Chapter XXVII
NAGISING ako dahil sa matinding lamig. Nahirapan akong idilat ang mga mata ngunit nagawa ko ring ilibot ang paningin at natagpuan ang sarili sa hospital.
"Oh, oh!" turo sa akin ni Blake. "She's awake!"
Narinig ko ang sunod-sunod na yabag hanggang tumunghay sa akin ang mukha nina Daddy Rafael, Barbara, Ledger at Vivian. Napangiwi ako saka sinenyasan si Blake na lumapit sa akin.
"Why? You have something to say?" Marahan akong tumango kaya naman bahagya siyang yumuko. "What is it, Tatiana?"
"Get...out of here."
"Pardon?" Mas lalo pa siyang lumapit.
"Get out of here. I don't want to see all of you."
Malakas siyang natawa. "Let's go, guys. She's fine."
Sabay naman napairap sina Barbara at Vivian habang sina Daddy at Ledger ay matagal pang tumitig sa akin bago tuluyang lumabas.
Napabuntong-hininga ako at tiniis ang kirot sa parte kung saan ako natamaan ng bala. Sanay naman na kong mabaril pero ngayon lang bumaon sa sikmura ko dahil wala akong armor vest.
Lumingon din ako sa side table at nakita roon ang cellphone. Pinilit kong makuha 'yon hanggang mabuksan at i-dial ang number niya. Dalawang ring pa bago kumonekta sa kabilang linya.
"You said, if I call you, you'll be there for me," I murmured in a low voice. "Where are you? Come here."
"I'm on my way, Tatiana." Rinig ko ang paghangos niya. "Wait for me. I'll be there."
Napangiti ako at nanghihinang binaba ang cellphone. Sinubukan kong maupo pero napahiyaw lamang ako sa naramdamang sakit.
Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Elias. Marahan siyang naglakad palapit sa akin hanggang masilayan ko ang namumugto niyang mga mata at namumuo ang luhang tumitig sa akin.
"Why..." Saglit siyang napatingala, pinipigilan ang halo-halong emosyon. "Why did you do it?"
"I told you..." nahihirapang ani ko. "You're safe by my side, Elias."
"What if..." Tuluyan nang nabasag ang tinig niya kasabay nang pagbagsak ng luha. "You should have dodge it. Malakas ka, 'di ba?"
"The fastest bullets travel more than 2,600 feet per second. To put in perspective, bullets travel over twice than the speed of sound. Kung hindi kita tinulak, matatamaan ka."
"Pero ikaw 'yong natamaan, Tatiana."
"Para sa akin naman talaga 'yon at huli na para makaiwas ako. Masyadong mabilis ang pangyayari."
"Kaya mong gawing posible ang imposible sa paraan mo."
"Are you...mad at me?" Huminga ako ng malalim at humawak sa sikmura. "Hirap na hirap na nga akong gumising."
Nakagat niya ang labi, bahagyang gumilid at nagtaas-baba ang mga balikat, tanda na pinipigilan ang paghikbi.
Nilahad ko ang dalawang braso. "Come here, baby boy."
Muli siyang tumitig sa akin, napapikit at mas lumapit upang yakapin ako. Sinubsob niya ang mukha sa leeg ko at doon malakas humagulgol, tila ilang araw niya iyong kinimkim.
"I like you, Tatiana."
Gano'n na lang kabilis dumoble ang tibok ng puso ko. Kumalas siya at buong paghangang tumitig sa akin.
YOU ARE READING
Drops of Divine
General Fiction"One day, we will meet again but only when the time is right. I will be standing in the light. And I'll give you drops of divine." A Captain of special operations unit of French Armed Forces, Tatiana Rae Gilbert acts tough and arrogant, but hides he...