CHAPTER 19: Lipat Bahay

90 18 0
                                    

WARLOCK'S POV

"Dito ka nakatira?"

Pinagmasdan ko ang paligid, para lang naman itong sa bahay, mas malawak lang ng kaunti at mas marami lang ang kwarto.

"Hindi ba't puro lalaki ang kasama mo rito? Wala ka bang nakita na pwede mong ipalit sa akin?" nakangiwi kong hayag na sininghapan ni Tielo at tinakpan ang aking bibig.

"Pwede bang manahimik ka?" inis nitong sita sa akin, at agad na binitawan ang bibig ko ng may lumabas na isang lalaki sa isang kwarto.

"Oh Tielo, nakabalik ka na pala. Kamusta na?" anito at nilapitan kami.

"Ayos na ako," sagot naman ng kaibigan ko, na ikinatango ng lalaki at napatingin sa akin.

"Teka, ikaw na ba 'yung bago naming dorm mate?" baling nito sa akin kaya naman tumango ako. "Guys! Nandito na ang panghuling bubuo sa munti nating dorm!" malakas nitong sigaw, at nagsilabasan ang apat pang lalaki mula sa magkakaibang kwarto. Hinarap kami ng mga ito, at lahat sila ay hindi maayos ang hitsura. Ang ibig kong sabihin ay magulo ang suot, pare-pareho naman silang may hitsura, ako lang ang guwapo.

"Magandang umaga, ako si Warlock," pagpapakilala ko at sila naman ang sunod na nagpakilala.

"Nga pala, magkaano-ano kayo ni Tielo?" tanong ng isa na nagngangalang Carl.

"Magkababata kami. Pareho kaming lumaki sa bahay ampunan." Tumango-tango naman ang mga ito sa isinagot ko. Napakarami pa nilang itinanong sa akin, mas marami pa kaysa sa mga tanong na sinagutan ko sa entrance exam namin.

Kapwa kami natigilan ng may mag-doorbell at nagpresinta naman si Bryan na buksan iyon. Ilang saglit lang ay pumasok ito kasama si Sieena at ang mga gwardiya nito.

"Anong ginagawa mo dito?" untag ko sa kaniya, at nakita ang inilapag na mga pagkain ng gwardiya nito sa ibabaw ng mesa.

"Nalaman kong lumipat ka na rito kaya naman bumili ako ng makakain niyong lahat. Pwede kayong magkwentuhan habang kumakain," sagot naman nito at naghiyawan naman ang mga kasamahan ko sa tuwa. "At pwede ba tayong mag-usap?"

Tumango ako at hinila siya sa kusina habang nasa salas naman lahat ng kasamahan ko, at tuwang-tuwa na kumakain.

"Dito ka na maninirahan? Hindi ka na ba uuwi sa bahay niyo?" Ngumiwi ako sa naging tanong nito.

"Nandito lang ako para sa pag-aaral ko at para may kasama si Tielo. Babalik rin kami roon," tugon ko naman na ikinatango nito at ngumuso.

"Ilang linggo ng walang ginagawa si Wyatt. Naghahanda man si Papa, pero hindi mawala sa isipan niyang mangamba na baka mas malaki pa ang ipapasabog nito kaysa sa inaasahan niya."

"Naghahanda siya? Hindi ba dapat ay hinahanap niya ang butas ng Wyatt na iyon, upang may maipakitang ebidensya na tuluyan na siyang makasuhan?" taka kong hayag na ipinagkibit-balikat ni Sieena at bumuntong-hininga.

"Mag-ingat nalang tayo, lalo ka na. Paniguradong kasama ka na sa taong pakay nila," anito kaya naman napatingin ako sa kaniya.

Ngumiti ako at hinarap siya sabay hinawakan ang magkabila niyang pisngi. "Hindi mahalaga ang kaligtasan ko. Ang isipin mo ay ang sa'yo. Alam kong marami kang gwardiya pero hindi sila ang pinakamalalakas na tao sa mundo, kaya mag-ingat kang mabuti," salaysay ko na tinanguan niya at nginitian ako.

"Can you kiss me right now?"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya pero mula sa gilid ng aking mata ay napansin kong nakatayo sa isang tabi si Tielo. Siguro ay tama lang ito para malaman niyang hindi kami pwede. Lumapit pa ako kay Sieena at yumuko sabay hinalikan ang labi nito. Agad na pumasok sa isipan ko si Erin at ang mga halik na pinagsaluhan namin kaya naman agad akong lumayo sa pagkakahalik kay Sieena.

WarlockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon