Chapter XVI

308 25 31
                                    

Chapter XVI

"KAILANGAN kong mahanap ang wine glass na 'yon," kunot-noong usal ko. "I'm sure naiwan do'n ang fingerprint ng killer."

"Tatiana, saan naman natin hahanapin 'yon?" ngiwi ni Plum. "Ni wala nga sa mga pulis."

"Malamang tinago 'yon ng killer."

"Eh, 'di nasa mansion niyo lang 'yon."

"I tried to go there yesterday pero pinagtabuyan lang ako ni Barbara."

"Sana tinumba mo 'yong mga bodyguards niya."

"Tinumba ko nga kaso rumesbak naman 'yong agents ni Vivian," irap ko. "Epal 'yon, eh."

"Don't tell me natalo ka, Captain?"

"May armas silang lahat, wala akong dala. At saka ayaw kong paghinalaan nilang may firearms ako."

"Meron naman talaga," tawa niya. "The moment na naagaw mo kay Vivian ang baril dati, naghinala na 'yon sa kakayanan mo. Nag-warning kaya 'yong system ng unit natin. May pilit na kumukuha ng personal information mo."

Napangiwi ako. "Malalagot ako kay General Marchand kapag nabuking ako."

"Don't worry, Captain. I always got your back. In fact, nawasak ko ang system ng auntie mo."

I smirked. "Good job."

"Regarding sa unknown number na nagtetext sa'yo about the killer, it's from an old phone."

Nangunot ang noo ko. "What do you mean?"

"It's not a smartphone. Naka-off siya ng five years. Then opened again seven years ago until now."

Napaisip ako. The timeline. Maaaring in-off ang phone nang araw na pinatapon ako sa France at binuksan lang 'yon nang masundan muli ako ng GIS makalipas ng pitong taon. Ngunit sino ang may-ari niyon?

"And guess what I found out?" Ayun na naman ang gulat sa kaniya, hindi na nasanay sa rebelasyon ukol sa pamilya ko. "Ang permanent address ni Jaime is Pasig City. Do you get what I mean?"

"Yeah, but I doubt it. Imposibleng siya ang nagpadala ng flashdrive sa akin."

"Jaime is kind naman. So, baka tinutulungan ka niya patago?"

"You don't know everything about Jaime. Nuknukan din ng kasamaan 'yon."

"Okay." Natawa siya. "I need to go now. Naghihintay na ang boys ko. Bye, Tatiana!"

Napailing na lamang ako hanggang patayin niya ang skype. Lumabas ako ng kwarto ngunit hindi ko siya nakita. Nagtataka man ay tumungo ako sa garden dahil doon ko narinig ang kaluskos.

"Elias," tawag ko. "Ibili mo ko ng ballpen at push pin--" Hindi ko na natuloy ang sinasabi nang sumabog ang tubig sa mukha ko. "Elias!"

"Hala, sorry!" Pilit niyang pinapatay ang gripo kung saan nakakonekta ang hose. "Bakit ba kasi bigla ka na lang sumusulpot?"

"Kanina pa kita hinahanap--" Akala ko tumigil na ang pagtama ng tubig sa mukha pero nakainom pa ko! "Elias!"

"Sorry talaga! Ang higpit ng handle nito, eh." Ngumuso siya. "Hindi ko maikot."

Hindi ako makapaniwalang nagbaba ng tingin at basang-basa ang buong katawan ko. Para akong naligo sa ulan. Sinamaan ko siya ng tingin at mabilis na kumuha ng timba. Sumalok ako ng tubig saka sinaboy din sa kaniya 'yon pero tumakbo siya palayo.

Drops of DivineWhere stories live. Discover now