Chapter XXIV
"MATTHEWS 6:33. But seek first the Kingdom of God and His righteousness and all these things will be added unto you."
Iyon ang mga katagang narinig ko nang makapasok sa mansion. Nadatnan ko sa living room si Daddy Rafael kasama ang kaniyang mga kaibigan sa simbahan at kasalukuyang nagdedebosyon. Hindi siya nakasimba noong Linggo dahil nagkasakit siya dulot ng nangyaring rebelasyon sa paboritong anak.
Ilang beses na rin akong pabalik-balik dito upang alagaan siya. Maski si Barbara ay hindi niya kinakausap at ang lutong porridge ni Vivian lamang ang kinakain niya.
"There are some people who believe in Christ, but do not follow him. Unable to see his light, they do not know that it condemns them. There are good people who do not believe because God wills that they seek the light their whole life long."
Malalim ang naging buntong-hininga ko at umakyat sa third floor. Nakakailang hakbang pa lang ako ay narinig ko na ang tinig ng mag-ina sa seryosong usapan.
"M-Mom." Wala pa man ay naiiyak na si Ledger. "Since when did you notice that this is what I want?"
"Since you were a kid. Binibilhan ko kayo ng car toys ni Blake pero barbie ang kinukuha mo. Hindi ko pinalaki ang issue dahil baka nalilito ka lang, na baka nakita mo lang 'yong mga laruan ni Tatiana."
Naging malapit kami ni Ledger noon at mahilig kaming maglaro pero hindi ko akalain na iba na pala ang takbo ng isip niya, ng puso niya sa tuwing hawak ang doll house ko o kaya 'yong lutu-lutuan.
"Hindi mo na rin ba ko matatanggap? Na ganito ako."
"Anak kita, Ledger. Galing ka sa sinapupunan ko. Syempre mahal kita at tanggap kita kung ano man ang kasarian mo." Bumuntong-hininga siya. "Pero sa ngayon, pwede bang ikubli mo muna 'yan? Para sa daddy mo, para sa posisyon mo, sa kompanya."
"Kaya ko naman pong pagsabayin 'yon, eh."
"Mag-focus ka munang makamit ang pagiging Chairman. Make your daddy proud para mawala ang galit niya sa'yo."
"Kahit naman makuha ko ang posisyon, hindi pa rin niya tanggap ang tunay kong pagkatao. He despises me, Mom."
Napapikit si Barbara at humawak sa kamay nito. "Sundin mo na lang ako, anak. Para sa'yo rin naman 'to."
"Ayaw akong makita ni Dad ngayon. Paano 'yon, Mom? Ayaw kong umalis dito."
"Hindi ka aalis, Ledger. Dito ka lang sa tabi ko. Basta tandaan mong mapapasakamay mo ang buong Gil Group of Companies."
Natawa ako. "Libre talaga mangarap, 'no?"
Sabay silang lumingon sa direksyon ko at tinaliman ako ng tingin.
"Are you eavesdropping?" mataray na saad ni Barbara. "And why are you here again? Go back to your nest."
"This is your fault, Tatiana." Nanggagalaiting lumapit sa akin si Ledger. "Alam kong ikaw ang nagsingit ng envelope na 'yon sa box. Hindi pa ba sapat na nakuha mo na ang Gil Airlines sa akin?"
"Where's your proof then?" I raised my eyebrow. "Kapag may napakita ka sa akin, I'll confirm it."
"Hindi ako tanga. Alam kong nilinis mo na ang mga ebidensya."
"Nilagyan ko pa nga ng xonrox," ngisi ko. "But if it didn't happen, kailan mo balak sabihin kay Dad ang tunay mong kasarian?"
YOU ARE READING
Drops of Divine
Ficțiune generală"One day, we will meet again but only when the time is right. I will be standing in the light. And I'll give you drops of divine." A Captain of special operations unit of French Armed Forces, Tatiana Rae Gilbert acts tough and arrogant, but hides he...