CHAPTER 30: She said, YES!

78 20 0
                                    

WARLOCK'S POV

"Erin!"

Sinalubong kami ni Sieena, pero agad na sumigaw si Erin na nakapasan sa likod ko kaya naman dumistansya muna ako kela Sieena.

"A-anong nangyayari?" taka nitong tanong, at iniangat ang kaniyang kamay upang hawakan si Erin pero pinigilan ko siya.

"Lumayo ka muna sa kaniya at 'wag siyang kausapin," anas ko na halos ikasalubong ng kilay nito. "Please?"

Wala na itong nagawa kundi ang tumango. Panay ang pagtatanong ng lahat sa nangyari pero hindi ko sila pinansin, at dinala si Erin sa kwarto ko. Maingat ko siyang inilapag sa kama pero isinama ako nitong bumagsak roon.

"Acckk! Nasasakal ako!" reklamo ko kaya naman binitawan niya agad ako. Napahawak ako sa aking leeg at hinarap ito. "Ayos ka lang ba?" tanong ko, sabay tinanggal ang buhok niya na humaharang sa kaniyang mukha.

Umiling ito at ipinikit ang kaniyang mata.

"K-kapag dilat ang mga mata ko ay wala akong ibang nakikita kundi ang mukha niya. Kapag nakapikit naman ang mga mata ko ay bumabalik sa ala-ala ko ang mga nangyari," aniya at niyakap ang kaniyang sarili. "Takot na takot na ako."

Lumapit ako rito at hinalikan ang kaniyang labi dahilan upang nagmulat ang kaniyang mata.

"Nakakatulong ba 'yun?" Tumango ito

Binuhat ko ang kaniyang katawan at ipinahiga siya sa ibabaw ko. Pinugpog ko ng halik ang kaniyang mukha na ikinatawa naman nito kaya napangiti na ako.

"Alam mo natatakot na ako. Paano kung maulit-ulit iyon? Parang gusto ko na tuloy kunin ang pagiging dalaga mo," pambibiro ko na ikinasama ng tingin niya sa akin kaya tinawanan ko siya at mahigpit itong niyakap. "Pero nagpapasalamat talaga ako dahil hindi niya nakuha, pero hindi iyon sapat na dahilan para hindi ko siya patayin."

"Warlock, tama ba 'yung narinig ko? Makikipagsabwatan ka kay Wyatt?" untag nito kaya naman agaran akong napa-iwas ng tingin.

"Pag-iisipan ko pa."

"'Wag mong gagawin iyon," wika niya pero hindi ko parin ipinabalik ang tingin ko sa kaniya. "Warlock. Tumingin ka sa mga mata ko at mangako."

"Ayoko. Nakapagdesisyon na ako. Tutulungan ko si Wyatt at papatayin ko ang lalaking bumaboy sa'yo." Buo na ang loob ko at hindi ko kailangan ng mahabang panahon para pag-isipan ito.

Hinaplos ni Erin ang aking pisngi kaya naman napatingin ako sa kaniya.

"Mangako ka."

Huminga ako ng malalim at hinigpitan ang pagkakayakap sa kaniyang katawan sabay seryoso itong tinignan.

"Pangako, huli na ito. Siya ang huling taong papatayin ko at wala ng iba. Gagamitin ko lang si Wyatt at kalaunan ay tetestigo na ako upang makulong siya, kung dapat din akong makulong ay tatanggapin ko. Pero hayaan mo muna akong patayin ang walang hiyang Mayor na iyon," lintana ko na inilingan nito. "Erin..."

"Gusto kong patayin mo siya, pero ayokong mapahamak ka kaya hayaan mong karma ang pumatay sa kaniya," anito at nginitian ako. Tumango nalang ako at nag-iwas ng tingin. Hindi ko maipapangako.

"Warlock."

Tumingin ako sa kaniya at nginitian siya. "Opo," tipid kong sagot pero pinaningkitan ako nito ng mata. Hinila ko siya paangat at hinalikan ang labi nito.

Sa ngayon, ito muna ang maibibigay ko sa kaniya upang hindi siya tuluyang masiraan ng ulo kakaisip sa nangyari. Sa susunod, ulo na ng lalaking iyon ang iaalay ko.

"Aish, umalis ka na diyan at nagsimula ng mag-init ang katawan ko," sambit ko kaya naman umalis na siya sa ibabaw ko. Nahiga ito sa tabi ko pero ginawa niya namang unan ang aking braso. "Nga pala, nalaman ko na si Tielo pala ang anak nu'ng bulldog nating gwardiya at nu'ng principal."

WarlockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon