Chapter XXII

299 22 9
                                    

Chapter XXII

"THE Old Testament is said to be unfinished story because it ends only with the faithful Jesus hoping and waiting for the Messaiah who will fully restore their nation, Israel, just as God had promised them through the prophets."

Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ang mga salitang 'yon. Dagli akong lumabas ng kwarto at nakangiting tumakbo.

"Why?" nakangising entrada ni Plum. "Akala mo si Elias, 'no?"

Sumimangot ako. "Dumating ka na pala."

"I went straight here just to see you." Pinasadahan niya ang kabuuan ko. "You look horrible."

"Madaling araw na kong nakauwi kagabi." Malalim ang naging buntong-hininga ko at napatingin sa TV dahil doon nanggagaling ang narinig ko. "Patayin mo nga 'yan."

She shook her head. "Hindi ako nakasimba kahapon dahil nasa byahe na kami papunta rito sa Pilipinas."

"Ayaw kong marinig 'yan."

"Nakakaloka ka, Tatiana. Bakit hindi mo sinabi na na-inlove ka pala sa taong gustong magpari?"

"What's the difference if I tell you? Walang makapipigil sa gano'n. At mas lalong wala akong laban kay Lord."

"Hindi ka naman makikipaglaban kay Lord. Pwede mo namang ipagdasal sa Kaniya na gusto mo si Elias."

"Hindi Niya ibibigay sa akin ang gusto ko."

"Atleast napakinggan Niya ang gusto mong mangyari. Malay mo magbago ang isip Niya."

"Enough, Plum," ngiwi ko at tinaas ang kamay. "Ang dami ko pang dapat isipin."

"Look what I've got." Tinaas niya ang trash bag. "Ang dami mong kalat."

At pinakamarami ro'n ay ang balat ng maltesers. Halos araw-araw yata akong kumakain no'n para maibsan ang lungkot ko.

"Thanks for cleaning." Matamis akong ngumiti. "Follow me in my room."

Binaba naman niya 'yon at sumunod sa akin. "What kind of room is this? Storage? My gosh, Tatiana."

"'Wag mo kong sermunan. Maupo ka." Kinuha ko ang ballpen. "Check this out."

"The one you're talking about yesterday?" Inikot niya 'yon at sinuri. "At ang tinutukoy ng mystery sender na naglalaman ng important evidence?"

I nodded. "What can you say?"

"Looks normal but there's something odd with it."

Kung anu-ano pa ang pinindot niya sa bawat parte niyon hanggang may lumabas na salita sa gilid.

"It's protected. We need a password to open."

"What's in there? Video? Chip?"

"Voice recorder."

Napaamang ako. "That's it."

"Yeah, but pretty sure mahihirapan tayong malaman ang password."

"Hindi mo kayang i-hack?"

"Tatiana, walang system 'to. Unlike the computers."

"But I know connected siya sa isa pang device."

Kunot-noo siyang umiling. "I'll check your auntie's system. Maybe I'll find clues regarding the password."

"Thanks." I sighed. "Where's your parents?"

Drops of DivineWhere stories live. Discover now