Chapter XVIII
"PINAKAWALAN ka ba ni Hugo matapos ang huling misyon mo?" mahinang usal ni Elias.
Umiling ako. "Nilinlang lang niya ko at ako namang si tanga, umasa."
"Anong ginawa mo? Sinugod mo siya?"
"Oo pero bandang huli, ako pa rin ang natalo." Muling pumatak ang luha mula sa aking mga mata. "Alam kong maling sabihin dito sa simbahan pero..."
Humigpit ang hawak niya sa kamay ko. "Ayos lang, ituloy mo. Naiintindihan ka ni Lord."
"Nagtangka akong maglaho." Yumuko ako upang hindi makita ang altar. "At hindi na babalik pa."
Matagal pa bago siya nakakibo. "Paano ka nakatakas sa kanila?"
"Nang magkaroon ng operasyon ang Omega laban sa French Armed Forces, nahuli nila ako. Sikretong nakipag-negosasyon si General Marchand sa akin. Kung sasabihin ko kung saan ang hideout ng Omega sa France, ipapasok niya ako sa military. Pumayag ako dahil chance ko na 'yon para makaalis sa poder ni Hugo. Hanggang dumating ang araw ng aming plano, nagtagumpay silang mapasok ang hideout ng Omega. Napatay nila ang kalahati ng bilang ng organisasyon pero nakatakas si Hugo."
"Anong nangyari sa'yo pagkatapos?"
"Nakulong ako. Alam kong hindi sapat ang dalawang taong pananatili ko sa kulungan para pagbayaran ang mga nagawa kong kasalanan pero pinagsisihan ko na lahat 'yon."
"Alam ni Lord 'yan." Tipid siyang ngumiti. "Paano ka nakalaya?"
"Pinalaya ako ng presidente."
Umawang ang labi niya. "Presidente ng France?"
"Bumisita siya sa Women's Prison kung saan ako naka-detain. Naglilinis kami sa backyard nang agawin ng kasama kong preso ang baril ng nagbabantay na pulis at tinutok sa presidente. Inagaw ko 'yon at ako ang natamaan. Hindi ko alam na nakita pala 'yon ng presidente. Inalam niya ang kaso ko at bilang pasasalamat, pinalaya niya ko."
Napangiti ako nang maalala ang sandaling 'yon. Hindi mabilang ang pasasalamat ko sa kaniya dahil sinagip niya rin ang buhay ko sa loob ng kulungan. Lalo na't pinapahirapan din ako roon. Hindi lang talaga ako lumalaban para mapababa ang lebel ng kaso ko.
"Gaya nang pinangako, kinuha ako ni General Marchand para gawing soldier sa Field Artillery hanggang sa maging parte ako ng Special Forces. Limang taon na akong nagtatrabaho ro'n at wala akong balak umalis."
"Syempre, ang taas kaya ng posisyon mo at mukhang masaya ka ro'n."
Tumango ako. "Iniisip ko rin 'yon bilang parusa sa sarili ko. Kapalit ng mga napatay ko, nagliligtas ako ng mga tao. Pero minsan, hindi pa rin maiiwasang makasakit. Lalo kapag threat na sa buong bansa."
"Sigurado akong alam at naiintindihan ni Lord ang mga nangyari sa buhay mo. Binabantayan ka Niya. Walang hanggan ang pang-unawa Niya sa'yo, tulad ng pagmamahal Niya sa'yo bilang anak."
"Mapapatawad ba Niya ko?"
"Magulang na rin natin si Lord. At ang magulang, hindi kayang tiisin ang anak. Hindi ka Niya matitiis. Mapapatawad ka Niya. Basta lumapit ka lang sa Kaniya at magdasal."
Ngumiti ako. "Thank you, Elias."
"Mas thank you kay Lord dahil pinalambot Niya ang puso mo ngayon upang ibahagi ang iyong nakaraan."
YOU ARE READING
Drops of Divine
General Fiction"One day, we will meet again but only when the time is right. I will be standing in the light. And I'll give you drops of divine." A Captain of special operations unit of French Armed Forces, Tatiana Rae Gilbert acts tough and arrogant, but hides he...