Kabanata 61

276 20 1
                                    

Kabanata 61

Secret

MAAGA akong nagising kinabukasan. Dala na rin siguro ng pagod dahil sa mga pinaggagagawa namin ni Kuya Malach kahapon. Nagising lang ako nang buksan na ng isa sa mga pinsan ko, si Jumar, ang bintana ng kwarto ko kaya natamaan ang mukha ko ng sinag ng haring araw.

"Breakfast na raw tayo," rinig ko pa ang antok sa malalim niyang boses.

"Bwisit ka talaga, Jumar! Naghahalikan na kami ng crush ko sa panaginip ko, eh!" Sigaw naman ng katabi kong si Jennie, isa rin sa mga pinsan ko.

"Hindi ka rin naman magugustuhan no'n, dude." Tamad na sagot ni Jumar na siyang ikinairap sa kawalan ng babaeng 'to.

Pareho silang anak ng mga kapatid ng Daddy ko. Silang dalawa lang ang ka-close ko sa lahat ng mga pinsan ko pero nagkahiwa-hiwalay kami last year nang lumipat na sila sa states. Parang kaibigan ko lang din sila, 'di katulad kay Lite na matindi talaga ang galit sa akin.

Habang pare-pareho kaming nag-aayos ay panay nanaman ang bangayan nilang dalawa, naalala ko tuloy sakanilang dalawa ang mga asungot na sila Sachzna at Zerachiel.

Nang matagalan ko ang pagkakatitig ko sakanilang dalawa ay kita ko ang pagkakahawig naming tatlo. Skinny rin si Jennie katulad ko pero medyo singkit ang kaniyang mga mata since may lahing Japanese 'yung Daddy niya. Habang itong si Jumar ay parang badboy version lang ni Kuya Zachario dahil sa pamamaraan niya ng pananamit. At lahat kami ay magkaka-edad.

Nang matapos na kaming tatlo sa mga ritwal namin ay agad na rin kaming lumabas ng kwarto. Pero nang madaanan namin ang kwarto ni Kuya Malach ay pasimple akong sumilip doon dahil sa bahagyang nakabukas ang pinto ng kaniyang kwarto. Pinauna ko na sila Jennie at Jumar bago pa ako tuluyang pumasok sa kwarto ni Kuya Malach.

Wala sa sariling napanguso ako nang makita ko ang tahimik na natutulog na si Kuya Malach. As usual, wala siyang damit pang-itaas at mabuti nalang at may nakabalot sakaniyang comforter dahil sa kilala ko 'tong isang 'to, wala siyang ibang isinusuot kapag nasa kwarto kung hindi boxer shorts lang.

Umupo ako sa kama niya habang titig na titig parin sa kaniyang mukha. Sobrang amo talaga ng mukha niya. Hinaplos ko ang kaniyang malambot na pisngi na siyang ikinangiti ko ng malapad.

"Oo na, pogi ka na." Bulong ko bago ko pa inayos ang nagulo niyang buhok.

Pinasadahan ko ng haplos ang kaniyang matangos na ilong bago ko ito bahagyang pinisil para gisingin siya. Narinig ko ang bahagya niyang pag-ungol kaya sunod kong pinisil ang kaniyang pisngi para magising na siya ng tuluyan.

"Malach?" Bahagya ko pang tinapik ang kaniyang pisngi. "Babe, get up,  breakfast na."

"Hmm.." muling ungol niya. Unti-unti niyang ibinukas ang kaniyang mga mata. Kumurap siya nang makita niya ako sa harapan niya.

Ilang sandali ay nasaksihan ko ang pagguhit ng malaking ngiti sa mga labi niya, dahilan ng paglitaw ng dalawang malalalim niyang biloy sa magkabila nitong pisngi.

"Goodmorning, gorgeous," rinig na rinig ko ang garalgal sa malalim at antok niyang boses.

Inirapan ko lang siya sabay hila sa kamay niya para tuluyan na siyang makabangon. Pero ang kumag, agad siyang humawak sa palapulsuhan ko at siya ang malakas na humila sa akin kaya napahiga ako sa mismong ibabaw niya. Bahagya ko pa siyang sinamaan ng tingin sabay senyas sa pintuan, hindi ko kasi 'yon ni-lock.

"Five minutes, Sui," bulong niya sa mismong tainga ko saka niya binugbuog ng halik ang leeg ko. Napangisi ako nang maramdaman ko ang kamay niyang marahang nakahaplos sa may hita ko.

He's My Best Mistake | BxBWhere stories live. Discover now