Chapter IX
Third Person's POV
"BREAKING news! The famous actress and current model of Gil Airlines, Yara Alvarez made a shocking autograph signing event in a local convenience store last night. Many fans are happy in her unexpected appearance in the local store that shows her humble side."
"Sila happy pero ako hindi," naiiyak na atungal ni Yara saka nagsalin ng alak. "Kasalanan 'to ni Tatiana!"
"Humble pa nga?" malakas na tawa ni Jill. "Lakas naman tarayan si Tatiana kahit alam niyang matatalo siya sa huli."
Binatukan siya nito. "Kakampi ba talaga kita, ha?"
"Totoo naman, eh." Ngumuso siya at tinignan ang cellphone na sunod-sunod ang dating ng notification. "Ang saya ng text ni boss, pati ng iba mong advertisement. Autograph pa more."
"May maganda namang dinulot ang nangyari, 'di ba?"
"Mag-report ka raw sa agency mo bukas."
"Dead end na yata ng showbiz career ko." Tinungga niya ang alak. "Mag-retire na kaya ako?"
Mula sa kusina ay lumabas si Elias habang nagpupunas ng kamay. Kahuhugas niya lang ng platong pinagkainan ng dalawang kaibigan. Ngayon naman ay nakakalat ang bote ng alak at balat ng junkfoods sa sahig. Lumapit siya sa dalawa at sinubuan ang mga ito ng mansanas upang tumigil sa kalokohan.
"May sapat ka bang pera?" tanong Elias at naupo sa couch saka kinandong ang white poodle teacup na si Whitney.
"Pera? Bakit?" Nangunot ang noo ni Yara. "Kailangan mo ng pera? Magkano?"
"Hindi ako, ikaw. Kailangan mong magbayad ng pera para makaalis sa agency mo."
"'Wag mong alalahanin 'yon," sabat ni Jill. "Kahit na hindi siya mag-retire, kailangan pa rin niyang magbayad para sa breach of contract."
"Magkano 'tong condo mo?" usisa pa ni Elias.
"Three million. Bakit?"
"Kapag binenta mo 'to, makakaya mo naman siguro. Magkano ba ang naipon mo?"
"Sandali nga, Elias." Sumeryoso si Yara, namumula na ang pisngi sa dami ng nainom. "What's with you? Are you cursing me so that I'll be doomed?"
"What are you talking about? I'm planning to go to seminary. I'd never curse anybody."
"Then go now." She pointed the door. "To the arms of the Almighty. Go and ask Him why He must do this to me?"
"I'm just worried, okay? Gusto ko lang maayos ang future mo kapag wala ka na sa showbiz. And don't blame Him."
"Eh, 'di si Tatiana!" hiyaw niya. "Si Tatiana ang sisisihin ko. Kontrabida talaga 'yon! Humanda siya sa akin."
"Bakit? Ano bang ginawa niya?"
"Kinuwento ko na. Hindi ka ba nakikinig?"
"Hindi niya narinig, bes," natatawang saad ni Jill. "Nagbabasa 'yan ng Bible kagabi."
"Nakakainis ka talaga, Elias." Ngumuso si Yara. "Inaway niya ko! Sinigaw pa buong pangalan ko, ayon pinagkaguluhan ako!"
"Hoy, 'wag ka ngang Gilbert Clan. Binabaliktad mo ang kwento," irap ni Jill. "Ikaw ang nang-away kay Tatiana."
"Tungkol ba sa kumalat na pictures ni Tatiana?" kunot-noong wika ni Elias.
YOU ARE READING
Drops of Divine
General Fiction"One day, we will meet again but only when the time is right. I will be standing in the light. And I'll give you drops of divine." A Captain of special operations unit of French Armed Forces, Tatiana Rae Gilbert acts tough and arrogant, but hides he...