Chapter XXX
"ALL human beings, irrespective of sex, or race, creed, will have to come to terms with death. It is hard to bear the loss of people whom we love because of our attachment to them. It hurts to lose someone who impacted our lives and there's a huge, gaping void in us that only they could fill in. But we don't have to carry on like those without hope. We don't see this as the end of life, but rather a person's birth into eternal life."
Tulala lamang ako sa casket ni Daddy Rowan na nasa harap ng altar habang matamang nakikinig sa sermon ni Father Ben at tahimik na pumapatak ang luha sa aking mga mata.
Nitong nakaraan ko lang nalaman ang katotohanang siya ang ama ko pero heto siya, binawi na agad sa akin. Siguro nga na sandali siyang ginising ni Lord upang muli akong makita at mahagkan sa huling pagkakataon. Na pinaranas muna sa akin ni Lord na makasama at maparamdam ang pagmamahal ko kaniya dahil mahigit labindalawang taon kaming wala sa tabi ng isa't isa.
"One day, we will cross from death to life as well and be reunited with them as we knew Jesus as our savior."
Inalalayan ako ni Elias patayo at muling nakinig sa pari hanggang i-bless niya si Daddy Rowan. Natapos ang misa nang ialok din nilang magsalita ako ngunit tumanggi ako. Tama ng si Daddy na lang ang makaalam ng mensahe ko para sa kaniya. At alam din naman ng lahat kung gaano kabuti ang kalooban niya kaya hindi ko na dapat ulitin 'yon sa kanila.
Ang pumalit na magsalita ay si Vivian, bilang pangalawa sa aming magkakapatid pero hindi ko pinakinggan at nagdesisyon na akong lumabas ng simbahan.
"Tatiana," habol ni Elias at humawak sa kamay ko. "Do you ever feel the absence of God?"
Naluluha akong tumitig sa kaniya. "Why do you ask?"
"You pleaded, worked, struggled and prayed for God's help and intervention, yet you still fell short."
"All my life, I have never felt His presence because of my sufferings. Now, it's different. Sa limang araw kong pagluluksa at pakikinig sa salita ng Diyos, alam kong may dahilan Siya kung bakit Niya kinuha sa akin si Daddy. I may not fully understand His plans, but I know my future belongs to Him for greater purpose and I cling onto that."
"You're not angry at Him?"
"I questioned Him but I realized God will replace everything I have lost. He cares for me."
May mga pangyayari na hindi mo inaasahang mangyayari. Sa una hindi mo maiintindihan pero balang araw, mapapasabi ka na lang...
Kaya pala may aalis dahil may kapalit, 'yong kapalit na higit pa sa una. Kaya pala may mawawala dahil may darating, 'yong mas deserve para sa'yo. Kaya pala hindi napapa-sa'yo dahil ikapapahamak mo pala. Kaya pala kailangan mong masaktan dahil meron kang matututunan. Kaya pala kailangan mong pagdaanan dahil doon ka magiging malakas.
Ngumiti siya at yumakap sa akin. "I'm so proud of you, Tatiana."
"Thank you for sharing His words to me. You literally gave me drops of divine."
"The word of God is powerful, it can change your life."
Bigla namang dumagsa ang media kaya napakalas ako kay Elias. Agad din siyang humawak sa kamay ko at hinatak ako pasakay sa kotse.
"Thank God, you're here!" bungad ni Plum na kanina pa yata nasa backseat. "Akala ko doon pa kayo maglo-loving-loving sa harap ng simbahan."
Napabuntong-hininga ako. "Hihintayin ko sana 'yong paglabas ng casket ni Daddy pero mukhang matagal pa ang speech ni Vivian."
"Peke naman 'yong iyak niya," ngiwi pa niya. "Malapit ko nang mabuksan ang video. Brace yourselves."
YOU ARE READING
Drops of Divine
General Fiction"One day, we will meet again but only when the time is right. I will be standing in the light. And I'll give you drops of divine." A Captain of special operations unit of French Armed Forces, Tatiana Rae Gilbert acts tough and arrogant, but hides he...