Kabanata 31
Let Me Escape
NAGISING ako nang dahil sa ingay ng bangayan sa pagitan dalawang tao. Unti-unti ako nagmulat ng mga mata saka ko marahang kinapa ang sarili ko.
"Tanga! Eh, ano'ng magagawa nitong ni Zaicho? Sa liit niyang 'to? Halos mayupi na nga rin siya kanina no'ng lalaking may pulang buhok na parang endorser ng Andoks!" Rinig ko ang matilis na boses ng isang babae, si Sachzna.
'Walang sinabi 'yong kaingayan niya sa katabi kong alarm clock.'
"Ikaw nga ang pilipitin ko ang braso tapos ihampas ng ilang beses ang mukha sa kotse tapos sakalin pa kita. Tingnan natin kung makakalaban ka ring hinayupak ka!" Sagot rin naman ng mataray na lalaki na kulang na lang ay tusukin narin si Sachzna gamit ang matatalim nitong tingin, boses ni Zerachiel.
"Ramdam ko si Zaicho!" Tugon pa ni Sachi bago pa umarteng nasasaktan siya at may pahampas-hampas pa siya sa hita niya at kunwaring naiiyak na parang isang aktres sa theatro, "Kase magka-height lang kami! Pero mas lamang ako siyempre sa ganda, ano."
Uupo na sana ako para batukan 'tong si Sachi pero mabilis ko rin itong pinagsisihan dahil sa eksaktong pag-angat ko ng ulo ko ay siya rin namang mabilis na pagkirot ng siko ko. As in 'yong gitnang parte ng kamay ko. Hindi ko tuloy magawang mai-angat ang kamay ko para handugan kahit isang sabunot man lang 'tong babaeng nasa harapan ko ngayon.
Agad namang naalarma ang dalawa sa paggising ko kaya't awtomatiko silang napalapit sa akin.
"Zaicho! Gago, huwag kang masyadong gumalaw!" Inis pang tugon ni Zerachiel saka ako inalalayan sa pag-upo.
Napasandal nalang ako sa headboard ng kama ko saka marahang napapikit at tumingala. Inabutan ako ni Sachi ng isang baso ng tubig pero mabilis lang rin akong umiling dahil sa iniinda ko parin ang sakit ng aking siko.
"Zaicho, gising ka na!" Ani Sachzana at bahagya pa akong niyugyog, "Sabihin mo sa'kin, ano'ng itsura ng langit?"
Nagbukas ako ng mata at matalim kong tiningnan itong babaeng 'to. Inambahan ko siyang sasabunutan kaya't bahagya siyang napalayo sa akin ngayon.
"Sorry, sorry, sorry. Akala ko kasi natuluyan ka na kaninang nasa parking lot tayo, eh. Bigla ka nalang bumulagta."
Inirapan ko nalang siya saka muling ipinatong ang likod ko sa headbord at wala sa sariling niyakap nalang ang kanan kong braso dahil sa hanggang ngayon ay hindi parin mawala-wala ang hapdi nito.
Nandito na pala kami ngayon sa kwarto ko. Hindi ko na kasi alam ang mga nangyari pagkatapos kong makita si Xaerex na lumapit papunta sa gawi namin para sugurin 'yong si sakuragi tank build. Basta't ang alam ko ay bigla nalang nanghina ang buong katawan ko matapos takpan ni sakuragi tank build ang ilong at bibig ko gamit ang panyong may kung ano'ng pabango.
Muli lang akong napapikit nang muling ipaalala ng napakamapaglarong utak ko ang buong nangyari kanina lang.
Hanggang ngayon ay palaisipan parin sa'kin kung bakit kami inabangan kanina sa may gate ng campus namin. Buti sana kung isang tao lang, siyam silang lahat kasama na 'yong dalawang lalaking may maskarang kulay ginto.
'Yong mga kalahi ni Aldous ng ML'
Doon biglang sumagi sa utak ko si kuya Malach. Naalala ko na bago pa kami umuwi kanina ay nakumpirma kong may lagnat siya.. at kaninang hinampas siya ng tubo at sinapak ng malakas no'ng isa sa mga lalaking nakasuot ng gintong maskara, kitang-kita ko kung papaano siya namutla. Muli akong nagbukas ng mga mata at mabilis na ibinaling ang titig ko dito sa dalawa na deretso rin pala ang tingin sa akin.
YOU ARE READING
He's My Best Mistake | BxB
Romansa"If love is dangerous then I'm willing to take the risk." Hindi inaasahan ni Zaicho Eldhin Fortalejo na darating din siya sa puntong kukwestyunin niya ang takbo ng tadhana. Simula palang, inakala niyang wala siyang magiging laban kung sakali mang s...