CHAPTER 35: That voice in his mind

83 13 0
                                    

WARLOCK'S POV

Sobrang dilim ng paligid, nanunuot sa aking ilong ang masangsang na amoy ng dugo, rinig ko ang mga langaw na nagsisiliparan sa paligid, mga daga at ipis na animo'y nagpipiyesta, at mga tambak na bangkay na nagkapatong-patong. Ang iba ay buto nalang ang natira, ang iba ay inuuod na, at ang iba ay duguan at mainit-init pa.

"Sa dinami-rami ng pwede mong pagtaguan ay bakit dito pa ang lugar na napili mo?" tanong sa akin ng lalaking tagahakot ng mga bangkay, at siya ring namamahala sa lugar na ito.

"Ayokong makakita ng mga buhay na tao dahil baka mapatay ko sila," malamig kong sagot at nahiga sa kulay itim na lupa.

"Wow, hindi ba ako mukhang buhay na tao?"

"Amoy bangkay ka kaya sa paningin ko ay wala kang pinagkaiba sa mga katawan na narito."

"Aba't...hayst, maka-alis na nga," tangi niyang saad at naglakad na paalis kaya naman naiwan akong mag-isa, mag-isa na ulit ako.

Pinagmasdan ko ang madilim na kalangitan at ipinikit ang aking mata. Ito ang tunay na impyerno, impyerno na tirahan ko.

"Sinasabi ko na nga ba't dito ka pupunta."

Iminulat ko ang aking mata at napaupo. Nakita ko si Tielo na naglalakad palapit sa akin, kaya naman pinulot ko ang baril na nasa aking tabi sabay itinutok iyon sa kaniya, dahilan upang mapahinto siya.

"Warlock, ako lang ito, si Tielo."

"Alam ko," tugon ko at ikinasa iyon. "Kaya umalis ka na habang itinuturing pa kitang kaibigan."

"Ano?" tangi nitong bulalas at kumurap-kurap. "Pati ba ako ay lalayuan mo? Masama rin ba ang loob mo sa akin?" taka nitong tanong.

Patayin mo siya.

Pumikit ako at napatakip sa aking tainga matapos marinig ang boses na iyon. Paulit iyong umaalingawngaw sa isipan ko, hanggang sa maramdaman kong may kamay sa balikat ko, kaya naman muli kong itinutok sa kaniya ang hawak kong baril.

Patayin mo siya. Ngayon na, Warlock. Patayin mo na siya.

"Anong nangyayari? Sabihin mo sa akin kung anong nangyayari!!"

"Tielo!"

Agad na hinila palayo sa akin ng lalaking tagahakot ng bangkay si Tielo, at pinagtutulak niya ito paalis. "Umalis ka na. Paniguradong nakakarinig na naman siya ng boses na nanunulsol sa kaniyang pumatay, at baka makalimutan niya pang kaibigan ka niya kaya umalis ka na," lintana nito.

"Sandali lang!" Pagpupumiglas naman ni Tielo. "Warlock! You know I'm always here for you, right? Warlock! Makinig ka sa akin! Hindi mo pwedeng sarilihin 'yan!" sunod-sunod nitong sigaw.

Hindi, Warlock. Ayaw ka niyang maging kaibigan. Iniwan ka niya, hindi ba? Napakarami mong sakripisyo para sa kaniya pero ilang beses ka niyang sinasaktan.

"Ano ba?! Umalis ka na sabi!" bulyaw sa kaniya ng lalaki at pinagtutulak ulit ito.

"Locky."

Natigilan ako at bumalik sa reyalidad ang pag-iisip. Nawala na ang boses na umaalingawngaw sa isipan ko at kalmado na akong napatingin kay Tielo.

"Ng dahil sa'yo ay bumalik na ang kaguluhan sa bayan natin. Tinulungan mo si Wyatt na bumalik sa pwesto niya at ngayon ay nagmumukmok ka rito. SAKIT KA TALAGA SA ULO!" asik nito sa akin at may ibinatong cellphone, na tumama sa mismong ulo ko. "Tawagan mo ang nag-iisang number diyan kung gusto mong bumalik."

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay naglakad na siya paalis.

"Aish, napakatigas ng ulo niya," bulalas ng lalaki at hinarap ako. Naglakad siya palapit sa akin, at akmang kukunin na ang cellphone sa lupa pero naunahan ko siya.

WarlockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon