Chapter VI

376 28 15
                                    

Chapter VI

MALAKAS na bumukas ang pinto ng opisina ko saka tuloy-tuloy na pumasok si Ledger. Kunot na kunot ang noo niya at halos magdikit na ang dulo ng kilay.

"I know what you did, Tatiana," asik niya nang makalapit sa table ko.

"Then what brings you here?"

"I'm warning you. Don't play a trick on us, especially to Yara."

Natawa ako. "Wala naman akong ginagawa sa babae mo."

"She got angry with me because of the photos you uploaded."

"So, nagpatulong ka kay Vivian para ma-track ang dummy account na 'yon."

"Your e-mail is attached to it. Gagawa ka na lang ng kalokohan, nag-iwan ka pa ng pagkakakilanlan mo."

"Para malaman niyong ako ang gumawa no'n. Simple as that." Tinaasan ko siya ng kilay. "Besides, ikaw naman ang may kasamang ibang babae sa mall."

"So, you're spying on me?"

"Obvious naman, 'di ba?" ngiwi ko. "Kung wala ka nang sasabihin, pwede bang umalis ka na? Baka masampal lang kita."

"Sirain mo na lahat, 'wag lang ang relasyon namin ni Yara."

"Kayo na pala." Ngumisi ako. "Sure, mas pagbubutihin ko pa ang paninira."

"What's your problem, Tatiana? Iyan ba ang natutunan mo sa France?"

"Hindi naman ako magiging ganito kundi dahil sa inyong lahat." Malamig ko siyang tinitigan. "Nakalimutan mo na yata ang ginawa niyo sa akin?"

"Tatiana, wala akong lakas ng mga panahon na 'yon."

"Nagmakaawa ako sa'yo na huwag akong dalhin sa France pero anong ginawa mo? Tinitigan mo lang ako."

"Alam mong wala akong laban kay Dad."

"Kaya mong baguhin ang isip niya dahil ikaw ang paborito niya. Pero hindi mo ginawa. Nanahimik ka dahil gusto mo rin akong mawala. Para sa inyo na mapunta ang Gil Group of Companies."

Umiling siya. "You don't know everything, Tatiana."

"I know better, Ledger. At sisiguruhin kong walang matitira sa inyo, gaya nang ginawa niyo sa akin."

Napapikit siya sa inis, nag-igting ang panga at walang kibong umalis. Malalim ang naging buntong-hininga ko at hinilot ang aking sentido. Nakaka-stress ang mga katangahan nila sa buhay.

Nahagip ng tingin ko ang box na dineliver ni Elias kagabi. Kinuha ko 'yon at binuksan. Tumunghay sa akin ang isang note.

Watch it and you'll know that they're really involved in your mom's death.

Nangunot ang noo ko. Hinawi ko ang mga plastic at natagpuan ang isang flashdrive. Gano'n na lang ang pagkabog sa dibdib ko nang isaksak ko 'yon sa laptop at i-play ang video.

CCTV footage 'yon kung saan sakop ang garden hanggang maindoor ng dati naming bahay ni Mommy Talitha. Unang pumasok si Ledger at makalipas ang isang oras, sumunod naman si Barbara. Si Vivian naman ay nag-retouch pa bago pumasok. Saglit lang siya at dumating naman si Blake na may bitbit na paper bag. Ang huling dumalaw ay si Daddy Rafael at biglang bumalik si Vivian.

I checked the date and time. Lahat ng 'yon ay iisang araw lang nangyari at minuto lang ang pagitan kung saan ko nakitang walang buhay si Mommy.

Natagpuan ko ang kamay kong nanginginig sa galit kasabay nang pagpatak ng malaking butil ng luha. Kung hindi pa ko nagtitimpi ay baka mapatay ko kung sino ang totoong salarin. Nasa kanilang lima talaga 'yon.

Drops of DivineWhere stories live. Discover now