CHAPTER 15: Warlock the babaero

105 20 2
                                    

WARLOCK'S POV

"Bitiwan mo nga ang kamay ko, pasmado kaya 'yang kamay mo," reklamo ko kay Erin, dahil nakahawak ito sa kamay ko habang tinitignan ang resulta ng examination namin sa laptop niya.

"Ayun na! Batch 4," bulalas nito at humigpit ang pagkakahawak sa kamay ko. Natahimik ang paligid at maging ako ay nakitingin narin roon.

"Oh! Woah!"

Animo'y nanalo kami sa lotto nang makita ang magkasunod naming pangalan roon. Nagyakapan kaming dalawa at nagtatalon sa sobrang saya. Kapwa naman kami huminto at tinignan ang isa't isa. Hinalikan ko ito sa labi na ikinanlaki ng mata niya at pinalo ang likod ko.

"Siraulo ka, pinapaalala ko lang sa'yo na may girlfriend ka," aniya pero nginitian ko ito at muli siyang hinalikan. "Warlock!"

Hinapit ko pa siya palapit sa akin at yumuko. Ngayon naman ay matagal ko siyang hinalikan, hindi katulad kanina na padampi-dampi lang. Imbes na itulak ako ay gumanti naman ito hanggang sa humiwalay na ang labi namin.

"Bibili tayo ng gamit, tama?" hayag ko na tinanguan nito. "Mas mabuti kung sa kabilang bayan nalang tayo bumili dahil wala namang mabibili rito, isa pa, para makahanap na rin tayo ng malilipatan."

"Hindi na kailangan, may bahay naman ako roon," sagot nito na ikinatango ko at natigilan.

"Teka, magsasama tayo sa iisang bahay? Hindi ba't pagtatanan na ang tawag roon?"

Napangiwi ako ng bigla ako nitong binatukan. "Isasama natin roon si Tielo kaya wag kang ano," saad naman nito kaya ngumuso ako.

"Kapag meron si Tielo ay hindi na kita libreng mahahalikan dahil baka isumbong niya ako kay Sieena, at parehas niya tayong pasabugan." Suminghap ako at napakamot sa aking batok.

"Mas mabuti pang itigil na natin ito."

Napatingin ako sa kaniya at ibinaba ang aking kamay. "Sa tono ng pananalita mo ay mukha tayong may relasyon at gusto mo ng makipag-break," pambibiro ko na ikinaseryoso ng kaniyang mukha. "Oh, sorry."

Umuwang ang bibig nito ngunit bago pa man siya bumitaw ng mga kataga ay may kumatok sa pinto.

"Sino yan?!" pasigaw kong tanong.

"Si Sieena ito."

Nanlaki ang mata ko at agarang naglakad palapit sa pinto upang pagbuksan ito. Sinalubong ko siya ng ngiti kahit na ayoko siyang makita, natrauma ako dahil sa pagbabanta niya sa akin noong dinala niya ako sa bahay nila.

"Uy, anong problema?"

"Problema mo mukha mo. Hindi ka kaya nagpakita sa akin ng halos isang linggo tapos tatanungin mo ako kung anong problema?" pagtataray nito at inirapan pa ako sabay napatingin sa loob. "Teka, bakit nandito si Erin?"

Natigilan ako at napatingin kay Erin.

Shit! Anong isasagot ko? Kapag nagsinungaling ako ay babarilin niya ang ulo ko kung malalaman niya ang totoo, kapag naman nagsabi ako ng totoo ay babarilin niya parin ako. Lintik! Bakit sa dalawang pamimilian ay isa lang ang pinupunto...lagot at patay ako.

"Nevermind." Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi nito pero hinila niya ako palabas ng bahay.

"Teka, saan mo ako dadalhin? Bibili pa kami ni Erin ng gagamitin namin sa school dahil nakapasa kaming dalawa," wika ko kaya huminto ito at hinarap ako.

"Hoy lalaki, ako ba talaga ang girlfriend mo o siya?"

Ngumiwi ako at napakamot sa aking batok.

"Hayst, hinayaan kitang hindi magparamdam ng isang linggo at ngayon lang kita kukunin mula sa kaniya kaya 'wag ka ng umangal," iritable nitong turan.

WarlockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon