Chapter VII
"HOW was it?" I asked on the line. "Nalaman mo ba kung sino ang nagpadala ng box na 'yon?"
"I'm sorry, Tatiana," pabuntong-hiningang tugon ni Plum. "Pero wala akong na-trace."
"Kahit isa, wala?"
"Address lang. Pasig City."
Nangunot ang noo ko. Isa lang ang kilala kong may bahay sa Pasig pero imposibleng siya 'yon. Hindi niya ako tutulungan dahil kakampi niya ang pamilya ko.
"Sinong nasa isip mo?" aniya pa.
"Nothing. Thanks for the help, Plum."
"I'm always here. One call away."
Binaba ko ang tawag at tumulala sa pader upang mag-isip. Kung susuriin, malapit ang Pasig sa tinitirhan naming mansion dito sa Makati. Thirty minutes lang ay darating na agad ang parcel. But I doubt na may alam siya. At hindi rin niya ako tutulungan sa ganitong bagay.
Dumukot ako sa bulsa upang kuhanin ang wallet pero may kasamang nalaglag. Pinulot ko ang insignia at tinitigan 'yon. Kailangan ko rin nga pa lang hanapin ang mysterious boss ng Omega. Ang daming dapat gawin.
"Tatiana!" Umalingawngaw ang matinis na tinig ni Vivian sa buong mansion. "Magpakita ka! P*ta ka!"
Pabuntong-hininga akong tumayo at lumabas ng silid. Ayun siya, nanlilisik ang mga matang lumapit sa akin.
"Why?" Binalatan ko ang bubble gum at sinubo 'yon. "May regalo ka ulit sa akin?"
Malakas niya akong sinampal. "Para 'yan sa mga in-upload mong pictures!" Sinampal naman niya ko sa kabila. "Para naman 'yan sa paninira mo sa pangalan ko!"
Itataas niya ulit ang kamay pero inunahan ko na siya at sinampal sa noo. Sa lakas ng impact ay napaatras siya at nawalan ng balanse. Tumili siya pero nasalo agad ni Blake ang likod niya at tinulungang makatayo ng maayos.
"Walang hiya ka!" Gigil niya akong tinuro. "Lumayas ka! Walang lugar ang mga tulad mo sa mansyong 'to!"
"Ang pagiging maldita ko ay inilulugar ko. Kaya 'wag kang punyeta dahil mas punyeta ang ugali ko."
"Tatiana," kunot-noong saway ni Blake. "What do you think you're doing?"
"'Wag kang makialam dito. Away punyeta 'to."
"Kaya ba wala ka na ring pakealam kung masira ang pangalan ng pamilya natin?" entrada ni Dad.
"Kasalanan ko bang kinama ng kapatid mo ang empleyado niya? Nilabas ko lang ang totoo. At saka matagal naman nang sira ang buhay ko, bakit hindi ko pa sagarin at idamay kayo?" Sarkastiko akong tumawa. "Tutal, magaling naman kayong manira ng buhay."
"Ikaw mismo ang sumira sa sarili mo," mariing sabat ni Barbara, suot ang itim na dress hanggang talampakan. Talagang bumagay sa ugali niya. "Kaya huwag mo kaming idadamay sa pagiging basura mo."
"Baka nakakalimutan mong ikaw 'yong unang nanira ng pamilya. Proud kabet ka pa nga." Ngumiti ako. "At akala ko lahat ng kabet magaganda, not until nakilala kita."
"Tatiana," inis na sabat naman ni Ledger. "Hindi ka na marunong gumalang sa nakatatanda sa'yo."
"Isa lang kaaway pero 'yong sumugod lima. Wow, ano 'to? Ultra mega power rangers?" Saka ako malakas na tumawa.
YOU ARE READING
Drops of Divine
Narrativa generale"One day, we will meet again but only when the time is right. I will be standing in the light. And I'll give you drops of divine." A Captain of special operations unit of French Armed Forces, Tatiana Rae Gilbert acts tough and arrogant, but hides he...