Tatiana Rae's POV
"KAMUSTA ka naman sa bagong bahay?" nakangiting sambit ni Plum. Naka-video call na naman. "Safe? Comfortable?"
"Boring," ngiwi ko. "Wala akong mabwisit."
"Eh, 'di bwisitin mo 'yong helper."
"Helper?"
"Kumuha ako ng solo cleaning service. Nakakahiya kasi sa sobrang gulo ng gamit mo. Hagis ka lang nang hagis."
I rolled my eyes. "Si Elias ang nakuha mo."
"Really? That's great!" She smirked. "Pinagtatagpo talaga kayo ng tadhana."
Natawa ako. "Naniniwala ka sa tadhana?"
"Why not? Love is in the air then later on, Cupid will shoot you."
"May mga pinagtatagpo pero hindi tinadhana."
"Tayo ang gumagawa ng tadhana natin. Once you enter a relationship, you're willing to sacrifice and take risks. Handa mong kalabanin ang lahat pati tadhana."
"Magmumog ka nga. Kung anu-ano na naman ang lumalabas sa bibig mo."
"Believe me, Tatiana. Si Elias na ang para sa'yo."
Umiling ako. "He doesn't like bad people. Like me."
"You sound sad. Na-offend ka, 'no? At interesado ka na sa kaniya."
Umiwas ako ng tingin. "Of course not."
"Labas sa ilong at kili-kili, Tatiana."
"Change topic." I crooked. "Nakakuha ka ba ng ligaw na file mula sa GIS?"
"Yeah, and you won't believe what I retrieved!" She sent me photos. "Look closer."
Gano'n na lang ang gulat ko nang masilayan ang mga litrato ni Mommy Talitha sa living room kung saan siya binawian ng buhay. Ngunit ang mas nakakuha ng atensyon ko ay ang larawan kung saan nakapwesto ang center table. May wine glass doon, isang nakatumba at ang isa ay may laman pang alak. Sa tabi niyon ay mga magazine at libro. Alam kong kay Mommy 'yon dahil mahilig siyang magbasa pero may isang naiibang libro. Signifies Dark is the title and it's my first time to see that book.
Who among the five suspects has an interest in buying that kind of book?
"Hello, Tatiana? You're spacing out."
"All this time nasa kanila ang pictures na 'to?" Kumuyom ang kamao ko. "Binayaran din ba nila ang mga pulis para hindi nila ipakita sa akin 'to?"
"Hindi ka pinayagan ng pulis na ungkatin pa ang mga litratong 'yan dahil matagal nang sarado ang kaso."
"Dahil pinilit ng pamilya kong isara ang kaso. Nagbayad sila ng malaking halaga at na-promote pa ang hepe nila. Nasilaw ang mga 'yon sa pera."
"I saved it in my personal drive in case na kailanganin mo ng back up."
"Thanks, Plum."
I printed the pictures and pinned it on my board. Unti-unti nang nabubuo ang piraso ng madilim na nakaraan. I have to step up my plan.
"God fully understands that we are not always strong all the time. That sometimes we feel bone-tired and weary, and all we can do is just rest on His protective and loving arms as He takes us through our journey of life with Him we are safe."
YOU ARE READING
Drops of Divine
General Fiction"One day, we will meet again but only when the time is right. I will be standing in the light. And I'll give you drops of divine." A Captain of special operations unit of French Armed Forces, Tatiana Rae Gilbert acts tough and arrogant, but hides he...