Chapter XXXIV
"IN the world where everything seems uncertain, God always loves you beyond words, time and distance."
Iyon ang mga katagang sinulat ni Elias sa kaniyang journal notebook. Ang katagang namuo sa kaniyang isipan nang mapakinggan ang sermon ni Father Ben. Kauuwi lamang nila mula sa simbahan at agad siyang tumungo sa kwarto upang gumawa ng reflection. Nakasanayan na niya ang gano'ng gawi mula pa noon at hindi siya magsasawang gawin 'yon araw-araw.
Biglang nahagip ng tingin niya ang litrato nilang dalawa ni Tatiana. Stolen shot 'yon habang papunta sila sa garden ng Gilbert mansion. Nakatingin sila sa isa't isa, parehas may matamis na ngiti sa labi at magkahawak ang kamay. Si Jill ang kumuha niyon at binigay sa kaniya bilang remembrance dahil napansin nitong wala pa silang picture kahit isa.
Yumuko siya, pinatong ang baba sa mesa at nilapit ang picture frame upang mas mapagmasdan ang nobya.
"Kamusta ka na?" bulong niya at agad na namuo ang luha. "Miss na miss na kita."
Hinding-hindi niya makalimutan ang naging huling pag-uusap nila sa airport. Hindi man niya maunawaan nang buong-buo ang rason kung bakit nito kailangang bumalik ng France, alam niyang may kinalaman doon ang pagiging Captain nito. Sumang-ayon man siyang magpapatuloy ang buhay kahit wala si Tatiana, hindi pa rin mawala sa kaniya ang matinding pag-aalala.
Ano na kayang ginagawa niya ngayon? Kumakain ba siya sa tamang oras? Pinarusahan ba siya? Kinulong ba siya? Sinasaktan ba siya? Lalo lamang bumigat ang loob niya sa sariling salita.
Natatakot siya. Takot na takot siyang mapamahak muli si Tatiana ngunit kakambal na ng trabaho nito ang masaktan at malagay sa peligro ang buhay. Nasasaktan siya dahil wala siyang magawa upang makita at mabisita ang kasintahan. Wala rin siyang laban sa batas ng bansang 'yon.
May kumatok sa pinto hanggang bumukas iyon. Sabay-sabay na pumasok ang mga magulang at kapatid niya.
"Elias, ayos ka lang ba?" Nilapitan siya ng ina. "Bakit ka nakadukmo? Kumikirot pa ba ang sugat mo?"
Nanatili siya sa ganoong posisyon. "Ayos lang po ako."
"Anak." Hinagod ng ama ang likod niya. "Umiiyak ka na naman ba?"
"Pa, obvious naman," nakangiwing sabat ni Elle. "Brokenhearted, eh. At hawak na naman niya 'yong picture nila ni Ate Tatiana, oh."
"Tara, anak. Kain tayo sa labas. Do'n sa bagong bukas na mall."
Umiling siya at pasimpleng pinunasan ang luha. "Kayo na lang po. Dito na lang po ako."
"Elias, halong isang linggo ka nang ganyan. Lumabas ka naman. Sumama ka sa amin."
"Ma, kahit sino namang mawalay sa jowa, magiging ganyan. Hindi ko nga lang ine-expect kay Kuya. Dati si Lord lang iniiyakan niyan, eh."
"Gano'n talaga ang dulot na pagbabago ng pagmamahal pero hindi naman nabawasan ang pananampalataya niya kay Lord. Tingnan mo, parati pa rin siyang active sa simbahan."
"Pero kapag walang ganap do'n, nagmumukmok siya rito. Sabagay, katanggap-tanggap naman dahil si Ate Tatiana 'yon. Maganda na, malakas pa at generous." Ngumiti si Elle. "Wala pa kaming formal na bonding bilang sister-in-law."
"Elias, anak." Muling hinagod ng ama ang likod niya. "Alam mong kahit anong dagok na dumating sa buhay mo, handa kaming damayan ka dahil isang pamilya tayo. Huwag kang mahihiyang magsabi sa amin."
YOU ARE READING
Drops of Divine
General Fiction"One day, we will meet again but only when the time is right. I will be standing in the light. And I'll give you drops of divine." A Captain of special operations unit of French Armed Forces, Tatiana Rae Gilbert acts tough and arrogant, but hides he...