Chapter XXXI
HINDI ako nakatulog. Magdamag akong dilat habang paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip ko ang alaala namin ni Blake noong mga bata pa kami. Si Ledger man ang una kong nakasundo dahil sa hilig naming maglaro pero si Blake ang nagtagal dahil bukod sa bibo siya, mahusay siyang magpatawa. Sa tuwing malungkot ako ay pinapasaya niya ako. Ngunit isang araw, bigla na lang siyang umiwas sa akin.
I opened my phone and played the video he uploaded minutes before he passed away. Ngiti niya agad ang bumungad sa akin ngunit malungkot 'yon, lalo na ang mga mata niya. Nagpalit pa siya ng damit, magarang suit and tie. Talaga yatang planado niya ang sandaling ito na kinasama ng aking loob.
"I'm Blake Gilbert, the second son of Gil Group of Companies. I committed a crime twelve years ago. I murdered Talitha Gilbert." Nakagat niya ang labi, pinigilan ang emosyon pero traydor ang kaniyang luha. "Tatiana Rae, I'm sorry. This may not help me anymore but I still want you to know that I regretted it. Since then, inuusig ako ng konsensya ko. Walang oras at araw na hindi ako nahirapan. Nang magbalik ka, gustong-gusto kong sabihin sa'yo ang totoo pero pinangunahan ako ng takot. Patawad," aniya pa at marahang pinalis ang luha. "And in behalf of my family, I'm sorry for everything that we've caused you from the beginning. Thank you for granting my request. Ito na ang huli nating pagkikita, Tatiana. Take care."
Kahit anong pigil ko ay kumawala pa rin ang malakas na hikbi. Parati kaming nagbibiruan na may halong sarcasm pero alam kong concern din siya sa akin. At hanggang sa huli, ako pa rin ang inisip niya.
"In times of crisis, many people feel the absence of God. Pain, loss, brokenness and death are all part of our lives. We always feel God never comes on time when we call Him. The truth is, God never abandons us. He will never leave us alone."
Paglabas ko ng kwarto ay iyon agad ang bumungad sa akin. Siguradong naroon sa baba ang church staffs na nag-aalalay ng panalangin sa burol. Malalim akong bumuntong-hininga at pumasok sa kwarto ni Blake. Nilibot ko ang tingin sa paligid niyon upang muli lamang manikip ang aking dibdib sa sakit.
Paalis na sana ako nang mahagip ng tingin ang study table. May malaking box doon at nakasulat sa note ang pangalan ko. Binuksan ko 'yon at tumunghay sa akin ang small painting, barbie doll, a headband and religion book.
The small painting is for Barbara. Ang disenyo niyon ay mag-ina na magkatabing nagpipinta. The barbie doll is for Ledger and it says 'I don't care about your gender. You're still my brother'. The headband is for Vivian as token of their closeness. The religion book is for Rafael. Blake wanted me to give all of these to them.
Tumango ako bilang tugon sa hiling niya at binitbit 'yon pababa. Sakto namang katatapos lang kumanta ng choir. Giniya sila ng mga maid upang kumain ng lunch. Marahan akong naglakad palapit sa casket at doon pansamantalang nilagay ang kahon.
"Tatiana," mahinang usal ni Elias at humawak sa kamay ko upang akayin palayo roon. "Kain na tayo."
"Hindi ako gutom."
"Hindi ka kumain ng hapunan kagabi at almusal kanina. Manghihina ka niyan." Nag-aalala siyang tumitig at pinalis ang luha ko. "Tara na."
"Wala akong gana."
"Tatiana," banta niya. "Galit na ko."
Wala akong dahilan para tumawa ngayon pero sa itsura niyang kunot ang noo at bahagyang nakanguso ay hindi ko maiwasan.
"Galit ang baby boy ko?"
"Oo."
"Bakit nagagalit ang baby boy ko?" lambing ko sabay hawi ng buhok niya. "Hmm?"
YOU ARE READING
Drops of Divine
General Fiction"One day, we will meet again but only when the time is right. I will be standing in the light. And I'll give you drops of divine." A Captain of special operations unit of French Armed Forces, Tatiana Rae Gilbert acts tough and arrogant, but hides he...