CHAPTER 16: Break up and comeback

108 19 0
                                    

WARLOCK'S POV

"Pano ba 'yan, tapos na tayo."

Tumango ito at humakbang palapit sa akin. Natigilan ako ng bigla nalang ako nitong hinalikan sa labi pero agad rin siyang lumayo.

"Para saan naman 'yun?" taka kong tanong rito.

"Breaking up kiss, I guess?"

Ngumiwi ako at marahan itong itinulak. "Pumasok ka na sa loob at umuwi." Muli siyang tumango at pumasok na sa loob ng kotse. Pinanood ko lang iyon na humarurot kasama ang dalawang kotse na nakabantay sa kaniya.

Napahikab ako at agad na napatingin sa bahay ni Erin. May ilaw roon, baka nasa loob siya. Naglakad ako patungo sa bahay nito at pumasok roon. Agaran ko siyang namataan na nasa sala kasama si Sammy at...nagkalat sa sahig ang mga bote ng beer?

"Ugh! I feel like everyone just forgot that I exist," bulalas nito sa sarili niya at tinungga ang isang bote ng beer. Ano nanaman kayang kadramahan ito?

Naglakad ako palapit sa kaniya at naupo sa harapan nito kaya naman napatingin siya sa akin. Magulo ang buhok niya at sobrang dungis ng mukha. Papikit-pikit ang kalahating nakauwang niyang mata, at namumula na ang mga pisngi. Lasing na siya.

"Aish, mukhang naparami na ang nainom ko kaya nakikita ko na siya sa harapan ko," usal nito at ginulo pa ang kaniyang buhok.

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?!"

"At nagsasalita pa ang mokong." Umupo siya ng maayos at tumingin ng diretso sa akin. "Ano namang pakialam mo kung anong ginagawa ko?" pagtataray nito sa akin at muling kumuha ng bote. "Walang may pakialam sa akin. Walang nagmamahal sa akin, maging ikaw."

Halos magsalubong ang kilay ko sa sinabi nito at pinanood siyang tunggain ang laman ng bote ng alak. Ngayon ko lang nakita ang side niyang lasinggera, at hindi nakakatuwang pinagmamasdan siyang ganito.

"Sure there are people out there who love you," hayag ko at huminga ng malalim. "I do."

Naibuga nito sa akin ang alak na nasa bibig niya at kalaunan ay natawa. "Kinilig naman ako doon, sa sobrang pagkakilig ko ay parang gusto kitang hampasin ng bote," anito. "Warlock, ah mali, my imagination Warlock. I think, I'm falling in love with you, no scratch that, I'm pretty sure that I'm in love with you."

Kumurap-kurap ako sa biglaang confession nito hanggang sa hindi ko napigilang mapangiti. Heto na naman, nababaliw na naman ang puso ko at nagtatatalon.

Nakita kong bumaba sa aking labi ang mga mata ni Erin at napalunok ito ng mariin. "You're lips are so soft. I could kiss them all day," hayag pa niya at lumapit sa akin. Akmang hahalikan na ako nito pero itinulak ko siya palayo sa akin.

"Hoy, ano ba. Amoy alak ka," sita ko sa kaniya at napatakip sa ilong ko. "You're really drunk right now. I don't think you're gonna remember any of this."

"No, I'm not drunk at all. You're just blurry," walang kwentang depensa nito na sininghapan ko. Nababaliw na siya.

Kinuwelyuhan ako nito na ikinanlaki ng aking mata...at bigla niya akong sinunggaban ng halik.

Aish, masama ang pakiramdam ko rito.

•|||•

Narinig ko ang mahinang pag-ungol ni Erin at pagmulat ng mumunting mata nito.

"Ah, ang sakit ng ulo ko," reklamo nito at napahawak sa kaniyang ulo hanggang sa mapatingin ito sa akin.

"Naglasing ka kagabi, kasalanan mo 'yan," sagot ko at hinaplos ang buhok nito.

"Gaano ba ako kalasing kagabi?" tanong nito sa akin at naupo upang magkapantay kami.

"Well, you still have your pants on, so not that drunk?"

WarlockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon