CHAPTER 13: His Girlfriend

109 20 0
                                    

WARLOCK'S POV

"WARLOCK."

Aligaga si Tielo at Erin ng pumasok sa kwarto ko. Agaran nila akong nilapitan at tinignan.

"Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Tielo na tinanguan ko at nginitian ito.

"Kailan pa ba ako naging hindi maayos?" patanong kong sagot at napatingin kay Erin. Agad na nawala ang ngiti ko sa labi nang makitang punong-puno ng pag-aalala ang kaniyang mukha. "Ayos lang talaga ako."

Suminghap ito at niyakap ako ng sobrang higpit. "May saltik ka talaga, pinag-alala mo kami, alam mo ba 'yun?!" sermon pa nito sa akin.

Maingat kong hinaplos ang buhok niya gamit ang kanan kong kamay, habang ang kaliwa ko namang kamay ay nakayakap sa katawan nito. "Pumatay ako, pero sa labas iyon ng eskwelahan. Hindi ako lumabag sa pangako ko, hindi ba?" anas ko na tinanguan nito at lumayo na sa akin. "Hoy Tielo, may pasok ka pa hindi ba?"

"Sa tingin mo ba ay mas mahalaga sa akin ang pag-aaral kaysa sa'yo?!" pasigaw nitong sagot sa akin na ikinaatras ko.

"Calm down. You're scaring me."

Suminghap ito at sinuklay paitaas ang kaniyang buhok. Marahas siyang bumuga ng hangin at kumalma na ang kaniyang mukha.

"Kinabahan talaga ako. Sa sobrang kaba ay naiihi na ako. Maiwan ko muna kayo," anito at naglakad na paalis kaya naman naiwan kami ni Erin sa kwarto.

"Nag-alala ka."

Napatingin ako kay Erin nang magsalita ito. "Sobra kang nag-alala kay Sieena. Alam ko 'yun. Nakita ko sa mga mata mo," wika pa nito at suminghap.

"Tama ka," sagot ko naman at yumuko. "Masyado akong nag-alala at mukha akong tanga sa sobrang pagkataranta. Hindi cool ang kilos ko kaya mukha akong lampang superhero," lintana ko at kunwaring pinunasan ang gilid ng aking mata, upang sabayan ang kaniyang kalokohan. Napatingin ako sa kaniya pero seryosong-seryoso siyang nakatingin sa akin. Tumawa ako hanggang sa mabasag iyon at natawa narin siya.

Iniangat ko ang aking kamay at inayos ang bangs nito. "'Wag kang masyadong mag-alala sa akin dahil kaya ko ang sarili ko. Ang isipin mo ay ang sarili mo. Pwede bang mag-ingat ka palagi at umiwas sa gulo, gaya ng nangyari kanina? Alam mo kasi, hindi ko alam ang gagawin ko kung ikaw ang nasa posisyon ni Sieena kanina." Tumigil ako sa pagsasalita at napatingin sa mukha nito.

Nanlalaki ang mata nito habang nakatingin sa akin at namumula ang kaniyang mukha.

"Teka, nahihiya ka ba sa mga sinabi ko o sadyang kinikilig ka lang?"

Kumunot ang noo nito at kumurap-kurap sabay nag-iwas ng tingin. "A-ano? Sino namang kikiligin sa siraulong gaya mo," depensa nito.

Nginisian ko siya at tinusok ang kaniyang tagiliran pero hindi man lang ito nakiliti, kaya naman bumuntong-hininga ako. "Aish, oo na," iritable kong saad, at iginalaw ang nga braso ko pero agaran akong napangiwi ng sumakit ang balikat ko kung saan naroon ang sugat ko.

"Ayos ka lang?" tanong nito na tinanguan ko at napahawak roon. "Hindi ka mukhang ayos. Sandali, tatawag ako ng nurse."

Bago pa man ito umalis ay nahawakan ko na ang kamay niya kaya naman napatingin ito sa akin.

"Stay."

"Pero-"

Bumukas ang pinto at tumambad si Sieena kaya naman binitawan ko na ang kamay ni Erin.

Naglakad ito palapit sa direksyon ko at napatingin kay Erin. "Pwede bang iwan mo muna kami?" sambit nito. Nakayuko namang tumango si Erin at naglakad na paalis. Nang sumarado ang pinto ay agad na naupo sa tabi ko si Sieena. "Salamat nga pala sa pagliligtas sa akin kanina," anito at tanging pagtango lang ang naisagot ko.

WarlockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon