Chapter XX
"GOOD afternoon," gigil kong sambit sa kabilang linya. "May I speak to Jaime?"
Kung hindi ko lang siya kailangan, hindi ako makikipag-usap sa taong tulad niya.
"Jaime, speaking."
My face crumpled. "I'll kill you."
"Tatiana," tawa niya. "Napatawag ka? At bakit mo ko papatayin? Hindi pa nga natutuloy ang--"
"Shut the hell up. Hindi ko gusto ang sinabi mo kay Ledger. At hindi ko alam kung kakampi ba talaga kita o tuta ka na ng kapatid ko."
"Woah, take it easy! Besides, totoo namang kaibigan mo si Plum Roche. I remembered her when I visit you in France."
"Wala ka talagang kasing bobo, 'no? Dahil sa ginawa mo, baka matuloy pa ang expansion ng Gil Airlines. Gagamitin niya ko para makuha ulit ang loob ng Roche Clan sa proposal."
"Oh, I'm sorry. I didn't know."
"Hindi. Nature mo na 'yan. Stupido ka talaga. Nakorner ka lang ng kapatid ko, napakabilis mong kumanta. Hindi mo iniisip ang plano natin."
"I'm into it, okay? Uuwi naman na ko sa Pilipinas. I'll focus on our plan."
"'Wag na. D'yan ka na lang habang buhay." Then I hanged up. "Dammit."
Porque mas malaki ang pera niya kaysa sa akin, ganito na ang gagawin niya.
Paulit-ulit akong huminga ng malalim at binuga 'yon upang kumalma pero hindi. Agad kong binuksan ang plastik ng tsokolate at tuloy-tuloy iyong kinain. Natigil ako nang may kumatok sa pinto hanggang pumasok ang secretary.
"Sir Ledger is on the move." Nilapag niya ang laptop sa table ko. "Check this, Ma'am."
Kunot-noo ko naman iyong tinignan. Video 'yon mula paglabas ni Ledger sa kompanya niya hanggang makasakay sa kotse at huminto sa luxurious condominium building. Gamit ang binayaran kong tao, sumunod siya kay Ledger papasok.
"Live ba 'to? As in ngayong oras mismo nangyayari?"
"Yes, Ma'am."
Sabay silang sumakay sa elevator at mabuti na lang hindi halata ang tauhan ko, para itong mayaman na nakatira rin doon. Bumaba si Ledger sa fourth floor at normal lang ang galaw niya hanggang pumasok sa dulong silid. Ilang sandali pa ay dumating ang babaeng nakasuot ng white dress at may bitbit na paper bag. Siya rin ang babaeng madalas kong nakikitang kasama ni Ledger. Nag-doorbell siya at binuksan naman 'yon ng kapatid ko habang may ngiti sa labi.
"Hala!" anang secretary. "Niloloko lang niya si Ms. Yara Alvarez?!"
Tinaliman ko siya ng tingin. "Tsismosa ka."
"Nakakagulat po, eh. Hindi ko alam na gano'n si Sir Ledger."
"We're still not sure. Kaya ituloy niyo ang pagsunod sa kaniya."
Tumango naman siya saka lumabas na.
Base sa maid na madalas kong kontakin sa mansion, hindi raw nakakasabay ng dinner si Ledger at sinasabi na mag-oovertime raw ito sa Gil Airlines. Pero base sa oras ng paglabas niya ngayon, one hour lang ang overtime niya at dumeretso agad siya sa condo na 'yon.
Ano nga kaya ang relasyon nila ng babae?
Ang isiping 'yon ay nadala ko hanggang makasakay sa kotse at humarurot paalis.
YOU ARE READING
Drops of Divine
General Fiction"One day, we will meet again but only when the time is right. I will be standing in the light. And I'll give you drops of divine." A Captain of special operations unit of French Armed Forces, Tatiana Rae Gilbert acts tough and arrogant, but hides he...