Kabanata 73

114 10 3
                                    

Kabanata 73

Traitor

"Higpitan niyo 'yung pagkakagapos niyan!"

Nagising ako sa sigaw ng kung sino. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. No'ng una ay malabo pa ang paningin ko pero paunti-unti ay mas nababanaagan ko ang isang lalaking nakatayo sa harapan naman ng isang nakagapos na lalaki.

Wala sa sariling nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Malach. Kitang-kita ko ang pamumula ng kaniyang mukha dahil sa halatang sinusubukan niyang tanggalin ang tali na mahigpit na nakagapos sa kamay niya habang nakaupo siya sa isang upuan. Pawis na pawis siya at punit-punit na rin ang suot niyang t-shirt. Nakita ko rin ang ilang gasgas sa braso at sa kaniyang dibdib. Maging ang gilid ng mga labi niya ay namamaga rin.

Tinangka kong sumigaw pero parang walang nangyari dahil sa may kung ano palang nakatakip sa bibig ko. Tinangka kong igalaw ang mga kamay ko pero nakatali rin ako, sobrang higpit nito.

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Wari ko'y isa itong abandoned factory dahil sa may mga nagkalat na sirang makina, tangke at mga bakal sa paligid. Marami ring lalaking nakapaligid na para bang binabantayan nila ang bawat sulok1. Ang ilan sakanila ay kung hindi kahoy ang hawak, mga tubo naman.

"Are you dumb, Kuya?! Why would you do this to us?!" Muling sigaw no'ng lalaking nasa harapan ni Malach kaya agad akong napalingon doon.

At ang lalaking nasa harapan ni Kuya Malach ang siyang dahilan ng mas lalong paglaki ng aking mga mata. Sa galit na galit na mukha no'ng lalaki nagtapos ang titig ko. Napalunok ako. I knew it. Isa siya sa mga lalaking inakala kong totoong nagmamahal kay Malach... si Zadkiel, ang tunay na bunsong kapatid ni Malach.

Kitang-kita ko ang panggagalaiti sakaniyang mga mata habang dinuduro niya si Malach. Mas lalo pa akong ginapangan ng kaba nang makita ko na may hawak pa siyang tubo na kahit na ano mang oras ay maaari niyang ihambalos kay Malach.

"Kapatid mo 'ko! Kami! Bakit mas pinipili mong kampihan 'yang si Zaicho?!" Gigil na anas ni Zadkiel saka siya lumapit sa gawi ni Malach.

"Tandaan mo, namatay ang nanay natin nang dahil sa pamilya nila!" Umalingawngaw ang sigaw niya sa buong paligid. Rinig na rinig ko ang panggagalaiti sa naging tono niya.

"Hindi si Zaicho ang pumatay kay nanay." Blangkong anas naman ni Malach habang nakayuko siya. Umiling naman si Zadkiel saka siya sarkastikong natawa.

"Kahit na! Putangina, nakakaintindi ka ba?!" Halos makita na ang lahat ng ugat sa leeg niya nang sigawan niya si Malach sa mismong mukha niya.

"Isa parin siyang Fortalejo! Mga Fortalejo na dapat nating ginagantihan!" Muling sigaw ni Zadkiel saka niya muling dinuro-duro si Malach na para bang hindi niya ito kapatid. Gustong-gusto kong tumayo para pigilan siya pero sobrang higpit ng pagkakatali sa akin.

"'Yun lang ba talaga ang dahilan?" Nailipat naman kay Malach ang titig ko nang muli siyang nagsalita. Nakita kong nakipagsabayan siya sa matalim na titig ni Zadkiel.

"Naririnig ko kayo ni Davis. Matagal ko ng alam na katulad ka rin nila, sakim at gahaman sa pera." Seryosong sambit ni Malach sa mismong mga mata ni Zadkiel. Napangisi naman si Zadkiel sa narinig niya mula sakaniyang nakatatandang kapatid.

"Alam ko naring matagal niyo na akong pinagpa-planuhang patayin, " ma-awtoridad pa niyang sambit. Pagkatapos ay sarkastiko rin siyang natawa.

"I know who are the real and fake ones. I just love playing with your bullshit show." Sa pagkakataong ito, si Malach naman ang siyang napangisi.

"At nakakaputanginang isipin na idadamay niyo si Zaicho na wala namang kinalaman sa mangyari kay nanay!" Nagsalubong ang dalawang mga kilay ni Malach at nasaksihan ko rin ang madiin na pagkakaigting ng kaniyang mga panga.

He's My Best Mistake | BxBWhere stories live. Discover now