Chapter XII
NAPAHIYAW ang lahat nang gumewang ang eroplano. Tumingin ako sa monitor at mahinang napamura nang masilayan ang dalawang hijacker sa tabi ng piloto habang nakatutok ang baril sa sentido nito. Base sa buka ng bibig ay nagbibigay ito ng direksyon kung saan dapat lalapag.
Sumulyap ako sa wrist watch at sampung minuto na lang, magla-landing na sa Paris Charles de Gaulle Airport. Subalit iba ang pakiramdam ko. Baka hindi roon ang deretso namin. Kumabog ang dibdib ko sa kaba nang bigla na lang bumulusok ang eroplano!
"T-Tatiana." Nagulat ako nang yumakap sa akin si Elias. "The Lord is with us. Hindi niya tayo pababayaan."
Hinugot ko ang plastic sa bulsa at binigay 'yon sa kaniya. "D'yan ka sumuka. 'Wag sa damit ko."
"S-Salamat."
Akala ko kakalas na siya pero nanatili ang braso niya sa bewang ko habang nakasalok ang plastik sa bibig niya at dumuduwal na naman. May silbi rin pala ang binigay na 'yon ni Blake. Napailing na lamang ako at hinayaan siya.
"Captain Gilbert," a familiar voice said on the radio. "This is Sergeant Plum Roche. I bet the plane is going to the foot of Jura Mountain Range. Prepare for it. We're on our way there."
"Hide on the bush," I uttered. "Make sure that hijackers won't see you. I need a presence of French government official to have a fake negotiation with them."
"Major Chastain will be there under the order of General Marchand."
"Sure. And I need my firearms."
"Copy that, Captain."
Muling umalingawngaw ang malakas na sigawan ng lahat nang muling gumewang ang eroplano hanggang magtuloy-tuloy ang pagbulusok. Hinigpitan ko ang hawak sa railings habang si Elias naman ay lalong kumapit sa akin. Pumikit siya, nag-antanda at umusal ng dasal.
"Almighty God, your hand threw the stars into space and the same hand reaches down to us with a gentle touch. We don't have the strength to deal with the situation we are facing, uphold us with your righteous right hand. We don't know what to do, please help us. You said that we do not need to be afraid or dismayed because you're our God and you're with us. Help us to know your presence in the midst of our circumstances and draw strength from you. Through Jesus Christ, our Lord. Amen."
Bumitaw siya upang maayos na mag-antanda saka muli lamang kumapit nang pabagsak na lumapag ang eroplano. Tumitig pa siya sa akin pero nginiwian ko naman siya.
"Where is she?!" hijacker shouted. "I need to talk to your purser!"
Napabuntong-hininga ako. "'Wag kang lalabas dito, Elias."
"B-Bakit? Hindi ba ko pwedeng sumama sa'yo?"
"Kailangan ko silang kausapin. Huwag kang lalabas hangga't hindi mo ko kasama. Understand?"
"Sige."
Tumalikod na ko ngunit humawak siya sa braso ko. "Don't be stubborn, Elias."
"Mag-ingat ka."
Tumango na lang ako at mabilis na pumunta sa gitna kung nasaan ang mga hijacker.
"I'm here."
"Where's the money?" Tinutok nila sa akin ang limang baril. "Give it to us now!"
"My personnel is on their way here together with the money. Just wait."
YOU ARE READING
Drops of Divine
General Fiction"One day, we will meet again but only when the time is right. I will be standing in the light. And I'll give you drops of divine." A Captain of special operations unit of French Armed Forces, Tatiana Rae Gilbert acts tough and arrogant, but hides he...