Prologue

1.2K 45 11
                                    

Prologue

7 years ago...

NANGINGINIG ang mga kamay ko habang nagpapalit ng damit at pilit pinipigilan ang pagtakas ng luha. Hindi ko na makilala pa ang sarili ko dahil sa mga ginagawa ko. Hindi ko alam kung may karapatan pa ba akong tumapak sa mundong 'to.

Ang dami kong nasaktan. Ang daming inosenteng nasaktan dahil sa akin. Ngunit wala akong magawa para itama 'yon. Hawak nila ako. Hawak nila ang leeg ko sa loob ng limang taon. But not until this day came.

Hindi ako karapat-dapat sumaya ngunit kahit ngayon lang, nakaramdam ako ng kaunting pag-asa. Pag-asa sa habambuhay kong kalayaan at pagbabago.

Sumakay ako sa big bike saka mabilis na humarurot paalis. Pagdating ko sa hideout, sumalubong agad sa akin ang sikretong bandila ng Omega na kinakabit sa gitnang poste ng bulwagan. Napangiwi na lang ako at dumeretso sa opisina niya ngunit malayo pa lang ako ay humarang na agad ang mga tauhan sa pinto.

" allez-vous?" (Where are you going?)

"Isn't it obvious, dimwit?" I replied. "I want to enter this office."

"Quel est votre but?" (What's your purpose?)

"Je dois parler à Hugo." (I need to talk to Hugo.)

"Il a un invité important. Come back later." (He has an important guest.)

Tumaas ang sulok ng aking labi. "I can't wait." Saka ko sila tinulak at malakas na sinipa ang pinto.

Gaya nang inaasahan, ang mga tauhan ay agad na naglabas ng baril at tinutok sa akin. Hindi ko naman 'yon pinansin at naglakad papasok.

"What brings you here, Rae?" nakataas ang kilay na sambit ni Hugo. Nanatili siyang nakaupo sa swivel chair, hindi natinag sa aking pagdating.

May isa pang lalaki sa harap ng table niya at batid kong iyon ang sinasabing important guest ngunit hindi ko siya kilala. Wala akong balak kilalanin. Mas mahalagang makaalis na ko sa impyernong 'to.

"I did what you told me to do," I blurted coldly. "Can I go now?"

"I know you could finish it in twenty minutes. That's how you got your title being a co---"

"Shut the hell up," I countered in gritted teeth. "We made a pact, Hugo. Can I go now? Freely."

"You can't, Rae."

"So, you just...fooled me?" Naikuyom ko ang kamao. "You said you'll release me after five years! I did what you want me to do! Isn't that enough?!"

"Once you enter Omega, there's no way out unless you're dead."

"I did not enter. You forced me."

Mabilis kong sinuntok ang isang tauhan at inagaw ang armalite nito upang paputukan silang lahat. Agad na nakaiwas si Hugo kaya hinagis ko ang tear gas saka maliksing kumaripas ng takbo. Nagsuot ako ng helmet, sumakay sa big bike at humarurot palayo.

Mula sa side mirror, nakita kong humabol sa akin ang dalawang itim na kotse habang pinapaulanan ako ng bala. Mabilis akong umiwas at ginewang ang motor. Tinaas ko ang armalite patalikod at ginantihan sila.

"You can't escape!"

"No!" Malakas akong pumreno at inikot ang motor paharap. "You can't escape me, buggers!"

Akma pa silang bababa ng kotse subalit agad ko nang kinalabit ang gatilyo at pinaputukan silang lahat. Hindi ako tumigil hangga't hindi nababasag ang windshield at umiimpis ang gulong. Nang walang natirang bala ay mabilis kong tinapon ang armalite saka muling humarurot paalis.

Huminto ako sa gilid ng simbahan at doon pinarada ang motor. Sa buong bansa na 'to, ito lamang ang parte kung saan hindi nila ako masusundan. Hindi sila nakagagawa ng kabalastugan sa sagradong lugar dahil pinagbabawal ng mysterious boss ng Omega. Laking simbahan daw iyon. Na isang malaking kalokohan para sa akin. Sino namang maniniwala ro'n?

You cannot treat people like a garbage and worship God at the same time.

Inalis ko ang helmet at pabuntong-hiningang naglakad. Ito na naman ang pakiramdam na hindi ko alam kung saan ako tutungo. Sa loob ng limang taon, ganito na lang parati. Para akong pusang naliligaw.

The cat they intended to lost is still in agony.

Huminto ako sa mataas na tulay at doon na tuluyang bumuhos ang masaganang luha sa aking mga mata. Ang kakarampot na pag-asa ay bigla na lamang naglaho. Hindi na yata ako makalalabas pa sa impyernong 'to.

I took my digital voice recorder and pressed the button.

"Today is October 4, my birthday," I murmured. "I'm in Pont du Garigliano bridge, Paris, France." My voice cracked as tears flowed down again. "Mom, no one will ever love me the way you do. I want to be with you. Lolo, Dad and my two brothers, I'll go far away. Think about me sometimes."

I stopped the recording. I removed my jacket and put the voice recorder on its pocket. Ang nanginginig kong mga kamay ay kumapit sa railings. Sumilip ako sa baba ngunit napapikit din nang makita kung gaano kalalim ang tubig.

"Excuse me?"

Gano'n na lang ang pag-upo ko sa gulat nang marinig ang tinig ng isang lalaki. Yumuko ako upang itago ang aking mukha.

"Can you take a picture of us?"

Inabot niya ang digital camera kaya wala na kong nagawa kundi kunin 'yon.

"Of all places, why here?" Bakit dito pa kung saan ko napiling maglaho?

Hindi sumagot ang lalaki at naglakad na palayo kasama ang dalawang babae. Mabilis kong sinuot ang jacket at sumunod. Pinalis ko muna ang luha bago humarap sa kanila.

Napagigitnaan ang lalaki ng dalawang babae. Hindi ko alam kung magkakaibigan sila o pareho niyang girlfriend 'yon o kamag-anak. Kanina pa sila nakangiti pero 'yong lalaki ay seryoso ang mukha, minsan lang umangat ang labi.

"He's quite handsome," I whispered and pressed the button two times. "You're all great." Then I handed him the camera.

"Can you take another shot for me?"

I raised my eyebrows. "Make your girls do it."

Umiling siya at nilingon ang dalawang kasama na papalayo na. Malalim ang naging buntong-hininga ko at tumango.

Lumapit siya sa akin. "In video mode please."

I rolled my eyes. He's such a demanding foreigner. Tinaas ko ang camera at pinokus sa kaniya.

"One day, we will meet again but only when the time is right," he said. "When you step out of the darkness, I will be standing in the light."

I couldn't help but to stare at him deeply because as if he's saying that to me with his low, kind and calm voice.

"And I'll give you drops of divine."

🥀🥀🥀🥀

Drops of DivineWhere stories live. Discover now