Chapter XXXIII

319 29 19
                                    

Chapter XXXIII

TATLONG araw pa lang akong nakakulong sa kung saang bahagi ito ng Manila ay para na naman akong mababaliw. Ganitong-ganito ang pakiramdam ko nang dakpin ako ng Omega dati, tila wala akong kawala.

May kumatok sa pinto. Bumukas din 'yon at pinasok ng French officer ang tray ng pagkain. Sumaludo siya sa akin kaya tumango lang ako bilang pasasalamat.

"Major Chastain wants to know if you're done planning the capture of Omega boss?"

"Yesterday pa," irap ko. "And tell him I need more special paper like this." Tinaas ko ang papel. "The scented one, okay? Like the smell of the church."

"Understood, Captain." Saka siya lumabas.

Nilingon ko ang salamin at nakitang nangangalumata ako dahil sa puyat. Sa sobrang pag-aalala kay Elias, hindi ako nakatulog. Wala akong balak matulog, lalo na't kailangan kong tapusin ang mahahalagang sulat. Sulat para sa baby boy ko.

Kinuha ko ang tray at nag-antanda upang taimtim na pasalamatan ang Panginoon sa araw-araw na biyaya. Sumubo na rin ako ng sisig at tinuloy ang pagsusulat.

Nang makatapos ako ng halos bente ay namahinga ako at kinuha ang Bible upang magbasa. Nahinto ako sa Luke kahapon dahil sa inutos ni Major Chastain na mga dokumento. Talagang pinaparusahan niya ako.

"Changing one's character through religion," bulong ko habang nagsusulat ng reflection. Tinuruan ako ni Elias na gumawa ng ganito at tama siya na fulfilling talaga sa pakiramdam. "When a person has embraced a religion, the teachings should help to improve his behaviour."

A religion which enables us to understand better the nature of life can enable us to accept the various forms of happiness as it arises during the various phases of our life.

"Major Chastain!"

Gano'n na lang kabilis ang pagtayo ko nang marinig ang matinis na tinig ni Plum mula sa labas.

"Major Chastain! I need to see Captain Gilbert!"

Pumunta ako sa pinto upang buksan 'yon pero naka-lock. Malakas ko iyong sinipa ngunit wala ring nangyari. Nanakit lang ang paa ko.

"What brings you here, Sergeant Roche? And will you please lower down your voice?"

"Let me talk to Captain Gilbert! This is an urgent matter!"

"You know she's grounded, right? Go back. She won't talk to you."

"Let me go!" Malalakas ang kalabog kaya batid kong nagpupumiglas siya sa mga bantay. "Major Chastain! Please! Just a minute!"

"If you keep acting like this, I'll ground you too."

"So be it!" tili niya. "Captain! Where are you?!"

"Here!" Malakas kong kinalampag ang pinto. "What's the matter?"

Narinig ko ang yabag niya palapit. "It's about Elias."

Gano'n na lamang ang malakas na pagkabog sa aking dibdib. "What happened? Is he alright?"

"He's in ICU again. He needs to undergo another operation."

"May nanakit ba sa kaniya?! Binalikan ba siya ng Omega?! Tell me!"

"Nang hindi ka bumalik, pinilit niyang bumangon at hanapin ka. Nagkagulo sa hospital hanggang matagpuan na lang namin siyang nakabulagta sa labas. Tatiana, he's in critical condition. He needs you right now."

Drops of DivineWhere stories live. Discover now