Chapter V

369 28 9
                                    

Chapter V

"REALLY?" Malokong ngumisi si Vivian at tumayo. "Even if you die right here?"

Tamad akong tumango. "Try me."

Mabilis siyang naglabas ng baril at tinutok sa akin. Kunwari pa akong umatras at tinaas ang kamay.

"Now you're afraid, Tatiana." Humakbang siya palapit sa akin. "Hanggang salita ka lang pala."

"Vivian." Dad stood up. "Put it down."

"No, Kuya. Hindi magtatanda ang babaeng 'to kapag hindi naturuan ng leksyon."

Barbara laughed. "That's why I like you, Vivian. Lagi mo akong pinapahanga."

"What, Tatiana?" ngisi niya. "Aalis ka sa mansyong 'to o ipuputok ko sa'yo 'to?"

"Eh, 'di iputok mo. Tapos anong gagawin niyo sa bangkay ko? Hahayaan niyo lang, 'di ba?" Malamig akong tumitig sa kanila. "Hahayaan niyo lang gaya nang ginawa niyo kay Mommy Talitha. Pinalabas niyo pang siya ang gumawa no'n sa sarili niya."

Nasaksihan ko kung paano siyang naestatwa. Sina Dad at Barbara naman ay parang natakasan ng dugo.

"Sino nga bang totoong pumatay sa kaniya?" Binaba ko ang kamay at huminto sa hallway. "Isa ba sa inyong tatlo?"

Kinasa ni Vivian ang baril at maliksing lumapit sa akin. "Sumosobra ka na!"

Bago pa niya makalabit ang gatilyo ay agad ko nang dinakma ang isa niyang braso at pinilipit 'yon. Akma pa siyang papalag pero tinuhuran ko ang sikmura niya at mabilis na inagaw ang baril. Hinigit ko ang kwelyo niya at sinandal siya sa pader.

"I told you, Vivian." Dinikit ko ang dulo ng baril sa sentido niya. "Magkamatayan man."

"L-Let me go, Tatiana!" angil niya. "Naging matapang ka nga pero hindi mo pa rin magagawang pumatay."

"Oh, wench. You have no idea what I went through for the first five years in France." Maloko akong ngumisi at mas lalo pa siyang diniin. "At baka kapag nalaman niyo, kusang yuyuko sa akin ang hawak mong intelligence security."

"Tatiana," Dad uttered calmly. "Ibaba mo 'yan."

"What can you say, Barbara?" I mused. "Hindi ba't paborito mo si Vivian dahil malakas siya? Eh, bakit ang dali ko lang natalo sa close combat?"

"You think high of yourself, Tatiana." She chuckled. "I can't believe this."

"Sinuwerte ka lang," ngisi ni Vivian, sumasagap ng hangin. "Pero kapag natyempuhan kita..."

"Sure. Aabangan ko 'yan."

Akma pa siyang magsasalita nang makarinig kami nang pagbagsak ng isang bagay. Sabay kaming napalingon sa dulo ng hallway. Naroon si Elias, namimilog ang mata sa gulat at 'yong hawak na mop ang siyang nalaglag. Lumayo ako at doon na humupa ang tensyon.

"You're using a cheap gun." Pinasak ko ang baril sa lumuluwa niyang dibdib. "Hindi na rin dapat ako magtaka dahil cheap din ang bumili."

Vivian glared at me. "We're not yet done."

"Hangga't hindi ko kayo nakikita sa loob ng kulungan, hindi tayo matatapos."

"Tatiana!" hiyaw ni Dad. "Come back here!"

Ngunit hindi na ko lumingon pa. Hinigit ko ang braso ni Elias at sinama siya sa pagsakay ng elevator.

Drops of DivineWhere stories live. Discover now