CHAPTER 28: Best friend's Revenge

69 16 0
                                    

WARLOCK'S POV

"So, 'yung kaibigan mong pinagbintangan mo na pumatay sa Papa mo ay nakalaya na at siya 'yung bumaril sa akin?" tanong ko kay Erin na tinanguan nito.

"Ako ang pakay niya pero humarang ka kaya naman ikaw ang nabaril," sagot nito at sinubuan ako ng cake, kaya naman tumango-tango ako habang nginunguya iyon. "Pero hindi pa siya nahuhuli."

"At bakit mo naman siya ipapahuli?"

Natigilan ito at napatingin sa akin.

"Pinakulong mo siya ng walang kasalanan. Inosente siya, kaya anong karapatan mong ipahuli siya?" saad ko pa sa kaniya na ikinakunot ng kaniyang noo.

"Ipinagwalang-bisa ko na ang kasong isinampa ko sa kaniya, pero bumalik siya at pinagtangkaan akong patayin at 'yan ka ngayon. Nararapat lang na makulong siya," lintana nito na inilingan ko.

"Sinira mo ang buhay niya. Sabihin na nating malinis na siya dahil nakalaya na siya, pero hindi na maaalis sa isipan ng mga tao na isa siyang kriminal. Lugmok na siya sa kahihiyan dahil sa kasalanan mo kaya dumating siya upang maghiganti."

"Teka, pinagtatanggol mo ba siya? Bakit pinagmumukha mo akong masama?" inis nitong sambit. Huminga ako ng malalim at tinignan siya ng diretso sa mata.

"Naiintindihan ko lang ang kinatatayuan niya kaya ko sinasabi ito. At ang punto ko, hayaan mo na siyang gawin ang gusto niya at magbagong-buhay."

Suminghap ito at napatayo.

"Magpapahangin lang ako," aniya sa inis na boses at mabilis na naglakad paalis dala-dala ang cake ko.

Bumuntong-hininga nalang ako at nahiga sa sofa. Napangiwi pa ako nang kumirot ang sugat ko pero panandalian lang iyon. "Sana dumating ang araw na maintindihan mo rin siya," bulalas ko sa hangin at muling bumuntong-hininga.

"Lq?"

Napatingin ako sa nagsalita at nakita si Sieena.

"Aish, layuan mo nga ako at baka mas lalo lang lumala ang pagtatalo namin," pagtatabuyan ko rito pero nagawa pa niyang umupo sa kabilang sofa, at iniabot sa akin ang phone niya.

"Si Papa."

Kinuha ko iyon at itinapat sa aking tainga. "Hello po, Papa? I mean, Mayor!" bati ko at napakamot sa kanan kong kilay.

"Nabalitaan ko ang nangyari sa'yo, ayos ka na ba?" anito mula sa kabilang linya.

"Opo. Hindi pa masyadong naghihilom ang mga sugat ko pero kaya ko ng gumalaw," sagot ko at iniangat ang paa ko sabay isinipa-sipa iyon sa ere.

"Good. May maganda rin akong balita sa'yo, patay na si Wyatt."

Natigilan ako sa sinabi nito at napa-upo.

"Nakita ko siyang pumasok sa loob ng kotse niya at pagkabuhay ng makina ay sumabog ang kaniyang sasakyan. Sunog na katawan nalang ang natira sa kaniya," dagdag pa nito kaya naman napahampas ako sa aking noo.

"Hindi. Buhay pa siya," sagot ko at tumayo. "Ang pagpasok sa kotse at ipakita sa lahat na sumabog iyon, ang pinakamabisang paraan upang sabihing patay na siya. Sa ganoong paraan ay paluluwagin mo na ang bantay diyan at makakapasok na siya ng walang kahirap-hirap," lintana ko.

"Ano? Pero nakita ko siyang...."

"WARLOCK!"

Napatingin ako sa sumigaw at nakita si Tielo na natataranta. "Si Erin, kinuha siya ng isang van!" sigaw nito sa akin kaya naman nabitawan ko ang hawak kong cellphone.

Dali-dali akong tumakbo palabas ng bahay pero naabutan ko nalang ang kulay pulang sasakyan na humaharurot palayo.

"Erin," bulalas ko at nagsimulang manlambot ang aking tuhod. Napaupo ako sa gilid ng kalsada at sinabunutan ang sarili kong buhok. Mula sa kalsada ay may nakita akong isang papel kaya naman kinuha ko iyon at binuklat.

WarlockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon