Kabanata 42
Sermon
HINDI ko na alam kung papaano ako makakabuo sa utak ko ng mga ipang-dadahilan ko. Pero pwede namang i-alay ko nalang ng tuluyan 'tong tainga ko kay Kuya Zachy kung sakali mang bigwasan niya na ako mamaya.
Habang naglalakad, patuloy kong pinaglalaruan ang mga daliri ko habang patuloy parin sa pagbuo ng mga sasabihin kay Kuya Zachy sa utak ko. Pero mukhang hindi yata ito nakakatulong dahil sa patuloy parin sa pagkalabog ang dibdib ko sa kaba.
Tapos sinabayan pa naman ng isang isang damuhong nilalang na walang katapusan ang pang-aalaska sa akin. Nakailang ulit na nga akong hampas dito kay Xaerex pero hindi parin siya nagpapatinag.
"Ako na sa kabaong at sa susuotin mo," nakangising bulong pa niya sa mismong tainga ko kaya agad kong iniwas ang mukha ko. Narinig ko pa ang bahagya nitong paghalakhak.
"Sige, takas pa! 'Di ba, iba talaga magalit si Zachario? Namamalo 'yon, 'di ba?" Tugon pa niya pero nang dahil sa pinangunahan nanaman ako ng takot dahil sa totoo naman ang sinasabi niya, hindi ko na siya nagawang patulan pa at inirapan ko na lang siya bago pa siya unahan nalang ito sa paglalakad.
Patungo kaming tatlo ngayon sa cateen para makipagkita na kila Kuya Malach at Kuya Zachy katulad ng napag-usapan kanina.
At para namang sinasadya ng dalawang asungot na sila Sachzna at Zerachiel na makasabay ko sa paglalakad 'tong si Xaerex para mas lalo akong mayamot dahil sa halos takbuhin na nila ang daan patungo sa canteen.
Sinama ko nalang din si Xaerex.. na maling desisyon pa yata. Hindi nanaman niya kasi ako tinantanan at talagang sinagad nanaman ng kumag na 'to ang pasensya ko kaya hinayaan ko nalang siyang sumama sa amin.
At nang nasa may entrance na kami ng canteen, dali-daling pumasok 'yong dalawang kanina pa nagpapatiuna habang ako naman itong naestatwa ulit sa pagkakatayo habang deretso lang na nakatitig sa may bukana ng entrance.
"Pstt," Sitsit sa akin ng lalaking nasa likuran ko.
"Psst, bansot!" Muling bulong ni Xaerex na nasa tabi ko na pala at mukhang hindi na niya napigilang hindi ako kalabitin. Matalim ko naman siyang tiningnan.
"Tara na! Hindi ka naman papatayin no'ng si Zachy! Tatapyasan ka nga lang siguro ng leeg." Muling tugon niya na siyang ikinairap ko naman sa kawalan.
Naramdaman ko naman ang paghawak niya sa mismong braso ko. Pero tanging paglunok ko lang ang siyang nagawa ko nang makarinig ako ng pagtawa ng isang lalaki mula sa loob ng canteen, 'yong halima---si Kuya Zachy.
"O, mukhang good mood pa yata si Zachario da gago ngayon. Halika na!" Muling aya niya sa akin at hindi ko na siya nagawang pigilan nang higitin na niya ako ng tuluyan papasok.
Sa loob, medyo nawala naman ang takot ko nang makita kong patuloy pa rin sa pagtawa si Kuya Zachy. Pero habang tumatawa siya ay nakaturo naman siya sa isang babaeng wari ko'y ang siyang dahilan ng paghalakhak niya.
Mabigat ang bawat paghinga at lumalaki pa ang dalawang butas ng ilong ni Sachzna habang matalim na nakatitig kay Kuya Zachy.
Lalapit na sana ako para awatin siya dahil sa mukhang magsisimula nanaman ang digmaan ng dalawang 'to, pero mabilis na nahagip ng paningin ko ang pagdaan naman ni Zerachiel sa mismong gilid ko.
Wala sa sariling napabuntong hininga ako nang makita kong pinaghahampas niya si Kuya Kenshin na ngayon ay malakas rin ang paghalakhak habang sinasalag lang ang bawat hampas ni Zerachiel.
Hindi ko naman maintindihan ang pinag-uusapan ng dalawa dahil sa bukod sa medyo nalayos sila sa pwesto namin, halos nagbubulungan lang naman sila pero pareho namang nagngingisian.
YOU ARE READING
He's My Best Mistake | BxB
Roman d'amour"If love is dangerous then I'm willing to take the risk." Hindi inaasahan ni Zaicho Eldhin Fortalejo na darating din siya sa puntong kukwestyunin niya ang takbo ng tadhana. Simula palang, inakala niyang wala siyang magiging laban kung sakali mang s...