WARLOCK'S POV
"Sigurado ka bang ayos ka na?"
Umiling ako at yumakap sa katawan ni Erin, sabay ipinatong ang aking noo sa balikat niya. "Mamamatay na ako. Kulang ang pagkatao ko kung wala siya, at kumikirot ang puso ko dahil sa mga nabitawan kong salita. Masama na nga akong tao pero isa pa akong masamang kaibigan. Wala na akong pag-asa," pagdadrama ko. Yumakap naman ito pabalik sa akin at tinapik-tapik ang aking likod.
"Hindi ka masamang kaibigan. May nagawa ka lang na pagkakamali at pwede niyo pa 'yang ayusin," pag-aalo nito na ikinahinto ko at lumayo sa kaniya.
"Hindi mo ba ako tatanungin kung ano ang mga pinagkakaabalahan ko nitong mga nakaraang araw? Hindi ka ba nagtataka katulad niya?" tanong ko sa kaniya na nginitian nito.
"Kapag nagtanong ako ay wala akong matatanggap na sagot sa'yo. Isa pa, kilala kita. Lagi kang may komento, mabuti man o masama. Pero naiintindihan ko na may mga bagay na dapat mong sarilihin. Ang problema lang ay kinakabahan ako dahil baka kapahamakan 'yang gagawin mo. Alam mo naman na ayaw kong nasa panganib ka 'diba?"
Pinagmasdan ko lang siya at tipid na nginitian. Hinalikan ko ang labi nito at niyakap siya.
"Kahit na anong mangyari ay hindi kita ipapahamak, pati si Sieena, lalo na si Tielo," tangi kong sagot na ikinabuntong-hininga ni Erin.
Tinawag na kami ng mag-asawang si Manong Bulldog at ang Principal, kaya naman lumabas na kami ni Erin kasama si Sammy, at sumakay sa kotse ng Principal.
"Oh, punasan mo nga 'yang nguso mo. Halatang hinalikan mo ang labi ni Erin," saad ng Principal at inabutan ako ng panyo, kaya naman kinuha ko iyon at napatingin sa repleksyon ko sa rear mirror.
Agaran akong ngumiwi nang makita ang pulang lipstick sa aking labi, habang natawa naman si Erin. Pinunasan ko na ang aking labi, ngunit natigilan ako nang makita ang sugat sa gilid ng aking labi na natamo ko sa suntok ni Tielo.
"Aish, magdadrama na naman ang gago. Kung bakit mo ba naman kasi sinuntok ang lokong iyon," hayag ni Manong Bulldog na nasa drive's seat.
"Pwede bang paandarin mo na at ng makarating na tayo?" sita sa kaniya ng Principal kaya naman pinaandar na nito ang kotse.
Tahimik lang kaming apat sa loob hanggang sa matanaw ko na ang makulay na bahay ng Mayor kaya naman umayos ako ng pagkakaupo. Isinantabi ko muna ang pansarili kong problema at itinutok ang atensyon sa napagkasunduang plano.
Pagkarating namin sa bahay ng Mayor, ay nauna akong bumaba at inalalayan si Erin na bitbit si Sammy, habang si Manong Bulldog naman ay inalalayan ang Principal.
Ipinakita muna namin ang invitation card at kinapkapan pa kami ng mga gwardiya.
"Ma'am, hindi po pwede ang pusa niyo sa loob," sita ng isang gwardiya kaya naman napatingin ako kay Sammy.
Nilapitan ko ito at nginitian siya.
"Naaalala mo ako, tama?" wika ko at malawak siyang nginitian kaya naman tumango ito. "Iyan kasi ang regalo ko kay Sieena. Dapat ko ba talaga siyang iwan dito?"
"Ah ganu'n po ba? Sige po, makakapasok na po kayo," magalang nitong turan kaya naman naglakad na kami papasok.
"Kilala mo siya?" takang tanong ni Erin na inilingan ko.
"Hindi, pero paniguradong kilala niya ako. Nakapunta na kasi ako rito. Pinakilala ako ni Sieena sa lahat bilang boyfriend niya kaya ayun, kilala nila ako at ginagalang," tugon ko, kaya naman tumaas ang kilay nito. "Ano ba, matagal na 'yun."
Nagtungo na kami sa mesa kung saan nakalagay ang pangalan namin at agad na nagserve ng wine ang waiter. Habang naglalapag ito ng wine sa mesa namin ay tinanguan niya ako sabay kunyaring natapunan ako ng wine.
BINABASA MO ANG
Warlock
Ação"It doesn't matter how you survive the war; the only matter here is how you choose the right time to die." Lockwood City, isang lungsod kung saan binubuo ng mga malulupit na mamamayan. Nagdi-deklara ng digmaan ang mga taong may matataas na ranggo pa...