Chapter XIII
"SHOWBIZ Flash Report: Yara Alvarez was spotted in Glorietta yesterday with a new guy. Many fans are arguing if she cheated on her current boyfriend Ledger Gilbert or they broke up since the latter was also seen with other woman."
Napangisi ako, lalo na nang ipakita ang stolen shot nilang dalawa na parehas pang nakangiti. Good job, Jaime. Nag-hire ka pa talaga ng ibang lalaki para lang makalapit kay Yara at masira ang relasyon nila ng kapatid ko. Pinakita rin ang ilang funny and negative comments ng netizens sa magkasintahan.
Pinatay ko ang TV at binuksan ang malaking kahon na pinadala kanina. Sinira ko ang papel na nakabalot hanggang tumunghay sa akin ang medieval silver key painting ni Blake. Naisipan kong bilhin para matitigang maigi at maanalisa.
Nasa ganoong posisyon ako nang mag-ring ang phone ko. "What?" sagot ko. "Nalaman mo na ba kung saan nabili ang bracelet na 'yon?"
"My gosh, Tatiana," maarteng tugon ni Plum. Dinig ko rin ang pagtipa ng daliri niya sa keyboard. "Until now, I couldn't believe na legit symbol ng Omega ang nakakabit sa bracelet ng half-brother mo."
"So, saan nga nabili? Nakuha or what?"
"It's a personalized one. I found the store but they didn't know the reason why the customer want it that way."
"Did they know or see the customer personally?"
"No. Masyado raw pribado ang taong 'yon, lalo na't sa online lang sila nagkakausap."
"Sana kinuha mo ang account. Kahit fake or dummy."
"I got it but it's already deactivated."
"Ayaw pahuli, ah?"
"Why don't you ask Blake regarding that?"
"Baka ma-checkmate ako."
"Maybe not? Like what you said, maloko lang siya at imposibleng alam niya ang tungkol sa Omega."
"Lahat ay posibleng maging kalaban, Plum." Tumaas ang sulok ng aking labi. "Maging ikaw."
Natawa siya. "Are you doubting my loyalty to you?"
"Who knows? Anyway, thanks for the help. Again."
"No problem. I'll call you when I get more details."
Kinuha ko ang pouch at lumabas ng silid. Himala na tahimik ang buong mansion kaya hanggang pagbaba ko ay wala akong nakasalubong. Nangunot din ang noo ko nang makaamoy ng nasusunog. Sinundan ko 'yon hanggang marating ang garahe.
Gano'n na lang ang gulat ko nang makitang nagliliyab ang sports car ko!
"Surprise!" nakangiting entrada ni Vivian. "Nagustuhan mo ba?"
"Murderer ka na nga, arsonist ka pa. Tsismosa ka na, pakielamera ka pa. Kontrabida ka pa, inggitera ka pa. Lahat na ng ugali ng masamang elemento na sa'yo na." Pumalakpak ako. "Award winning."
"Oh, saan ka pupunta?" eksena ni Barbara. "Manood ka pa hanggang maging basura na rin 'to."
"Magco-commute ako." Ngumiti ako. "Linisin niyo 'yan, ha? Kung ayaw niyong mapagalitan ni Daddy."
Pagtalikod ay kusang nabura ang ngiti ko at naglakad hanggang gate saka sumakay ng taxi. Minsan lang magbigay ng sports car si General Marchand, sinunog pa. Tuloy ay hindi ko alam ang sasabihin sa kaniya kapag hinanap 'yon.
YOU ARE READING
Drops of Divine
General Fiction"One day, we will meet again but only when the time is right. I will be standing in the light. And I'll give you drops of divine." A Captain of special operations unit of French Armed Forces, Tatiana Rae Gilbert acts tough and arrogant, but hides he...