CHAPTER 2: Pangit na Kapitbahay

235 33 30
                                    

WARLOCK'S POV

Natulog akong wala si Tielo, ngayon naman ay nagising ako na wala pa rin siya, ngunit may nakadikit na papel sa noo ko kaya tinanggal ko iyon at pinagmasdan ang nakasulat rito. Kumunot ang noo ko at nilukot iyon. Bwisit. Hindi ko alam kung inaasar ba ako ng lalaking 'yun o sadyang hindi niya lang alam na hindi ako marunong magbasa? Tss, siguro 'yung unang rason ang tama, kasi mula pagkabata ay magkasama na kami ni Tielo kaya imposibleng 'di niya alam na kung gaano ako kagaling pumatay... kabaligtaran naman sa pagbabasa at pagsusulat.

Bumangon na ako at nagsimulang maligo pagkatapos ay muli na namang tinignan ang papel. Nakarinig ako nang pagkatok mula sa pintuan kaya naman tinungo ko iyon at binuksan ang pinto.

"HOY—"

Agaran ko itong sinaraduan nang makitang siya 'yung babaeng kapitbahay namin. Muli itong kumatok na halos kalampagin na ang pinto kaya naman muli ko siyang pinagbuksan. "Ano ba? Ang aga-aga pero nambubulabog ka," reklamo ko sa kaniya na ikinasama ng tingin nito sa akin at itinaas ang hawak niyang paper bag.

"May dala akong agahan para sa'yo, pero nambubulabog pala ha."

Akmang aalis na ito pero mabilis kong hinawakan ang kamay nito. Napatingin naman siya roon at mukhang natigilan siya. Hinila ko nalang ito papasok ng bahay at dinala siya sa sala.

"Mabuti na lang talaga at nagdala ka," hayag ko at inagaw na iyon sa kaniya sabay ikinalat sa mesa ang mga tupperware. Binuksan ko na iyon at inamoy, halatang masarap at mainit-init pa. Kumuha ako ng kutsara at sinimulang kainin ang waffle na gawa niya.

"Ano nga palang nangyari kagabi? Ang naalala ko ay may nakita akong nakaitim na lalaki at tinakpan niya ng panyo ang mukha ko, hanggang sa mawalan ako ng malay at wala na akong naaalala."

"Ah 'yun ba? Wala naman. Nadulas ka lang at nauntog ang ulo mo kaya wala kang maalala," pagsisinungaling ko pero halatang hindi siya kumbinsido.

"Pero nakita ko talagang may lalaki roon!" pagmamatigas niya. Ibinaba ko ang kinakain ko at tinignan siya ng diretso sa mata. Sa unang tingin ay kulay itim ang mata niya, pero kung titignan mo ng mabuti ay nagkukulay brown iyon. Mukha siyang advance na lahi ng gorilla.

"Nauntog nga ang ulo mo, nakita ko 'yun kaya alam ko ang nangyari. Nahilo ka kaya malamang ay guni-guni mo lang iyon," pagdidiinan ko naman na sininghapan ng dalaga.

Pinulot nito ang papel na nasa tabi ko at binuklat iyon. 'Yun 'yong sulat na iniwan ni Tielo sa akin. Pinagmasdan ko siya habang gumagalaw ang mata nito na mukhang binabasa ang nakasulat doon. Ibig sabihin ay marunong siyang bumasa?

"Naiintindihan mo ba ang nakalagay diyan?" tanong ko kaya napatingin ito sa akin at tumango.

"Tagalog ang pagkakasulat kaya malamang alam ko," sarkastiko nitong sagot at inirapan pa ako.

"Anong sabi?" sunod kong tanong na ikinakunot ng noo niya, mukhang napukaw ko ang atensyon niya.

"Imposibleng hindi mo maintindihan 'to dahil tagalog naman ang gamit mong lenggwahe."

"Hindi ako marunong magbasa," agaran kong pag-aamin na siyang ikinatigil nito.

Nakatingin lang siya sa akin at mukhang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Sa hitsura niya ay para siyang gorilla na nakatagpo ng guwapong tao na 'di marunong maging guwapo. Syempre siya 'yung gorilla at ako 'yung guwapo. Bumuntong-hininga ako at kinuha ang papel sabay ibinulsa. Kung ayaw niya edi 'wag. Hindi niya ako kailangang tignan sa ganuong paraan, tumataba atay ko.

"A-ang sabi ay may iniwan daw siyang pera sa ibabaw ng refrigerator na gagamitin mong pang gastos. Aalis lang daw siya dahil kailangan niyang kumuha ng entrance exam para sa eskwelahang papasukan niya," lintana ng babae at tumikhim. "Pero seryoso? Hindi ka marunong bumasa?"

WarlockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon