CHAPTER 25: Contestants

72 16 1
                                    

WARLOCK'S POV

"1...2...3...4!"

"1...2...3...."

"Aray!"

Natigil kaming lahat at nakita si Mira na nakalupasay sa sahig. Agad akong tumayo mula sa kinauupuan ko at nilapitan ito.

"Ayos ka lang ba?" tanong ko na tinanguan niya, pero halatang may iniinda siyang sakit. Inalalayan siyang tumayo ng mga kasama niya pero muli na naman siyang bumagsak, kaya naman huminga ako ng malalim at agad itong binuhat.

"Excuse me," usal ko at naglakad na paalis habang buhat-buhat si Mira. Lumabas kami ng auditorium. Dinala ko siya sa clinic habang panay ang pagtingin ng mga estudyanteng nadaraanan namin.

Pagkarating roon ay agaran siyang inasikaso ng school nurse at umiling ito.

"Namamaga ang paa mo at baka dalawang linggo pa 'yan gagaling, kaya hindi ka pwedeng sumali sa contest," pamamalita nito at bigla nalang tumili si Mira.

"Gawin mo ang lahat para gumaling agad ako?!" bulyaw niya sa nurse na lugmok na sa kahihiyan, kaya naman marahas kong ihinarap sa akin si Mira.

"Bakit mo ba siya sinisigawan? Hindi niya kasalanan na sobrang taas ng suot mong takong, para magmukha kang angat sa lahat kaya 'yan ka ngayon! Pasikat ka!" sermon ko sa kaniya na ikinanlaki ng mata nito. "Sasabihin ko sa principal ang nangyari at hindi na ako sasali."

Naglakad na ako palabas ng clinic at ginulo ang aking buhok. Nagtungo na ako sa Principal's Office at narinig kong may nagtatalo sa loob. Natanaw ko si Erin na papasok na sana roon pero maingat akong naglakad palapit sa kaniya, sabay tinakpan ang bibig nito.

"...ako? Bakit palagi nalang ako ang sinisisi mo kung bakit nasira ang pamilya natin? Pareho nating kasalanan iyon! Pareho tayong nagdesisyon at hindi lang ako!"

Narinig ko ang mabibigat na yabag na palabas ng opisina, kaya naman hinila ko si Erin sa isang tabi at isinansal ito sa pader sabay kinorner siya roon.

Lumabas mula sa silid si Manong Bulldog at nagpupuyos sa galit na umalis.

"Lumayo ka nga sa akin," reklamo ni Erin kaya naman napatingin ako sa kaniya.

"'Wag mong sasabihin sa iba ang narinig mo sa loob," habilin ko at umalis na, sabay nagtungo sa loob ng opisina ng Principal.

Nadatnan ko ito na magulo ang gamit niya sa desk maging ang kaniyang buhok. Malalim rin ang bawat paghinga nito.

"Ma'am, hindi na po ako sasali," diretsahan kong sambit kaya naman napatingin ito sa akin. "Nasprain ang paa ni Mira at hindi na siya pwedeng sumali, kaya naman hindi na rin ako sasali."

"Ma'am, heto na po 'yung pinapakuha mo," sabat naman ni Erin, at inilapag sa desk ng Principal ang kanina niya pa hawak na mga libro.

"Sumali kayong dalawa."

Kapwa kami natigilan ni Erin at napatingin sa Principal.

"Aish, ayoko ng marinig ang reklamo niyo at hindi ako tumatanggap ng pagtanggi kaya umalis na kayong dalawa," iritable nitong saad pero hindi kami gumalaw ni Erin. "ALIS!" maawtoridad niyang utos kaya naman nagmamadali kaming lumabas.

Nakakatakot siyang matakot. Parang hindi ito 'yung babae na umaalo sa akin kagabi.

Nagkatinginan kami ni Erin at sabay na ngumiwi. Wala na kaming pamimilian.

"Tara na," aya ko sa kaniya at nagsimula nang maglakad. Bumuntong-hininga naman ito at napilitang sumabay sa paglalakad ko. Tahimik lang kaming pareho hanggang sa makarating sa auditorium. Ipinaliwanag ko sa lahat ang nangyari at naiintindihan naman nila kaya isinali na nila si Erin.

WarlockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon