Chapter I

848 27 11
                                    

Chapter I

"HOSTAGE taking is happening at Autun, Paris. Bus is on the middle of the road, including 40 kindergarten pupils."

Mabilis kong sinuot ang tactical protective gear at dinampot ang HK-MP5 submachine gun saka kumaripas nang takbo pasakay ng renault truck defense. Sumunod sa akin ang mga kasamahan ko at humarurot paalis.

"Hostage takers are equipped with two MR 73 Manurhin revolver and two Mauser rifle."

I slightly crooked. The hostage takers are quite rich. They could afford that kind of firearms.

"So, total of 4 takers inside the bus," I said on the line.

"2 inside, 2 outside."

"Got it."

Huminto ang truck sa gilid ng isang gusali. Maliksi akong bumaba habang bitbit ang armas. Nadatnan namin ang school bus sa gitna ng kalsada. Naroon na rin ang mga pulis sa paligid, binabantayan ang galaw ng dalawang hostage takers sa labas.

"Captain," mahinang usal ng troop ko sa aking likuran. "We're waiting for your command."

"Give me binoculars first."

Agad kong kinuha ang inabot nila at tinapat sa mata. Ang dalawang hostage taker sa loob ng bus ay nasa dulo at harapan, talagang bantay sarado ang daanan ng mga bata palabas. Binalik ko ang binoculars sa kanila at nagsimulang maglakad palapit.

"Keep people away from here," I ordered to the police. Kanina ko pa napapansin ang mga nanonood na tao sa paligid, tila walang balak umalis. Akala yata ay shooting ito ng isang drama. "C’est essentiel." (This is critical.)

Tumalima sila at ang iba ay sinenyasan kong buksan ang megaphone upang kwestyunin nila ang hostage takers. "Que veux-tu?" (What do you want?)

Pasimple kong nilingon ang troops ko. "Spread out quietly."

"One million dollars," tugon ng dalawa sa labas. "And plane tickets back to USA."

"I need Sergeant Plum Roche on the line," I said. Inumang ko ang submachine gun saka lumakad papunta sa gilid ng bus. "Information of the takers."

"I'm here, Captain," mabilis niyang sagot. "They're US citizens who illegally came in the borders of South France."

Nahinto ako nang itutok sa akin ng isang hostage taker ang hawak na rifle. "If you take another step, those children will die."

"If we give what you want, you'll leave the children alone?" I asked. Nanatili ang armas kong nakatutok sa kaniya, talagang nakikipagmatigasan.

"Of course."

Lihim akong ngumiwi. "Sinungaling."

Nangunot ang noo niya, tanda na hindi naintindihan ang aking sinabi. Hinayaan ko na lamang siya at pasimpleng sinenyasan ang mga kasama na gumawa ng tahimik na aksyon.

"Captain, we're at the back of the bus."

"Distract the hostage takers inside," I whispered. "Make them step outside."

"Copy that."

Umalog ang bus dahilan para maalerto ang mga hostage takers kasabay nang sigawan ng mga bata. Nang lumingon siya ay agad kong sinipa ang binti niya. Napaluhod siya kaya mabilis kong kinabig ang leeg niya palayo roon. Lumapit ang mga pulis upang posasan siya.

Drops of DivineWhere stories live. Discover now