Chapter VIII
PAGBABA ay dumeretso ako sa kusina upang uminom ng tubig. Sinuot ko ang shades saka naglakad paalis. Awtomatiko rin akong nahinto nang makarinig ng mahihinang tawanan sa pool area.
Lumapit ako hanggang masilayan sina Vivian at Blake na parehas nakahiga sa magkatabing wooden chair. May dalawa ring klase ng fruit juice sa gilid habang masaya silang nagkukwentuhan.
"Successful ang art exhibit ko," nakangiting anas ni Blake. "Thanks to you, Tita."
"Kaya nga binuo ang Gil Intelligence Security para resolbahin ang mga problema sa pamilya natin, so you're welcome."
My face crumpled in disgust. Sa loob ng dalawang magkasunod na araw, naabswelto ang kaso ni Blake ukol sa nakuhang baril sa art exhibit niya. Habang si Vivian naman ay nalinis agad ang pangalan dahil sa ginawang kwento na edited daw 'yong pictures. Ginamit niya ang buong Gil Intelligence Security upang gawing edited 'yon bilang patunay. Ang mga media naman, naniwala at nasilaw sa pera para pagtakpan ang kabaliwang 'yon.
"Oh, why are you here?" nakangiting entrada ni Barbara. "Why don't you join us? Sunbathing tayo." Hinubad niya ang robe at hindi ko akalain na may suot siyang one piece swimsuit.
Naduwal ako. "'Wag kang tumapat sa araw, nangangamoy nasusunog na plastic."
"Masyado ka yatang stress sa trabaho mo kaya kung anu-ano ang lumalabas sa bibig mo." Tumawa siya. "If I were you, ibabalik ko na lang kay Blake ang Gil Side."
"Taray, dual purpose. Plastic na nga, mapapel pa." Ngumiwi ako. "Wala ka talagang magawa sa buhay mo, 'no?"
"I'm just concerned about you. Baka kasi sa susunod na araw, nasa lansangan ka na naman."
"Buhay ko 'to. Pwede kang mainis pero hindi ka pwedeng makialam."
Napapailing siyang tumawa at lumapit sa mga kalahi niya. Ako naman ang natawa nang muntik pa siyang madulas dahil sa maarteng pagkembot. Feeling dalaga talaga siya.
"Hey, you!" Kinumpas ni Vivian ang kamay kay Elias na ngayon ko lang napansin. Hawak niya ang panglinis ng pool. "Come here!"
Tinuro ni Elias ang sarili. "Ako po?"
"May iba pa bang house boy rito?" irap ni Vivian. "Bilisan mo."
Dahil sa sikat ng araw, bahagyang nakakunot ang noo ni Elias hanggang makalapit sa amo.
"Bakit po?"
"Pahiran mo ng lotion ang likod ko." Saka siya dumapa.
"Nasaan po ang lotion?"
"Bulag ka ba? Nand'yan sa gilid."
Natawa si Blake. "'Wag mo namang pagalitan."
Nanatiling seryoso at inosente ang mukha ni Elias saka sinunod ang gusto nito. Napataas ang kilay ko nang maarte pang ngumiti si Vivian at kinagat ang labi nang dumapo na ang palad ni Elias sa likod niya.
"Ibaba mo pa. Do'n sa balakang ko."
Lalong nangunot ang noo ni Elias, halatang nag-aalangan kung gagawin niya ba 'yon. Matagal pa siyang tumitig sa lotion na nasa kamay. At hindi ko inaasahan na mag-aangat siya ng tingin sa akin.
"What?" I mouthed.
Ngumuso siya at bahagyang umiling, tila humihingi ng tulong sa akin. Sinenyasan ko siyang itaas ang kamay at sumunod naman siya.
YOU ARE READING
Drops of Divine
General Fiction"One day, we will meet again but only when the time is right. I will be standing in the light. And I'll give you drops of divine." A Captain of special operations unit of French Armed Forces, Tatiana Rae Gilbert acts tough and arrogant, but hides he...