Chapter XXV

306 25 14
                                    

Chapter XXV

"NANGAILANGAN ng driver ang boss ko sa coffee shop. Mula sa airport, inutos niyang ihatid ko si Jaime pauwi sa Pasig City," walang emosyong sambit ni Elias, tila sinasagot ang tanong sa aking isip. "May kausap siya sa cellphone at nabanggit niya ang pangalan mo, maging ang relasyon niyong dalawa."

Napatulala ako, sinubukan kong humugot ng salita subalit walang lumalabas sa bibig ko. Tila nawalan ako ng boses at walang kalagyan ang kirot sa aking dibdib.

"Tatiana..." basag ang tinig na aniya. "Why did you lie to me?"

Napalunok ako at tinago ang nanginginig na kamay sa likuran.

"I didn't lie to you. I just kept it from you."

Malungkot siyang natawa. "You're shameless."

"I do. That's my personality."

Hindi ko sinabi dahil papasok naman siya ng seminaryo. Una pa lang, talo na ko. Wala ring patutunguhan ang one-sided feelings ko. Pero hindi ko inaasahan na talagang kakalabanin ko ang tadhana para sa kaniya.

"Oh, you do have a visitor."

Nilingon ko ang pumaibabaw na tinig at gano'n na lang ang gulat ko nang masilayan si Jaime. Agad kong sinulyapan si Elias at gano'n na lang din ang takot ko nang mapansing naningkit ang mga mata niya kay Jaime, tila hindi nagustuhan ang presensya nito.

"Why are you here?" I almost whispered.

"I'm visiting you, my fianceé. We also have something to talk."

Naikuyom ko ang kamao saka muling sinulyapan si Elias at nadatnan siyang nakatitig sa akin, tila kumukuha ng paliwanag.

"Come in, Jaime." Niluwagan ko ang pinto. "Let's talk inside."

He smiled sweetly and walked towards me. "I miss you."

"Do'n ka sa living room."

"Sa kwarto mo, hindi pwede?"

Tinaliman ko siya ng tingin. "Walk."

"I'll wait for you."

Kinakabahan kong hinarap si Elias at ako rin ang nasaktan nang mabasa ang matinding kalungkutan sa kaniyang mga mata.

"T-Tatiana..."

"I'm sorry, Elias. I can't talk to you right now."

"Gusto mo rin ba...siya?"

Napalunok ako at bahagyang yumuko. Hindi ko alam kung bakit niya naitanong 'yon pero hindi ko na lang din bibigyan ng ibang kahulugan.

"You'll come when I call you, right?"

Nakagat niya ang labi at kahit umiwas siya ng tingin ay nakita ko ang pagpatak ng luha sa mata niya.

"O-Oo naman."

"I'll call you, then."

Umatras ako at marahang sinara ang pinto. Padabog din akong naglakad patungo sa living room at baril agad ni Jaime ang sumalubong sa akin. Wala mang reaksyon ang mukha niya pero nag-aapoy sa galit ang mga mata.

"You dared to turn down the deal?" he blurted as he pointed it on my forehead. "Baka nakalilimutan mong four years na tayong engaged, Tatiana."

"Four years na rin tayong naglolokohan, Jaime. At parehas nating alam na inutakan mo si Ledger para maging fiancé ko at mahuthutan siya ng pera."

Drops of DivineWhere stories live. Discover now