WARLOCK'S POV
"Row, row, row your boat
Gently at the sea!" pagkakanta naming dalawa ni Manong Bulldog, habang magkaakbay kaming pareho na sumisipa sipa pa sa hangin at pareho ring lasing."If you see a crocodile,
Don't forget to scream, ahhhh!"Malakas kaming napasigaw sa pagkagulat nang makita ang Principal sa tapat ng pintuan ng bahay, at seryoso ang mukha na nakatingin sa amin.
"At sinong nagsabi sa inyo na pwede kayong mag-inom?" tanong nito at lumapit sa amin. Mariin nitong hinawakan ang tainga naming dalawa ni Manong Bulldog at hinila papasok sa loob ng bahay. Panay lang ang pag-aray naming dalawa ni Manong Bulldog habang sumusunod sa Principal, upang hindi mahiwalay ang aming tainga sa aming katawan.
Halos ihagis niya kami sa sofa ng bitawan nito ang tainga namin, kaya kapwa kami napahiga ni Manong Bulldog roon at napaungol sa sakit ng tainga namin.
"Warlock, alam mong may pasok ka bukas at kandidato ka pa pero nagawa mong maglasing?!" asik sa akin nito kaya naman yumuko ako.
"Sinulsulan lang ako nitong mukhang bulldog. Ang sabi niya ay makakagaan daw 'yun sa pakiramdam ko," pagsusumbong ko kaya napunta kay Manong Bulldog ang atensyon ng Principal.
"At ikaw naman..."
"Aray!" malakas nitong sigaw matapos siyang sipain nito sa hita.
Pinigilan ko ang sarili kong matawa dahil baka magaya ako sa kaniya, pero hindi ko kinaya. Malakas akong tumawa habang halos bugbugin na siya ng Principal.
"Bakit mo dinamay ang batang ito sa kalokohan mo ha?! Isa pa, may trabaho ka pa! Alam mong bawal sa isang katulad mo ang pumasok ng lasing dahil ikaw ang pumoprotekta sa mga estudyante! Jude naman!" bulyaw pa nito kaya lumuhod sa harapan niya si Manong Bulldog, at nagpuppy eyes sa harapan ng Principal.
"Sorry na. Nagkatuwaan lang naman kami," pagrarason niya pero inirapan lang siya ng principal. Sinulyapan naman ako nito at lumapit sa akin. "Pumunta ka na sa kwarto mo bago pa lumala ito," bulong nito kaya naman tumango na ako.
Ayoko namang lumaki pa ang gulo at madamay pa ako lalo na't may sarili silang pagtatalo kanina sa school.
"Good night po," magalang kong pamamaalam at naglakad na patungo sa hagdan. Humawak ako sa railing upang mapanatili ang balanse ng aking katawan, hanggang sa may makasalubong akong babae.
"Warlock," bulalas nito at inalalayan ako. "Aish, amoy alak ka." Iniakbay ko ang aking kamay sa kaniya at naglakad na kami, hanggang sa makarating ako sa kwarto ko. Agaran kong ibinagsak ang aking katawan sa ibabaw ng kama, at marahas na bumuga ng hangin mula sa aking bibig.
"Takpan mo nga 'yang bibig mo, ang baho," reklamo nito habang tinatanggal ang sapatos ko.
Binuksan ko naman ang ilang butones ng uniporme ko upang makahinga ako ng maayos at bumuga ulit ng hangin.
"Erin," usal ko na ikinatigil niya at napatingin sa akin. "Sabihin mo na lahat ng gusto mong sabihin sa akin, gusto ko ng matapos ang ilangan natin sa isa't isa."
Yumuko ito at bumuntong-hininga. "Ni minsan ba ay naisip mo na nasasaktan ako?" agaran nitong tanong sa akin kaya naman yumuko ako upang tignan siya.
"Hindi," agad ko ring tugon, kaya sinalubong nito ang mga mata ko. "Ang akala ko ay masaya ka. Ang akala ko ay kuntento ka na. Akala ko ay nahihigitan na ako ni Tielo sa'yo, pero patago palang naglalandian ang dalawa, ang sarap nilang ibalibag," paliwanag ko at ibinalik ang aking atensyon sa kisame.
"Marami pa akong gustong sabihin pero mas mabuti kung hindi ka lasing. Sige na, aalis na ako."
Agad akong bumangon mula sa aking pagkakahiga at hinawakan ang kamay nito upang pigilan siya. Huminga ako ng malalim at tinignan ito ng diretso sa mata.
"I know I've kissed you like...ten times, but just like another ten, please?"
Natigilan ito ng dahil sa sinabi ko at hindi nakagalaw sa kinatatayuan niya kaya naman hinila ko ito. Bumagsak ang kaniyang katawan sa akin pero agaran kong sinalo ang labi nito gamit ang aking labi. Ilang saglit lang ay lumayo na ako sa kaniya at muli itong tinignan.
"Lasing na ako at paniguradong hindi ko maaalala ito gaya ng pagkalimot mo sa nangyaring aminan natin," saad ko at ipinikit ang aking mata. "Pero bago ako makatulog ay gusto kong sabihin sa'yo na ginusto talaga kita, sobra."
