Chapter XIX
Tatiana Rae's POV
"GIVE me the exact percentage of Ledger's shares in Gil Airlines," I uttered. "When I say exact, include the decimals."
Mabilis na tumipa ang secretary sa keyboard.
"37.75%."
"And my shares?"
"31.08%."
Nahilot ko ang sentido. "Mababa pa rin."
"If the deal between you and Sir Jaime will settle as early as next month, you'll exceed Sir Ledger's shares."
"You think so?"
Tumango siya. "Sir Jaime's family owned the biggest investment company here in the Philippines. That's a big help."
Hindi ko maintindihan pero bigla na lang pumasok sa isip ko si Elias. Kailangan kong aminin na ayaw ko nang ituloy ang deal namin ni Jaime dahil sa kaniya. But if I turned it down, hindi ko makukuha ang Gil Airlines. Matatalo ako at hindi na ko makakapasok pa sa kompanyang 'yon hanggang mabalewala lahat ng paghihiganti ko.
Malalim ang naging buntong-hininga ko. Hindi ko na alam ang gagawin. Bakit ba kasi hindi ko maiwasang alalahanin si Elias? That house boy. He really got me whenever he smiles.
"I also heard that Sir Jaime will be back next month from his business trip in Germany."
"Ah, really? Pakisabi sana hindi na lang siya bumalik." Para hindi ako namomroblema ng ganito. "Teka nga, lalo mo lang dinadagdagan ang sakit sa ulo ko. Wala bang good news d'yan?"
Isang araw lang akong hindi pumasok dito sa Gil Side, puro problema na ang sumalubong sa akin.
"Napasundan ko na po ang dating yaya niyo."
I raised my eyebrow. "Si yaya Fely?"
"Yes, Ma'am. And she always went to Pasig City."
"Doon ba siya nakatira?"
"Binibisita niya lang po ang anak at apo niya ro'n. At halos ilang blocks lang ang layo sa bahay ni Sir Jaime."
"Wala ba siyang kahina-hinalang ginagawa?"
Umiling siya. "Nag-aalaga siya ng apo sa weekends and the remaining five days, binabantayan niya si Chairman Rowan sa hospital."
"Thanks. You can go now."
Inikot ko ang swivel chair at humarap sa malaking bintana kung saan tanaw ang city lights. Matagal na rin ang huling dalaw ko kay Lolo. Namimiss ko na siya pero gusto ko rin na sa muling pagdalaw ko ay alam ko na kung sino ang bumangga sa kaniya.
I felt the vibration coming from my phone. I took it and opened the notification. Malakas akong natawa nang makita ang limang magkakahiwalay na video sa mansion. Halos tatlong araw na silang trending sa social media. Hashtag Gilbert Clan versus Bulmastiff.
Isa para kay Barbara na malakas ang tili habang hinahabol ng aso papasok ng mansion. Isa para kay Daddy Rafael na humahagulgol pasakay ng elevator. Isa para kay Vivian na walang kasing lakas ang iyak nang dilaan siya ng aso sa binti. Hindi siya nakapasok sa kotse para magtago dahil na-stuck ang kamay niya sa handle. Isa para kay Ledger na literal na nakayakap sa palm tree habang umiiyak at nakatingin sa baba, hinihintay na umalis ang mga aso. At isa para kay Blake na nasa tuktok ng puno ng mangga at binabato ang mga aso upang lumayo pero naiyak lang din sa takot.
YOU ARE READING
Drops of Divine
Narrativa generale"One day, we will meet again but only when the time is right. I will be standing in the light. And I'll give you drops of divine." A Captain of special operations unit of French Armed Forces, Tatiana Rae Gilbert acts tough and arrogant, but hides he...