Chapter XXXII
"PAANO?" mahina kong usal habang nakahawak sa dibdib. "Paano akong magiging masaya kung ang sarili kong kasiyahan ay napahamak dahil sa akin?"
"Tatiana..." Yumakap sa akin si Plum. "I'm sorry. Hindi ko agad nakita ang pagpunta ni Elias do'n. Masyadong mabilis ang pangyayari."
Hindi ako tumugon at nanatiling nakayuko habang patuloy pa ring umaagos ang masaganang luha. Ilang oras na kaming naghihintay dito sa harap ng ICU ngunit hindi pa rin lumalabas ang doktor. Naroon naman sa pinto ang pamilya ni Elias habang katabi ko sina Yara at Jill na kanina pa rin umiiyak.
Ni hindi ko magawang tignan ang mga magulang ni Elias dahil nahihiya ako. Kasalanan ko kung bakit nadamay ang anak nila sa magulo kong mundo. Dapat dinoble ko ang proteksyon niya para hindi siya mapahamak. Pero heto ako, unti-unti nang nadudurog dahil sa mga nangyayari.
Gusto ko na lang ulit maglaho pero sa tuwing naaalala ko ang mga sinabi sa akin ni Elias ay hindi ko na 'yon magawa. Nagkaroon na rin ako ng takot kay Lord na baka mas lalo niya akong parusahan kapag tinuloy ko 'yon. Alam ko namang lahat ng ito ay may rason ngunit hindi ko pa rin maiwasang muling magtanong.
Bakit ganito ang takbo ng buhay ko? Gano'n ba ko kasamang tao para lahat ng malalapit sa akin ay mapahamak o 'di kaya ay mawala? Ang tanging gusto ko lang naman ay masaya at payapang buhay subalit sadya yata talagang pinagkakait pa sa akin 'yon.
Sabay-sabay din kaming napatayo nang bumukas ang sliding door at lumabas ang doktor.
"He's stable now. He fought well. Ililipat na rin siya sa isang kwarto mamaya."
Napapikit ako sa galak at taimtim na nagdasal.
Thank you, Lord for saving him. I don't know how could I repay you for this but I promise to stay faithful to you. I also pray for his fast recovery. Thank you so much. You're so good. In Jesus name, Amen.
"Salamat sa Diyos," natutuwang wika ng mama ni Elias. "Salamat po, doc."
Nakipagkamay din ang papa niya. "Maraming salamat po."
Pagkaalis ng doktor ay nanatili kaming nakatayo roon hanggang muling bumukas ang pinto at lumabas ang hospital bed kung saan nakaratay si Elias. Lalo akong naluha nang masilayang may oxygen pang nakakabit upang tulungan siyang huminga. Kailan man ay hindi sumagi sa isip ko na darating kami sa puntong ito.
Sumabay ang pamilya't kaibigan niya at nagpahuli ako hanggang mailipat na siya sa pribadong silid. Hindi na ako pumasok sa loob at hinayaan silang makasama ang anak sa ganoong estado. Wala pa rin naman akong lakas ng loob para harapin sila. I feel ashamed.
I dialed the number of my secretary and it took two rings before she answered. "Ma'am Tatiana?"
"Pay the hospital bill of Elias Gentry hanggang sa araw na makalabas siya, pati na rin ang follow up check up at mga kailangang gamot."
"Understood, Ma'am."
Muntik na kong matumba nang makaramdam ng matinding hilo. Mabuti na lang ay nasalo agad ako ni Plum.
"Tatiana, may sugat ka!" Nataranta siya. "Bakit hindi mo sinabi?! My gosh! Doctor, please!"
"Ayos lang ako." Mula sa maliit na clear window na nakakabit sa pinto ng silid ay sinilip ko si Elias. "Kaya ko pa." Kailangan kong kayanin para sa kaniya.
"No, Tatiana! You're not okay! Assist her, please!"
Nakailang hatak pa sila sa akin bago ako tuluyang sumama at hiniga sa ward upang doon gamutin ang sugat ko. Tumulala lamang ako sa kisame, tila nawalan na ako ng pakiramdam dahil nang hugutin ang bala ay hindi man lang ako humiyaw, hindi gaya ng dati kong reaksyon.
YOU ARE READING
Drops of Divine
General Fiction"One day, we will meet again but only when the time is right. I will be standing in the light. And I'll give you drops of divine." A Captain of special operations unit of French Armed Forces, Tatiana Rae Gilbert acts tough and arrogant, but hides he...