Tahimik lang ito kaya naman iminulat ko ang aking mata.
"Sana lang ikaw talaga si Erin. Malaking kahihiyan ito kung ibang tao ang kaharap ko at dulot lang ito ng kalasingan ko," anas ko pa pero natahimik naman ako nang sunggaban niya ako ng halik.
Unti-unting pumikit ang aking mata at sabay na umuwang ang labi namin. Lumalim ang halikang iyon at ramdam ko na hindi siya napipilitan. Mariin itong kumapit sa kwelyo ko habang nagpapatuloy kami, hanggang sa humiwalay na ang labi namin sa isa't isa makalipas ang ilang minuto.
"I tried to move on, but nobody is you," rinig kong bulong nito at tinignan ako. "At naaalala ko ang mga nangyari sa gabing iyon. You're lips are so soft. I could kiss them all day," dagdag pa niya at tumaas ang gilid ng kaniyang labi.
Kung ganu'n...
Nasa tamang katinuan rin siya ng mga panahong iyon nang umamin siya, pero ang akala ko ay dulot lang ng alak kaya hindi ko na binanggit pa. Mas nangibabaw sa akin ang pagseselos kaysa sa pag-amin namin, napakatanga ko.
"Kung ganu'n, tulungan mo ako. Ngayon naman ay alisin mo ako mula sa pagkakadikit ko kay Sieena," sambit ko na ikinataas ng kilay nito at lumayo sa akin.
"Ano ka, sinuswerte? Gusto kita pero hindi ako humahabol ng lalaki. Isa pa, ikaw ang ilang beses na nanakit sa akin kaya magdusa ka. Ibalik mo ang pagkagusto mo sa akin at ligawan mo na rin ako upang bumalik ang tiwala ko sa'yo."
Ngumiwi ako sa mga pinagsasasabi nito at niyakap siya ng mahigpit.
"Ano pang silbi nu'n kung gagahasain na kita?" pambibiro ko na ikinanlaki ng mata niya at kumawala pero hindi ko siya binitawan. Isinama ko ang katawan nito sa pagbagsak sa kama at ipinulupot narin maging ang hita ko sa katawan niya.
"Warlock!" sita nito sa akin pero hindi ko siya pinansin, at hinalikan ito sabay isinubsob ang aking mukha sa kaniyang leeg.
"Wala akong gagawin sa'yo. Lasing man ako o hindi ay hindi ako gagawa ng kalaswaan, maliban nalang sa paghalik," sagot ko at huminga ng malalim. "Pwede bang manatili ka muna rito hanggang makatulog ako?"
"At bakit naman ako papayag?" singhal nito sa akin.
"Dahil namiss kita," bulong ko. "Namiss ko ang presensya mo, namiss ko ang paggawa ng kalokohan kasama ka, ang mga luto mo, ang pananakit mo, ang pabango mo, lalo na ang labi mo. Lahat sa'yo ay namiss ko. Salamat nga't nariyan si Sammy bilang substitute mo," lintana ko at narinig ko ang pagpipigil nito ng tawa.
"Sinasabi mo ba na hinahalikan mo si Sammy sa labi?"
"Syempre hindi!" agaran kong pagdepensa at bumuntong-hininga. "Sa tuwing niyakakap ko siya ay pakiramdam ko yakap-yakap na rin kita. Pero hindi ko iniisip na ikaw ang kasama ko maligo kapag nagsasabay kaming dalawa, hindi ako maniac."
"Talaga lang ha?"
Tanging pagtango lang ang naisagot ko at hindi na umimik.
"I wish we could stay like this forever," bulalas nito kaya naman iniangat ko ang aking mukha upang tignan siya.
"Ayoko," pambabara ko na ikinakunot ng noo nito. "Hindi pwedeng manatili tayong ganito dahil wala pa naman tayong relasyon. 'Saka mo na 'yan sabihin kapag nakuha na ulit kita, okay?"
Tumawa ito at iniangat ang kaniyang kamay sabay pinisil ang ilong ko. "Pero kailangan mo munang magdusa, sa tingin mo ba ay sasagutin agad kita dahil lang sa gusto kita? Ayokong matali sa'yo ng may nakatagong hinanakit kaya linisin mo iyon," turan nito kaya naman ngumisi ako.
"Pa'no ba? Ganito?" Dinilaan ko ang pisngi nito na ikinanginig niya.
"Ugh! Kadiri!" reklamo niya kaya naman ngumuso ako. "Aish, just kiss me instead."
Muling bumalik ang ngiti ko sa labi at muli itong hinalikan. Pagkatapos nu'n ay humiwalay na ako sa labi niya, at natulog na habang yakap-yakap siya.
BINABASA MO ANG
Warlock
Action"It doesn't matter how you survive the war; the only matter here is how you choose the right time to die." Lockwood City, isang lungsod kung saan binubuo ng mga malulupit na mamamayan. Nagdi-deklara ng digmaan ang mga taong may matataas na ranggo pa...