Chapter XVII: Flashback
MATAPOS ang klase ay nakayuko akong naglakad sa hallway ngunit kahit anong pagtatago ko ay pinagtitinginan pa rin nila ako.
"I heard from Vivian Gilbert that she's the daughter of a mistress."
"She must be ashamed. She ruined the reputation of Gilbert Clan."
Iyon pa lang ay para na akong maiiyak. Hindi 'yon totoo. Si Mommy ang orihinal na asawa. Halos gabi-gabi, naririnig ko siyang umiiyak hanggang isang araw bigla na lang dumating ang isang babaeng nagngangalang Barbara kasama ang dalawang batang lalaki na sina Ledger at Blake at sinabing anak daw 'yon ni Daddy. Doon na lumabas ang pangangaliwa ni Daddy kay Mommy habang nasa sinapupunan pa niya ko. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit nasabi 'yon ni Tita Vivian at kung paano 'yong kumalat sa buong university.
"She's always seen with boys, right?"
"What do we expect? Like mother, like daughter."
Umiling ako. Hindi rin totoo 'yon. Wala nga akong kaibigan kahit isa. Kaya nagtataka ako kung bakit may kumalat na pictures ko kasama ng ibang lalaki. Minsan ayaw ko nang pumasok dahil lahat naman sila ay mali ang tingin sa akin pero tinitiis ko na lang para maging proud sa akin si Mommy.
Binilisan ko ang paglalakad hanggang marating ang gate. Naghintay akong dumating ang sasakyan ni Lolo ngunit mahigit isang oras na akong naroon pero hindi pa rin siya dumadating. Nangako siyang kakain kami sa labas at maglalaro ng chess. Busy kaya siya sa work? Sa pag-aalala, naisipan ko na lang sumakay ng taxi pauwi sa mansion.
"Si Lolo?" tanong ko nang makapasok sa loob.
Hindi ako pinansin ni Kuya Ledger at deretso siyang naupo sa sofa, tila hindi narinig. Nilingon ko naman si Kuya Blake pero sinulyapan lang niya ko at bumalik sa pagpipinta. Malalim ang naging buntong-hininga ko. Sikat ako sa school bilang mahina at maling babae habang dito naman sa bahay, para akong hangin.
Lumiko ako sa kusina. Wala pa man ako sa kalagitnaan ay narinig ko ang tinig nina Tita Barbara at Tita Vivian sa hallway.
"What are we going to do? How can we fix that?"
"Calm down. Gil Intelligence Security is always on our side. Kayang-kaya nilang ayusin 'yon para sa atin, para sa pamilya natin."
Siguro tungkol sa business na naman 'yon. Wala pa akong alam do'n dahil kasalukuyan pa lang akong nag-aaral ng Business Management sa De La Salle University pero sabi ni Lolo, tuturuan daw niya ko hanggang sa maging expert na ako ro'n.
Tumungo ako sa fourth floor kung saan ang kwarto ni Lolo Rowan. Nadatnan ko siyang nakahiga kaya agad akong lumapit.
"Lolo! Nandito na po ako," nakangiti kong wika. "Masama po ba ang pakiramdam niyo?"
"I'm okay. Don't worry." Humawak siya sa kamay ko. "And I'm sorry if I didn't pick you up earlier."
"Ayos lang po. Magpahinga na lang po kayo."
"Bakit dito ka dumeretso? Baka hinihintay ka na ni Talitha sa bahay niyo."
Kami ang unang pamilya pero kami pa ang napaalis sa mansyong 'to. Mabuti na lang, kinuhanan kami ng panibagong bahay ni Lolo.
"Nag-alala po ako sa inyo kaya ikaw po muna ang pinuntahan ko."
"Go home and spent time with her. Alam mo namang next week, babalik na siya sa France para sa trabaho niya."
"Sige po, Lolo. I'll visit you again."
Ngumiti siya. "Thank you, Tatiana."
"I love you, Lolo." Humalik ako sa pisngi niya. "See you tomorrow."
YOU ARE READING
Drops of Divine
Beletrie"One day, we will meet again but only when the time is right. I will be standing in the light. And I'll give you drops of divine." A Captain of special operations unit of French Armed Forces, Tatiana Rae Gilbert acts tough and arrogant, but hides he...