START: Lockwood City

803 47 12
                                    

"How do you destroy a monster without becoming one?"

•|||•

Nanunuot sa aking ilong ang masangsang na amoy ng dugo. Nagkapatong-patong na animo'y bundok ang mga bangkay na mainit-init pa— tanda na kamamatay lamang nila. Malamig ang simoy ng hangin sa kalagitnaan ng gabi na talaga namang nagpapadagdag ng kilabot sa lugar na ito.

"Tielo, I'm dying. Let me eat cake," hayag ko habang nakahiga sa mala-bundok na pinagpatong-patong na mga bangkay, at nakatingin sa itim na kalangitang walang kabituin-bituin, marahil ay hindi nais ng mga ito na silipin ang madugong bayan ng Lockwood.

"You're not dying, idiot," singhal naman ni Tielo na nginusuan ko at pinadulas ang katawan ko pababa sa tambak na bangkay, sabay tumayo ng maayos.

"Let me eat cake anyway."

Umirap na lang ito sa hangin at pumasok sa loob ng bahay. Paglabas niya ay may dala-dala na siyang cake na nakalagay sa platito sabay iniabot sa akin, kaya naman kinuha ko iyon. Nakangiti akong naupo sa isang bangkay at doon kumain.

Normal na lang sa akin...o maging sa lahat ng tao rito na kumain sa ganitong posisyon. Kaya na naming kumain ng normal kahit na kaharap ang mga bangkay na brutal na pinagpapapatay. Nakababaliktad ng sikmura para sa iba, pero para sa akin ay isa itong napakagandang tanawin.

"Nga pala, inanunsyo ni Mayor kanina na kailangan nating maglinis dahil maraming darating na bisita bukas." Pagbubukas ng usapan ni Tielo habang abala sa paghahakot ng mga katawan.

"Tagong lugar dito sa atin kaya 'wag ka ng mag-abala," sagot ko naman at maingat na hiniwa ang cake sabay isinubo iyon sa aking bibig.

Matapos ang patayan kanina, deserve kong kumain ng cake para mabawi ang nawala kong lakas.

"Kahit na. Ubusin mo na 'yan at tulungan mo na ako rito."

Tumango na lang ako at binilisan na sa pag-ubos ng pagkain ko, sabay inilapag ang platito sa isang tabi. Tinulungan ko na itong hakutin ang mga katawan at pinagsusuksok silang lahat sa iisang basurahan. Sa sobrang dami nila ay nasira na ang trash bag namin at lumuluwa na rin ang basurahan ng bangkay, imbes na mga supot na mula sa pinagkainan

"Ang dami niyong basura ngayon ah. Teka, mga gangster ba ang mga ito?" wika ng lalaki na siyang tagahakot ng mga bangkay dito sa'min.

Sa lugar na ito, mas marami pa ang katawang patay na nahahakot kaysa sa mga basura namin, kaya naman nagkaroon sila ng trabahador para sa gawaing ito at mayroon din silang lugar na pinaglalagyan ng mga bangkay. Doon ay itinatambak ang mga patay na, ang ilan ay kinukuha ang laman loob o dugo na magagamit pa, 'saka ibebenta sa iba. 'Yun ang dahilan kung bakit mayaman ang bayan namin sa laman loob at dugo.

"Mga taga kabilang bayan 'yan na sumugod dito para hamunin si Lock, kaya naman ayan," wika ni Tielo at bumuntong-hininga.

Napatingin naman sa akin ang lalaki pero nagkibit-balikat lang ako upang magmukhang inosente.

"Sige na, linisin niyo na ng mabuti ang bahay at bakuran niyo dahil maraming magtutungo rito bukas na mga bisita. Magandang gabi!"

Umalis na ang sinasakyan nitong truck matapos mahakot ang mga bangkay, kaya naman pumasok na kami sa loob at nilinis ang aming katawan sabay nagtungo sa nag-iisang kwarto na pinagsasaluhan naming dalawa ni Tielo.

"Lock, gusto mo bang mag-aral?" biglang tanong ni Tielo kaya naman napatingin ako sa kaniya.

"Sinong tao naman ang gustong mag-aral? Masyadong masakit sa ulo ang pinagsasasabi ng mga guro. Sayang din ang lakas mo sa pagsusulat at pagbabasa. At saka tatawagin ka nilang bobo, e alam na nga nilang nasa kalagitnaan ka palang ng pag-aaral," pangangatwiran ko na nginiwian niya at naupo sa ibabaw ng kaniyang kama sabay hinarap ako.

"Pero masaya ang mag-aral. Marami kang matututunan sa paaralan," giit naman niya nang may ngiti sa labi.

"Edi mag-aral ka, pero kailangan mong magtungo sa ibang mga bayan dahil wala tayong paaralan dito."

Ngumuso si Tielo at ibinagsak ang kaniyang katawan sa ibabaw ng kaniyang kama. "Gusto kong mag-aral sa kalapit na bayan, pero hindi ko kayang iwan ka sa lugar na ito."

"Aish, sa tingin mo ba ay maaawa ako sa'yo at sasamahan kang mag-aral? Asa ka pa," hayag ko at nahiga na rin sa kama ko sabay kinumutan ang aking katawan.

Narinig ko ang malalim na pagbuntong-hininga ni Tielo at tumayo mula sa kaniyang pagkakahiga. Ilang saglit lang ay namatay ang ilaw na alam kong siya ang may gawa.

"Good night, Tielo," malamig kong sambit at tumagilid ng higa upang talikuran siya.

"Good night, Warlock."

Matapos iyon ay natahimik na ang apat na sulok ng kwarto. Napatingin ako sa nakabukas na bintana kung saan pumapasok ang malamig na hanging nagpapagalaw sa aming kurtina.

Ang lugar na ito ay isang hindi pangkaraniwang lugar. Maraming mga gusali, masasarap ang mga pagkain at mura pa, kumpleto na ang lahat maliban na lang sa paaralan. Sino ba namang mag-aabalang mag-aral sa isang delikadong lugar? Mas mabuti na lang na mag-aral kang pumatay kaysa mag-aral na magbasa't magsulat. Kung malakas ka, ikaw ang pinakamatalino sa lugar na ito. Hindi mo kailangang matutong magbasa't magsulat dahil may ibang taong gagawa nu'n para sa'yo.

Bumuntong-hininga ako. Hindi ko nga alam kung bakit interesadong-interesado si Tielo sa pag-aaral gayong wala naman iyong kwenta. Umiling-iling ako upang iwakli ang aking iniisip at ipinikit ang aking mata.

Natapos na naman ang isang madugong araw, pagsapit ng umaga ay dadanak na naman ang dugo sa lugar na'to.

WarlockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon