Chapter XXIX
"THE mind and ways of God are different from the thoughts and acts of man. As we follow Him closely, we discover that we have to 'lose to gain', 'surrender to win', 'die to live', 'give to receive', 'serve to reign', 'scatter to reap'. In weakness, we are made strong. In humility, we are made lifted up. And in emptiness, we are made full. Trust in His ways and you will never be lost."
Napangiti ako nang marinig iyon paglabas ng banyo. Sigurado akong bukas ang TV at do'n nagmumula 'yon. I wore my black sando, black leather pants and black combat shoes. I put the gun inside my belt bag. Tinuyo at sinuklay ko ang buhok saka lumabas.
"Faith in God is still the best armor."
Nadatnan ko si Plum sa harap ng TV at pinagdikit ang dalawang palad. "Amen!"
"Baka lumagpas ka sa langit niyan," biro ko.
Natatawa niya akong nilingon. "Kumain ka muna bago umalis."
Naupo ako sa harap ng dining table, tahimik na nag-antanda at taimtim na nagdasal sa Panginoon.
"Thank you, Father God, for this brand new day, a day to live my purpose, a day to know you more, love you more and to serve you better. Please take good care of my loved ones. Amen."
Muli akong nag-sign of the cross at nagsimula nang kumain. Saglit lang ay naupo rin si Plum sa harap ko at pinanood ako.
"Hindi mo ba talaga ako isasama?" Ngumuso siya. "Gusto ko pa naman ding i-raid 'yon. I'm curious."
"I-hack mo na lang 'yong footage tapos panoorin mo kami."
"Bakit ba kasi ayaw mo kong isama?"
"Ayaw kong mapahamak ka. At saka surprise 'yon. Gusto ko ring nakaantabay ka sa amin bilang lookout. Kailangan mo pa ring alamin 'yong password ng video para matuklasan ang killer."
Napabuntong-hininga siya. "Sabi ko nga marami akong gagawin. Mag-ingat ka na lang do'n, ha?"
Tumango naman ako at humigop ng sabaw. Saktong pag-angat ko ng tingin ay lumabas ang isang pamilyar na dalaga sa tinutuluyang kwarto ni Elias.
"Hi, Ate Tatiana," ngiti niya saka lumapit. "Dinalhan ko lang ng damit si Kuya Elias."
I nodded. "What's your name?"
"Elle." She giggled. "Live in na ba kayo ni Kuya?"
Bigla akong nasamid. "Hindi, temporary lang ang pag-stay niya rito."
"Gusto ka nga ulit makita nina Mama at Papa. Punta ka sa bahay namin minsan, ha?"
Ngumiti ako. "Sure."
"Ito nga pala, Ate." Binigay niya sa akin ang digital camera. "Sa tingin ko, kailangan mong makita ang nilalaman niyan."
Nagtataka man ay kinuha ko 'yon at sinilid sa bag. "Thank you."
"Alis na ko, Ate." Kumaway siya. "See you again!"
Nakangiti ko siyang sinundan ng tingin hanggang makalabas.
"Boto sa'yo ang kapatid," tudyo ni Plum. "Road to pamamanhikan na ba?"
Natawa naman ako. "Where's my Elias?"
"Nando'n sa park. Pinapasyal ang daddy mo."
Tinapos ko ang pagkain at sinuot ang black cap.
YOU ARE READING
Drops of Divine
General Fiction"One day, we will meet again but only when the time is right. I will be standing in the light. And I'll give you drops of divine." A Captain of special operations unit of French Armed Forces, Tatiana Rae Gilbert acts tough and arrogant, but hides he...