WARLOCK'S POV
Abala ako sa pagkain ng masasarap na pagkaing binili ni Erin rito sa cafeteria ng eskwelahan. Katatapos lang ng exam namin at saktong break time ni Tielo, kaya naman nagsabay-sabay na kaming tatlo na kumain.
"Aish, kampanteng-kampante ka ah," hayag ni Tielo at iniabot sa akin ang burger niya kaya naman kinuha ko iyon, at agad na kinagatan.
"Magaling ang teacher ko e," sagot ko naman kaya kapwa kami napatingin kay Erin na namumutla. "O hindi?" dagdag ko at mariing napalunok.
"Anong problema?" Baling ni Tielo rito, kaya naman nag-angat ng mukha si Erin at bumuntong-hininga.
"Napakahirap ng mga tanong at wala roon ni isa ang naituro ko kay Warlock kaya kabado ako," tensyonado nitong sagot.
"Ano naman ngayon? Ang mahalaga ay nasagutan ko ang lahat maging ang mga essay, at ako rin ang naunang nakatapos," pagyayabang ko.
"Lagot na talaga," turan naman ni Tielo.
Hindi ko nalang sila pinansin at ipinagpatuloy ang pagkain ko. Parang siguradong-sigurado silang babagsak ako. Well, sigurado naman akong babagsak nga ako. Hindi ko mapagkakatiwalaan ang sarili ko sa ganitong bagay.
Ilang saglit lang ay may lumapit na babae sa mesa namin kaya napatingin kami rito.
"Kuya, ikaw po 'yung lalaki na namilipit sa kamay ng isang estudyante kanina, hindi ba? Pinapatawag ka po sa Principal's Office," anito kaya naman napatingin sa akin si Tielo at Erin.
Ibinaba ko ang hawak kong burger at inubos ang juice ko sabay tumayo.
"Warlock," bulalas ni Erin kaya naman napatingin ako sa kaniya at nginitian siya.
"Nangako ako at hindi kita bibiguin," hayag ko pero halatang kabado parin siya. Ano bang dapat na ipag-alala? Namamalo ba ng pwet ang Principal dito?
Nagsimulang naglakad ang babae kaya naman sinundan ko ito. Nakapamulsa lang ako at papito-pito pa habang naglalakad. Kampante ako. Para namang takot akong mapalo ng pwet. Mula sa ilang minutong paglalakad ay huminto ito at binuksan ang pinto. Nakita ko ang nakasulat sa itaas pero dumiretso na ako sa loob.
"Ma'am nandito na po siya," pamamalita ng babae at naglakad na palabas, sabay isinarado ang pinto.
Naupo ako sa isang silya at pinagmasdan ang paligid, hanggang sa tumuon ang atensyon ko sa babaeng nakaupo sa swivel chair at nakatalikod sa akin.
"Pinatawag mo ako pero hindi mo ako haharapin?" Pambabasag ko sa katahimikang bumabalot sa apat na sulok ng silid.
Rinig ko ang paghinga niya ng malalim at pumihit paharap sa akin. Agaran kong pinigilan ang pagtawa ko at napatingin sa ibang direksyon.
"Sige, tumalikod ka nalang."
Mula sa gilid ng aking mata ay nakita kong inirapan ako nito, at ipinatong sa ibabaw ng desk niya ang kaniyang magkasiklop na kamay, sabay tinaasan ako ng kilay.
"Agad na nakarating sa akin ang balitang pambabali mo sa kamay ng isa sa mga estudyanteng transferee namin rito. Sabihin mo, anong karapatan ko para manakit ng kapwa mo estudyante," seryoso nitong sambit.
Sumandal ako sa aking kinauupuan, at ipinatong sa kaharap kong upuan ang magkabila kong paa. "Wala akong alam tungkol sa mga karapatan at patakaran niyo rito kaya ipagpaumanhin mo sana ang nagawa ko," magalang kong sagot at nginitian ito.
Natawa naman ito at nagsimulang magsulat.
"Tama, galing ka nga pala sa bayan na puno ng kaguluhan, ang bayan ng Lockwood."
BINABASA MO ANG
Warlock
Action"It doesn't matter how you survive the war; the only matter here is how you choose the right time to die." Lockwood City, isang lungsod kung saan binubuo ng mga malulupit na mamamayan. Nagdi-deklara ng digmaan ang mga taong may matataas na ranggo pa...