CHAPTER 3: Maingay na Gabi

179 29 19
                                    

WARLOCK'S POV

"Mabuti naman at umuwi ka na."

Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Tielo at naupo sa aking tabi. Halatang pagod siya at pinagpapawisan pa. Nahiga ito sa sofa na kinauupuan ko at ginawang unan ang aking hita, ayos din ang lalaking 'to. Matapos niya akong layasan mag-isa para sa pansarili niyang kagustuhan ay gagawin niya akong pahingahan.

"Nakapapagod. Nilibot ko 'yung eskwelahan na papasukan ko at sobrang lawak nu'n. Tapos 'yung entrance exam, grabe ang hirap," pagkukwento ni Tielo at tumingala upang tignan ako. "E ikaw? Kumusta naman ang araw mo?"

Ngumuso ako upang ipahalatang nabubwisit ako sa kaniya... ngunit kalauna'y napangiti. "Ayos naman, may kapitbahay tayong masarap magluto kaya ayos na ayos. Siya ang naghanda ng agahan ko, nagnakaw ako ng pananghalian sa kusina niya, ngayon ay naghihintay ako na maluto niya ang pagkain para makikain ako sa bahay niya," tugon ko na ikinakunot ng noo ni Tielo.

"May kapitbahay tayo?" taka niyang tanong na tinanguan ko.

"Maligo ka na, amoy usok ka. Kadiri."

Suminghap ito at umalis na sa kaniyang pwesto sabay nagtungo sa banyo. Naligo na siya habang ako naman ay ipinagpatuloy ang panonood.

"By the way, Lock, did you get my note?" pasigaw nitong tanong habang nasa loob siya ng banyo at abala pa sa paliligo.

"Of course I got it. You taped it to my forehead while I was sleeping, so yeah," sagot ko naman sa kaniya habang nakatutok ang mga mata ko sa telebisyon.

Huminto sa paglagaslas ang tubig mula sa banyo, at ilang saglit lang ay lumabas na si Tielo na may nakapulupot na tuwalya sa pang-ibabang bahagi ng kaniyang katawan. "Pasensya na, nakalimutan kong hindi ka marunong magbasa. Pero nakuha mo ba 'yung pera?" anito at naupo sa tabi ko.

"Yup. Binasa ng kapitbahay natin 'yung sulat kaya nakuha ko." Tumango naman si Tielo nang marinig ang tugon ko at ginulo ang kaniyang buhok dahilan upang tumalsik sa akin ang tubig na nagmumula roon. "Hoy! Ano ba? Nababasa ako!" reklamo ko na tinawanan niya.

Imbes na tumigil ay lumapit pa ito sa akin at ipinagpatuloy ang pagbabasa niya sa akin kaya panay ang pagrereklamo ko.

"Oh shit."

Kapwa kami natigilan ni Tielo at napatingin sa nagsalita. Nakita namin mula sa pintuan ang babaeng kapitbahay namin na buhat-buhat ang alaga nitong pusa, si Sammy.

"Uy, ikaw pala. Luto na ba?" untag ko at itinulak si Tielo na nakapaibabaw na sa akin sabay umayos nang pagkakaupo.

"Uhm. Oo?" hindi sigurado nitong sagot at tumikhim. "I mean oo. Alam ko na wala kang kakainin ngayon kaya dinamihan ko ang luto ko," turan nito at napatingin kay Tielo.

"Magpalit ka na at doon na tayo sa bahay niya kakain," utos ko kay Tielo na tinanguan niya at naglakad na patungo sa kwarto namin.

Agaran namang lumapit sa akin ang babae at naupo sa tabi ko. "Sabihin mo nga, bakla ka ba?"

Napakurap-kurap ako sa sinabi nito at kalauna'y natawa ng malakas.

"Ano bang bakla ang sinasabi mo?" saad ko na ikinapaningkit ng mata nito. "Kaibigan ko siya simula pagkabata kaya ganu'n kami kaclose," paliwanag ko dahil baka iniisip nitong kasintahan ko si Tielo. Like, duh! Hindi kami talo.

Tumango-tango naman ang babaeng gorilla at mukhang kumbinsido na sa sinabi ko. Ilang saglit lang ay lumabas na si Tielo na nakapalit na ng damit, kaya nagtungo na kami sa kabilang bahay at doon kumain ng hapunan.

"Nga pala, anong pangalan mo?" pagbubukas ng usapan ni Tielo kaya napatingin din ako sa babae, maging ako ay hindi ko alam ang pangalan niya.

"Erin," pagpapakilala nito na tinanguan naman ni Tielo.

WarlockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon