CHAPTER 14: Both of them

106 17 1
                                    

WARLOCK'S POV

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto at pumasok roon. Maingat ako sa bawat paghakbang ko, pero saktong pagkasarado ko ng pinto ay bumukas ang ilaw, at nakita ko si Erin na nakaupo sa isang silya habang hinahaplos ang balahibo ni Sammy na nasa ibabaw ng hita niya. Malamig itong nakatingin sa akin at namataan ko rin ang matulis na gunting na nasa ibabaw ng mesang nasa tabi niya.

"Erin, ikaw pala," painosente kong sambit at napatingin sa paligid. "Bakit ka nasa kwarto ko?"

"Hating gabi na, bakit ngayon ka lang?" tanong nito na daig pa ang misis na naghihintay na umuwi ang mister niyang nanggaling sa kabit niya.

"Marami akong ginawa?" hindi ko siguradong sagot. Hindi ko kasi alam kung paano ipapaliwanag sa kaniya ang mga nangyari. Naglaro kami ng basketball ng Mayor kasama ang mga gwardiya nito. Nakipagkwentuhan rin ito at sunod kaming naglaro ng golf.

Napapikit ako at naoatalon sa gulat nang ihampas nito ang kamay niya sa ibabaw ng mesa, at kinuha ang gunting.

"Hoy, anong gagawin mo diyan?" kabado kong tanong hanggang sa kunin niya ang isang kulay asul na malaking supot. Ipinasok niya ang kamay niya roon at nakita kong hawak nito ang underwear ko. Sinimulan niya iyong ginunting kaya naman napangiwi ako. Akala ko pa naman ay gagamitin niya iyong napaksak sa akin o isasaksak sa sarili niya.

"Teka, gamit ko 'yan!" sigaw ko at nilapitan ito upang pigilan siya sa ginagawa niya. "Erin! Nasisiraan ka na ba ng ulo? Alam mo ba kung gaano nakakahiyang bumili ng underwear tapos guguntingin mo lang 'yung akin?!" sermon ko sa kaniya at kinuha na maging ang supot. Ikinalat ko ang laman nito sa ibabaw ng kama ko at sinimulang tupiin.

"Iniwan mo kami ni Tielo sa eskwelahan na puno ng pag-aalala, tapos iniwan mo naman kami sa hospital na puno ng pagtataka. Sino ka ba para iwan kami?"

Tinignan ko ito at siningahapan siya.

"'Wag ka ngang madrama. Tsaka sapat bang dahilan 'yun para guntingin mo ang mga underwear ko?" sumbat ko naman at inirapan siya.

Hindi ito umimik hanggang sa matapos ko ang pagtutupi ko. Ibinalik ko ang nga iyon sa lagayan. Ibinalik ko ang atensyon ko kay Erin at nakitang masama itong nakatingin sa labas ng bintana. Bumuntong-hininga naman ako at naglakad palapit sa kaniya. Nakokonsensya kasi ako.

"Halika na, ihahatid na kita sa bahay mo," kalmado kong wika at hinila siya pero tinabig nito ang kamay ko.

"Ayos rin ah, ngayon ay hindi na ako pwedeng matulog rito?"

"Galit ka sa akin hindi ba? Mas makakabuti kung doon ka sa bahay mo matulog," anas ko naman at muli itong hinawakan pero nagmatigas ito.

Naku naman, sasakit ang ulo ko sa babaeng ito.

"Erin, this isn't time for debate."

Muli ko itong hinawakan, pero muli na naman siyang nagmatigas kaya naman suminghap na ako dahil nagsisimula ng maubos ang pasensya ko.

"What the hell is your problem?!" asik ko sa kaniya, dahilan upang manlaki ang kaniyang mata kaya naman natigilan ako.

Shit. Shit. Shit.

"Erin, I'm so—"

Agaran itong tumayo at tumingala upang magkapantay kami ng mukha. Sininghalan lang ako nito at naglakad na paalis. Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi, at napatingin kay Sammy na nasa sahig matapos mahulog sa biglaang pagkakatayo ni Erin. Binuhat ko ito at hinaplos ang kaniyang balahibo.

"Tinotopak ata ang amo mo," pagkakausap ko rito at inamoy ang balahibo nito.

Natigilan ako nang maalala ang mga mata ni Erin na nakatingin sa akin kanina. Malungkot siya. Sobrang lungkot niya. At hindi ko iyon gusto. Inilapag ko sa ibabaw ng kama ko si Sammy at tinapik ito.

WarlockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon