arms every morning with a big smile on my face.
Isang linggo na ang nakakalipas simula nang malaman ko ang katotohanan. Hindi ko pinansin maski isa kila Xaerex at Thiago. Kahit na minsan ay parang sinasadya ni Thiago na dumaan sa building kung saan ang first class ko, marahil ay umaasa siyang kakausapin ko na siya. Pero hindi na kasi talaga katulad ng dati. Mas maigi na ring ganito. Alam ko naman na darating ang araw na makakausap ko rin siya. Ayoko rin namang nagtatanim ng sama ng loob dahil sa nakakastress 'yon. Pero sana ay maintindihan ni Thiago na masyadong masakit sa akin ang ginawa niya. At hindi gano'n kadali para sa akin ang kausapin siya ng gano'n-gano'n nalang.
Habang si Xaerex naman ay nahuhuli ko ang pasimple niyang pagtingin-tingin sa'kin. Ako na rin ang nag-adjust ng upuan at lumipat nalang since seatmates kami sa Drafting.
Mukhang nakuha naman niya na wala akong balak na makipag-usap sakaniya kaya hindi na rin naman na niya ako kinukulit. Iyon nga lang ay masyadong nakakapanibago dahil sa panay ang buntot niya sa akin noon. Pero sinabi ko sa utak ko.. mapapatawad ko lang siya kung aaminin niya kay Lite 'yung ginawa niya. Hindi ko na inisip ang sarili ko dahil alam kong kaya ko. Pero si Lite, knowing her na sobrang mahal na mahal niya si Xaerex, talagang masasaktan siya ng malala.
Hanggang sa dumating na ang araw ng biyernes, birthday ng Mommy nila Kuya Kenshin at Sachzna kaya naimbitahan kaming magkakaro'n ng dinner party sa bahay nila.
Nag-aayos ako ng susuotin ko nang tumawag si Sachi. Sinabi niyang agahan ko raw ang pagpunta ko sa bahay nila since ang Mommy lang daw niya ang priority ng Glam Team na kinuha nila at tutulungan daw namin siya ni Zerachiel sa pag-aayos nito.
"Ready ka na po?" Awtomatiko akong napangiti nang marinig ko ang malalim at malumanay na boses ng isang lalaki mula sa labas ng kwarto ko.
Agad ko siyang sinalubong sa pamamagitan ng pagpulipol ng kamay ko sa leeg niya. Bahagya pa siyang nagtaas ng dalawang kilay habang nakangiti nang mabilis ko siyang hinalikan sa labi niya. Inaayos niya kasi ang pagkakatupi ng button down long sleeve polo niya nang gawin ko 'yon.
YOU ARE READING
He's My Best Mistake | BxB
Romance"If love is dangerous then I'm willing to take the risk." Hindi inaasahan ni Zaicho Eldhin Fortalejo na darating din siya sa puntong kukwestyunin niya ang takbo ng tadhana. Simula palang, inakala niyang wala siyang magiging laban kung sakali mang s...