Chapter XI
MATAPOS maligo ay binalot ko ng robe ang katawan habang tuwalya naman sa ulo. Nag-ring ang cellphone ko kaya agad ko iyong sinagot. Video call mode pa.
"Quel est votre problème?" (What's your problem?) kunot-noong sambit ko. "You keep calling me these days."
Plum pouted her lips. "Je m'ennuie de nos liens." (I miss our bonding)
"Hindi ka na ba nagpupunta ng club right after work?" Lumabas ako sa bathroom at tumungo sa cabinet upang mamili ng damit. "That's your hobby."
"Our hobby." She rolled her eyes. "Madalang na lang because you're not here."
"Ano namang difference kung wala ako d'yan? Eh, no'ng hindi pa nga tayo magkakilala, sabi ng mga boylets mo parati kang nasa club."
"I was just sad that time. Mas masaya kung nandito ka."
Kinuha ko ang high waisted jeans at white halter top. "On duty ka tapos kausap mo ko?"
"Why not? Sabi naman ni General Marchand, call me anytime."
Ngumiwi ako. "Ikaw ang tumawag ngayon."
"Oh, hi there!" Nakangiti siyang kumaway. "You're handsome!"
Nangunot ang noo ko. "Sinong kausap mo?"
"Who's the guy behind you? Pakilala mo naman ako."
Nagtataka man ay lumingon ako at gano'n na lang ang gulat ko nang makita si Elias.
"What are you doing here?"
"P-Pasensya na. Kumatok kasi ako kanina pero hindi ka sumagot. Nag-alala ako baka kung anong nangyari sa'yo kaya pumasok na ko."
"The door is locked." I glared at him. "Did you pick it with a hairpin?"
Umiling siya. "Bukas talaga."
"Hey, handsome!" muling hirit ni Plum. "What's your name?"
Mas lalong hindi ko inaasahan na lalapit pa siya sa cellphone ko at ngumiti sa camera.
"Elias Gentry at your service."
"I like your name, just like your face." She giggled. "So, may nangyari na sa inyo?"
Nanlaki ang mata ko. "What the heck, Plum?"
"Wala pa pero sa susunod, meron na," nakangiting tugon pa ni Elias!
Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa ulo.
"Shut up, Elias. At bakit feeling close ka, ha? Do'n ka sa labas."
Natawa si Plum. "Boto ako sa'yo!"
"Salamat," ngiti pa ulit ni Elias!
Hinampas ko siya. "Ano bang sinasabi mo?"
"Bakit? Nagsabi lang ako ng totoo."
Napaamang ako. "Anong totoo?"
"Na may mangyayari sa atin sa susunod."
Napaatras ako. "Anong...mangyayari?"
"My gosh!" tili ni Plum. "He's so sweet!"
Lumapit si Elias pero humakbang ako palayo. "Ano ba kasi 'yon?"
"Spiritual connection." Pinagdikit niya ang mga palad, tila nagdadasal. "May mangyayaring spiritual connection sa atin. Basta maniwala ka lang kay Lord."
YOU ARE READING
Drops of Divine
General Fiction"One day, we will meet again but only when the time is right. I will be standing in the light. And I'll give you drops of divine." A Captain of special operations unit of French Armed Forces, Tatiana Rae Gilbert acts tough and arrogant, but hides he...