Chapter XIV
Tatiana Rae's POV
NAGISING ako dahil sa malakas at magkasabay na tunog ng cellphone at alarm clock. Kunot-noo akong bumangon at parehas iyong pinatay. Hihiga na sana ulit ako nang muli na namang nag-ring ang phone ko.
"Quio?!" I answered. (What?!)
"Pack your things and leave the mansion now!"
"What the heck are you saying, Plum?"
"Omega already knew that you're in the Philippines! They're hunting you down!"
Gano'n na lang kabilis ang pagtakbo ko at kinuha ang maleta upang mag-empake.
"How did that happen?!"
"One of the passengers of Gil Flight 87A is a member of Omega. He recognized you."
"Then he also saw me wearing the insignia of GIGN?"
"I doubt it. Kasama siya sa sugatan kaya na-isolate agad siya bago ka sumugod. At mabuti na lang may takip ang mukha mo no'n."
Nakahinga ako ng maluwag. "Where are they now?"
"I don't know but you have to hurry up before they get you back!"
"Hindi pa ko naliligo!" Iritable akong nagsuot ng hoodie. "At saan ako pupunta?!"
Nakakainis naman. Mapapalayo pa ko sa mansion na 'to kung kailan marami na akong natutuklasang anumalya.
"Mamaya ka na maligo, Tatiana. Kaloka ka! May nabili na rin akong bahay para sa'yo. Do'n ka mag-stay. Approved 'yon ni General Marchand. I'll text you the address."
"Wala akong sasakyan!" Hinatak ko ang maleta palabas. "Sinunog ng dalawang impakta!"
"Mag-commute ka na lang. Take care, Tatiana."
Nagulo ko ang buhok bago ipusod at bumaba na. Kahit kailan pahirap talaga sa buhay ang Omega na 'yan. Kung hindi nga lang gusto ng French President na dalhin siya ng buhay sa France, baka binihag ko na 'yon at pahirapan gaya nang ginawang pagpapahirap ni Hugo sa akin. Mga wala silang kaluluwa.
"Yow! Tatiana!" masayang entrada ni Blake, bihis na bihis. "Where are you going?"
"You'll go back to France?" nakangiting sabat ni Barbara. "Good to hear."
"May importante akong gagawin kaya tumabi kayo. Baka masampal ko kayo."
Natawa si Vivian. "Hanggang pag-alis ba naman, attitude ka pa rin? Grow up, Tatiana. At ano 'yang suot mo? Kadiri. Lalo kang nagmukhang basura."
"Isipin mo wala ka namang ambag sa buhay ko pero nakikialam ka." Tinabig ko siya. "Excuse me!"
"Bye, Tatiana!" kaway ni Blake. "Dumalaw ka rito, ha? Mamimiss kita. Tawagan din kita kapag may party."
"Sure," ngisi ko. "Magdadala rin ako ng bomba para naman bongga ang pasabog."
Barbara shook her head. "Hinding-hindi ka na makababalik pa rito."
"Of course, I'll make sure of that." Vivian smirked at me. "Kung kinakailangan kong pasabugin ang bungo mo, gagawin ko."
"Mas malala pa d'yan ang kaya kong gawin sa'yo." Ngumisi rin ako. "Hanggang masunog ka sa impyerno." Kumaway ako. "See you around."
YOU ARE READING
Drops of Divine
General Fiction"One day, we will meet again but only when the time is right. I will be standing in the light. And I'll give you drops of divine." A Captain of special operations unit of French Armed Forces, Tatiana Rae Gilbert acts tough and arrogant, but hides he...