CHAPTER 1: Kapitbahay

371 39 28
                                    

WARLOCK'S POV

Iminulat ko ang aking mata at agarang napabangon sa kinahihigaan ko. Nasapo ko ang aking ulo at sinuklay paitaas ang aking buhok. Tagaktak ang aking pawis at animo'y nakipagkarerahan ako sa mga kabayo dahil sa paghahabol ko ng aking hininga.

"Are you okay?" bungad na untag ni Tielo matapos makita ang sitwasyon ko.

"Naulit na naman ang panaginip ko," sagot ko at bumuntong-hininga sabay ibinagsak ulit ang aking katawan sa ibabaw ng aking kama.

"Really?"

"Are you crazy? Of course I didn't!" hayag ko at natawa ng mahina.

"Tsk. Bumangon ka na diyan at mag-aalmusal na tayo. Dadalo pa tayo mamaya sa welcome ceremony na para sa mga bisita natin."

Hindi na lang ako umangal at bumangon na. Nilinisan ko muna ang sarili ko bago lumabas ng kwarto. Nagsalo kami ni Tielo sa inihanda nitong agahan— gaya ng nakasanayan.

"Lock, hindi na ako sasabay sa'yong umuwi mamaya dahil may pupuntahan pa ako," anito na ikinataas ng kilay ko. "Nakapagdesisyon na ako, mag-aaral na ako diyan sa kabilang bayan."

Natigil ako sa pagnguya at napatingin sa pagkain ko.

"Doon ka na rin maninirahan?" tanong ko na tinanguan nito kaya suminghap ako. "Kung ganu'n ay wala ng hahakot ng mga bangkay rito sa bahay? Wala nang maglilinis ng dugo, maging ang mga alikabok? Wala nang maghahanda ng agahan, tanghalian, hapunan, at maging ang meryenda ko? Mag-isa nalang ako rito?" pagdadrama ko upang makumbinsi siyang manatili.

"Aish, matanda ka na, kaya mo na ang mga bagay na 'yan," sagot ni Tielo na nginiwian ko.

Hindi naman iyon ang inaasahan kong sagot niya! Dapat ay maawa siya sa akin dahil isa akong kawawang tamad na bata. Aish, napakasama niyang tao.

"Hayst! Oo na, bahala ka diyan," tangi kong saad at nagpatuloy na sa pag-ubos ng pagkain ko, gayundin siya.

Pagkatapos kumain ay hinugasan niya na ang pinagkainan namin habang ako naman ay nanonood sa telebisyon upang kumalap ng balita. Ilang saglit lang ay may dumapong damit sa ibabaw ko kaya naman napatingin ako roon at nakita ang isang kulay asul na suit. Napatingin ako sa likuran at nakita si Tielo na abala sa pagbubutones ng puting long sleeve polo niya.

"Magpalit ka na at aalis na tayo," anito.

"Seriously? Magsusuot ako ng suit para lang iwelcome ang mga taong hindi ko naman kilala? Hell no!" Nagmatigas ako ng nagmatigas habang si Tielo ay walang tigil sa pagpupumilit sa akin. Sapilitan niya pa ngang tinanggal ang damit ko na napunit na dahil sa kagaguhan naming dalawa.

Suminghap ako nang makita ang sarili ko sa salamin na nakasuot ng asul na suit at asul rin ang tie ko. Nakabrush up ang buhok ko at nakasuot ng makintab na sapatos.

"Ayan, ayos na." Pinagpagan nito ang likod ko at nginitian ako.

"Anong ayos? Mukha akong maniac na may-ari ng kumpanya," reklamo ko at akmang guguluhin na ang buhok ko pero pinigilan agad ako ni Tielo bago ko pa man 'yun mahawakan.

Hinila nito ang kamay ko hanggang sa makalabas kami ng bahay at sumakay ng kotse niya. Pinaharurot niya agad iyon hanggang sa makarating kami sa plaza kung saan naroon ang karamihan sa mga tao sa bayang ito. Kinaladkad ako ni Tielo kaya naman hindi na ako nakaangal. Huminto ito sa mismong harapan at binitawan na ang kamay ko. Nakangiwi lang ako habang pinagmamasdan ang lahat, hindi ko akalain na napakapormal ng damit ng lahat. Sa sobrang ganda at pormal ay hindi halatang may natatagong kadiliman sa lugar na ito.

Patago akong umalis sa tabi ni Tielo. Napansin niya ang pag-alis ko pero hindi niya na ako nahabol sa sobrang dami ng mga tao. Ginulo ko ang sobrang ayos kong buhok at niluwagan ang tie ko sabay binuksan ang dalawang butones ng long sleeve polo ko dahil hindi ako makahinga.

WarlockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon