Chapter XXI
"LOVE is the soil in which the loved ones grow. It enriches the other person without limiting or restricting him. Love elevates humanity. Love signifies light, the source of goodness, the spiritual and the divine."
Iyon ang mga katagang tumatak sa isip ko nang mabasa ang buong libro na niregalo sa akin ni Daddy. Love signifies light. And if I compare it to the book that was present in the crime scene, what will signifies dark? The source of evilness?
Nagulo ko ang buhok out of frustration. "Nasaan ba kasi ang aklat na 'yon? At bakit wala akong mabili sa bookstore?" bulong ko pa.
"Because it's sold out."
Napatingin ako sa laptop at nakabukas pa rin pala ang skype kung saan kitang-kita ko si Plum na nagpapalinis ng kuko.
"At baka alam na ng killer na hinahanap mo 'yon," dagdag pa niya. "He or she will do anything to prevent you from touching it."
"Gaya ng wine glass, sigurado akong nasa kaniya rin ang librong 'yon," seryosong anas ko. "Pero saan niya tinatago?"
"Naghalughog ka na sa mansion niyo, right? At kung ikaw ang killer, saan mo itatago 'yon?"
"Syempre hindi sa bahay ko. Baka paghinalaan ako."
"Exactly."
Ngumisi ako. "Lalo kang tumalino, ha?"
"Mas mataas pa rin ang IQ mo, 'no. Sadyang minsan ay natatanga ka sa sitwasyon mo ngayon."
"I know," irap ko. "Lalo na't matinik din ang killer na 'yon."
Natawa siya at parang may hinahanap sa likod ko.
"Where's your baby boy? Elias Gentry? I haven't seen him these past few days when we skype, huh?"
"He left. And don't mention him anymore."
"Why? He dumped you?"
"Tais-toi. Tu n'aides pas." (Shut up. You're not helping)
"My gosh!" tili niya, hindi makapaniwala. "The gorgeous and hot Captain Tatiana Rae Gilbert, ligwak ang love life?"
Tinaliman ko siya ng tingin. "Kapag hindi ka tumigil, ipapakain ko sa'yo 'yong granada."
"So, you're moving on na?"
"Change topic."
Dinampot ko ang box ng maltesers at tuloy-tuloy iyong kinain.
"Don't worry, Tatiana. When I arrive there, pupunta agad tayo sa club at ihahanap kita ng lalaki."
"You don't have to. I'm busy with my revenge."
"Oh, I forgot! Matagal ka na nga pa lang--"
Pinanlakihan ko siya ng mata. "Shut the f*ck up."
"Peace!" tawa niya. "I have to go na. Bye!"
Inis kong sinara ang laptop at hinagis ang libro sa kama. Nasa ganoong posisyon ako nang marinig ang malakas na pagbukas ng gate. Sumilip ako sa bintana at gano'n na lang ang gulat ko nang makita ang agents ng Gil Intelligence Security na pumapasok sa bahay ko.
Nagsuot ako ng shades at kinuha ang Class 4 lasers upang ikabit sa bawat sulok ng kwarto. Sinilid ko ang remote niyon sa bulsa at lumabas. Naupo ako sa sofa at nagpanggap na nanonood sa TV. Marahas na bumukas ang maindoor at sunod-sunod silang pumasok habang nakaumang ang baril.
YOU ARE READING
Drops of Divine
General Fiction"One day, we will meet again but only when the time is right. I will be standing in the light. And I'll give you drops of divine." A Captain of special operations unit of French Armed Forces, Tatiana Rae Gilbert acts tough and arrogant, but hides he...